Chapter 4: Start of something new
------
MEL's POV
"Here."
That 1 word 4 letters.
Hinding hindi ko malilimutan yan!
"Thanks." Inabot ko naman agad ang panyong iniabot nya sakin at pinamunas sa sugat ko.
Ako na kasi ang tangang babae na nadapa, at talagang sa harap pa ng crush ko! Tanga diba?
At paanong ganito ang nangyari?
Malamang, yung magaling kong pinsan inutusan ako. Kumakain kami kanina sa bahay at gusto nya ng ice cream, at ang siste, ako ang nautusan nyang bumili at para daw may kasama ako, ayan, pinasama nila si Niel my loves sakin. At ito, sa sobrang tanga ko hindi ko napansin ang malaking bato sa daraanan ko. Masyadong naoccupied nang katabi ko ang pag iisip ko.
"Kaya mo ba lumakad?" Tanong nya sakin na ikinatulala ko.
Magpapanggap ba ako na hindi makalakad para buhatin nya ko? O pipilitin kong maglakad para hindi nya isipin na weak ako? Ano ba dapat?
"You can stay here kung masakit pa ang sugat mo. Ako na lang bibili ng ipinabibili nila. You stay here."
Ano ba naman yan! Wala man lamang sa imagination ko yung naging desisyon nya! Kainis!
After almost fifteen minutes ay nakabalik na sya at bitibit ang isang supot na may lamng ice cream.
"Let's go." Aya nya sakin kaya tumayo na ko, pero sa pagtayo ko ay agad akong natumba. Namamanhid ang binti ko dahil sa sugat na hanggang ngayon ay dumudugo pa rin.
"Sorry." Tangi kong nasabi. Grabe! Nakakaiyak ito! Kahihiyan!
Kainis! Hindi ko mapigilang hindi umiyak! Hindi ako umiiyak dahil sa sugat kundi dahil sa kahihiyan!
"Let's go."
Oh my gosh!
Binuhat nya ako!!! Bridal style! Oh my gosh! Can I die now?
Syempre hindi pa ko pwedeng mamatay! Yung nabubuo kong lovelife baka mawala pa!
"S-sorry... And Thank you."
And there! I saw his ever charming smile! Pwede na talaga akong kunin sa lupang ito!
"Ang gaan mo, kumakain ka pa ba?"
"Ha? Ah... O..oo naman!" Nauutal kong sabi.
Tahimik na kami hanggang makarating sa bahay namin. At hindi ko maipalawanag ang reaksyon ng pinsan ko at mga kaibigan ni Niel nang abutan namin silang nagkukwentuhan sa lamesang nakahanda sa labas ng bahay . Lahat sila tulala at hindi makapaniwala.
"Hindi ko akalaing hokage ka pare!"
"Naku di man lang nagpabebe ang pinsan ko!"
Sabay na komento ng butihin kong pinsan at ni lester na ikinapula ng mukha ko at syang pagbaba sakin ni Niel. Tsk. Sayang, ang bango bango pa naman nya, sayang talaga.
"May alcohol at bulak ba kayo?" Tanong na lang nya sakin at hindi pinansin ang mga nakamasid samin. OMG!
"Ah... me-meron. Ako na ang kukuha sa loob." Grabe. Kalma ka lang dear heart. Wag tayong pahalata na crush natin sya.
Akmang aalis na ko at papasok sa loob ng bahay ng hilahin nya ko pabalik at pilit pinaupo sa tabi ng pinsan ko.
"No. You sit and stay here. Ako na." Saka nagtungo sa loob ng bahay. Hala, alam nya ba kung saan nakalagay yung alcohol?
"At anong kaetchosan yan pinsan? Ikaw ha." Panunukso nitong bwiset kong pinsan.
"Kaetchosan agad? Di ba pwedeng tanga lang at nadapa kaya tinutulungan nya?"
"Sus. Kunwari pa. Kapag kayo nagkatuluyan, magpapafiesta talaga ko. Cute nyo tingnan eh." Saka tumawa ng parang tanga. Ewan ko ba sa pinsan kong ito, may topak talaga sa utak.
"Umayos ka nga Sisa!"
"Ay peste kang Masha ka! Sabing wag mo kong tawaging Sisa eh!"
"Eh sa yun naman talaga pangalan mo!"
Kung makapag-away kami nitong pinsan ko parang walang ibang nakakarinig eh kaya yung mga abnormal na kaibigan ng baby loves ko ito at pinagtatawanan kami.
"Hey. Let's treat you wound."
Ay jusme! Nakabalik na ang baby loves ko kaya itong puso ko kilig na kilig na naman.
"Ha? Ok lang, ako na." Pero mapilit sya at lumuhod sa harap ko para tingnan ang sugat sa tuhod ko.
OMYGOSh! dapat na ba kong himatayin?
On the second thought, wag pala muna. Bubuo pa kami ng happy ending ng baby loves ko.
"ARAY NAMAN!" Nawala ko sa pagpapantasya kasi putspa naman, tama bang ibuhos sa suagatan kong tuhod yung alcohol????
"Tsk. Don't move." At lalo pang hinila yung binti ko at inipit sa matipuno nyang braso. Grabe, hindi ko alam kung dapat akong kiligin o masaktan eh. Bwiset naman.
"Dahan dahan naman kasi." Maiyak iyak kong suway sa kanya.
"Sorry." Saka hinipan yung sugat ko para mawala ng kaunti ang sakit.
Dun ko tuluyang napagmasdan ang buo nyang mukha. Kung sa malayo ay gwapo sya, mas gwapo sya sa malapit. Yung singkit nyang mata kakikitaan ng pagiging misteryoso at kaunting lungkot. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero nang matitigan ko ang mata nya, tila nalungkot ako. Anong dahilan at ganyan ang mga mata nya? Gusto kong malaman at higit sa lahat, gusto kong makita na mag-iba ang repleksyong ipinapakita ng kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Fell Inlove with Number 22
Teen FictionJersey number 22. Niel Pietr Jimenez, a well known basketball player Found love with... Miss Lucky Number 22. Mariel Elisha Galvez, an ultimate artista fan girl. Two different world. Clash in an instant. How would they handle each others personality...