Chapter 2

14 0 0
                                    


Chapter 2: Meet the Basketball Player

------


NIEL PIETR JIMENEZ POV


"Get your head in the game!"


Here we go again.


"I told all of you to focus! Itigil nyo na ang mga kalokohan! Its semi-finals at kailangan nating manalo. Naiintindihan nyo ba?"


"Yes coach." We answered. But I doubt it kung talagang inintindi ng mga kasama ko. Basta ang alam ko kailangan naming manalo.


"Now, all of you, take a rest. No party and girls for a week for all of you! Ang mahuli kong hindi sumunod ay banned sa mga susunod na game." And that's it. He leaves us.


"KJ ni coach."

"Hindi ka pa nasanay dun, alam mo namang mataas ang expectation nya satin kahit hindi pa talaga tayo nanalo ng championship."


Its true. Hindi pa nanalo ang team ng school namin, and its been 15 years since the last time our school had the championship. Ngayon na nga lang din ulit nakapasok ng semi-finals. We're all good with playing but we also get distracted easily.


"Ang lalim naman ng iniisip mo."


"You're here?"


"Of course I am! Hindi naman ako nawawala kapag may practice kayo eh. O ito tubig."


Kinuha ko naman ang inabot nyang tubig.


"Wait lang ah, doon muna ko sa captain nyo, iinterviewhin ko muna." I nod and there she go.


Mula noon hanggang ngayon ay wala syang ipinagbago. Still the simple and funny girl that I know.


"Iba na naman iyang mga titig mo kay Misha. Bakit hindi mo pa kasi ligawan?" One of my teammates nudge me and starts blabbing random things.


"Magkaibigan lang kami."


"Magkaibigan? O MAGKA-ibigan?"


"Wag mo kong patawanin pare. Alam mo namang si captain ang gusto nya. At talagang pagkakaibigan lang nag meron kami ni Misha."


Hindi dapat ako nasasaktan pero sa tuwing nakikita ko ang ngiti ni Misha kay Daniel, hindi ko mapigilang mainggit. Wala akong karapatan magselos dahil magkaibigan lang kami. At mas lalong wala akong karapatan na pangunahan sya sa mga nararamdaman nya.


Duwag na kung duwag, pero ayokong masira ang magandang samahan na meron kaming dalawa. Makukuntento na lang ako sa kakaunting atensyon na ibinibigay nya.


"Ikaw din pare, baka pagsisihan mo yan sa huli." Tinapik pa nya ako sa balikat bago iniwang mag-isa na nakaupo sa bench.


Nang makauwi naman ako ay agad na bumungad sakin ang muling pag-aaway ng nanay ko at step father. Matagal nang yumao ang tunay kong ama at ito kasama na namin sa bahay ang lalaki ng nanay ko. Hindi ako malapit sa kanilang pareho pero dahil hindi ko pa kayang mabuhay na mag-isa, ito ako at nagtitiis sa magulong tahanan naming.


At imbes na makialam, umakyat na lang ako sa kwarto ko at humarap agad sa computer. Ganito naman palagi. Nasanay na lang din ako sa magulo at boring na buhay.


Bakit ba hindi ako nawawalan ng problema?


Kailan ba ako magkakaroon ng katahimikan?

------


Fell Inlove with Number 22Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon