Chapter 3

13 0 0
                                    


Chapter 3:  Number 22

-----

MEL's POV

This is hell...

No Wifi

No internet

No spazzing

No video streaming

No to everything!

Paano ba mabubuhay ang isang fan girl kung wala lahat ng yan?

Bakit kasi kailangan ko pang umuwi ng probinsya para magbakasyon, ayan tuloy, two months na walang fan girling. Paano na ang buhay ko? Malungkot!

"Hoy Masha! Bumangon ka na dyan! Fiestang fiesta, nakahilata ka dyan! Bangon na!"

Ito naming si nanay kung makabulyaw! Ang aga aga pa! 6 am pa lang kaya!Tapos ang baho ng tawag sakin, ayoko nga na tinatawag akong Masha!!! Pero sino naman ako para magreklamo? Anak lang ako. Baka kutusan ako nito ni nanay!

"Good Morning Sunshine!" Bati ko sa pasikat na araw.

Okay, medyo weird yun pero pakialam nyo ba, maganda sa pakiramdam na binabati ang haring araw!

"Mel!!!"

Hay sa wakas! May matinong nilalang na Mel ang tawag sakin.

"Bakit Sisa?"

"Talaga ka Mel! Wag nga sabi Sisa itawag mo sakin! Isa na lang, pwede?"

"Eh sa iyon ang tunay mong pangalan! May magagawa ba ko?"

Opo. Sisa ang pangalan ng nagmamaganda kong pinsan. Malay ko dun kay tita at yun ang ipinangalan sa kanya, sa dami ng characters sa nobela ni Rizal, yun pa ang napili. Fan kasi ni Rizal ang tita ko. Buti pa yung dalawang kuya ni Sisa, Ibarra at Elias ang pangalan. Hahaha. Sya lang talaga ang may masagwang pangalan.

"Aba, baka gusto mong tawagin kitang Masha sa harap ng madlang people?"

"Fine! Isa! Isa! Isa! Oh, happy ka na?"

"Super happy. Tara na nga at baka dumami na ng sobra ang tao sa plaza at mawalan tayo ng pwesto para sa parada!"

Aba, itong babaeng ito, walang pakundangan sa paghatak sakin! Sayang saya sya!

.

.

.

"Ang saya naman! Dumami ang dayo ngayon!"

"Ha? Malay ko ba kung dumami ang dayo o hindi, kita mong hindi ako pamilyar sa mga taga-rito." Matinding irap ang ginawa ko bago nag-focus sa nagaganap na parada. Minsan na nga lang ako makaranas ng ganito, ginugulo pa ko.

"MEL!!!"

"Ano na naman?"

Kapag ako nairita sa pinsan ko na ito, bibigwasan ko talaga ito.

"Tingnan mo!" Aba ang babae, pinihit ang mukha ko para lang makita ang kung sino man na ikinagulat ko.

"Ang gwapo diba insan?" Bulong nya pa na hindi ko masagot dahil bigla na lang lumipad ang utak ko.

"Hoy Mel, natulala ka na dyan?"

"Ha?"

"Tara lapitan natin!" At wala na kong nagawa ng lapitan nya ang grupo ng mga nagtatangkarang mga lalaki.

"Pareng Lester" Tapik nya sa isa sa mga lalaki at kitang kita ko ang pagrehistro ng gulat sa mukha nung Lester tsaka tumawa ng alanganin.

"Hi I-isa..." Bati pa nito sa pinsan ko.

"Long time no see pre! Kamusta ang pagbabagong buhay?"

"O-okay lang. Masaya."

Bakit sya nauutal? Anong meron?

"Mukha ngang masaya ka na. Anyways, nangangamusta lang naman ako. Nga pala, daan kayo sa bahay mamaya, dun kayo makikain ha!" Kumindat pa talaga ang pinsan ko.

"Sige. Nga pala, Isa, mga kaibigan ko nga pala." OH MY GOSH! Ito na ba ang tamanag panahon para lumandi ako?

"This is Daniel, Josh, Ritz and Niel." Isa isa naman silang nag-hi maliban kay Niel na mukhang may galit sa mundo pero gwapo pa din.

"Ito naman ang pinsan kong si Mel."

Nakakahiya man ay nag-hi pa rin ako at pasimple lang na tumititig sa poging pogi kong crush!

My number 22, Niel Pietr Jimenez.

-----

Fell Inlove with Number 22Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon