Chapter 1: Meet the Fan Girl
-----
MARIEL ELISHA GALVEZ POV
" A subsidiary ledger is a ledger designed for the storage of specific types of accounting transac-"
"MEL!"
"MEL!"
"MEL!"
"ANO??? Mel ka nang Mel! Ano ba ang kailangan mo at binubulabog mo ko? Marami akong ginagawa ngayon ah." Saka padarag na tinanggal ang suot kong salamin sa mata. Medyo malabo na kasi ang mata ko. Nasobrahan sa pag-aaral. But i'm not a nerd na as in yung naka-pang manang outfit, I'm into modern fashion naman.
Well, I love reading and I prioritize my study but aside from that, I have my free time doing stuffs that only few can understand. And that is being a fan girl of different boy groups slash bands.
"MEL!"
"Ano nga? Sasabihin mo o sasapakin kita?"
"Mel! Si Taeyang may girlfriend na!" At ayan na po sya, nag-umpisa na sa pagpalahaw.
At bilang mabuting kaibigan...
*pak*
"Aray naman Mel! Para saan naman iyang pangangaltok mo? Kapag iyang brain cells ko nabawasan, kasalanan mo talaga." Aba, sya pa may ganang reklamuhan ako pagkatapos nyang guluhin ang pagrereview ko.
"Matagal nang ubos ang brain cells mo! Wag kang feelingera."
"Ikaw kasi, hindi mo alam kung anong pinagdadaanan ko, palibhasa umamin na ang JIKO na matagal na silang wala! At akala mo naman sino kang hindi nag-ubos ng tissue nung mga panahong na-link si GD sa iba."
At ako pa nasumbatan ngayon?
Okay sige, totoo nang umiyak ako ng mga panahong may nilalandi ang minamahal kong idol. Pero kasi, ang tunay na fan hindi magiging masaya hangga't hindi nakikita na worth it ang babaeng makakatuluyan nila. Hindi naman sa ayokong magkaroon sya nang relasyon sa iba, sadyang mapili lang ako. I want the best for them. At ang tunay na mga fan girl o fan boy lang ang makakaintindi sa mga sinsabi ko.
"Oo na! Ako na! Ako na ang umiyak! Masaya ka na? O ayan papel, ipunas mo sa luha mo, wala akong tissue kaya ayan at makuntento ka dyan!" Saka hinagis lahat ng nagamit kong scratch paper sa kanya at kinuha ang libro ko para maghanap ng mapapagtaguan. Hindi ako tatantanan nyang bestfriend ko hangga't hindi nya naiiyak ang lahat. Matindi pa sa brokenhearted ang pagka-OA nya.
"Girl, tara na sa gym! Ang bagal mo naman!"
Anong meron?
"Wait lang girl, hindi naman sila agad aalis."
"Kapag yung crush ko hindi ko nakita, tatamaan ka talaga sakin. Tama na nga yang pagpupulbo mo!"
Sinundan ko na lang ng tingin yung dalawang babae na masyadong madaling madali na makapunta sa gym. Ano bang meron ngayon sa gym?
At dahil dakilang chismosa ako, sumunod ako dun sa dalawang babae.
Sa gym...
May game pala ng basketball ngayon? Bakit di ko alam?
"Move."
Huh?
Oh mahabaging langit! Lumingon lang ako may nakita na agad akong anghel!
"What?"
"Ano?" Okay, medyo tanga lang ako dun.
"I told you to move."
Move? Nakaharang ba ako? Ang laki naman ng daan? Pero sige dahil kamukha naman nya ang mahal kong idol, pagbibigyan ko sya. I moved aside and stared at his back until he was gone in the crowd.
Shemay this! Ulam na pinakawalan ko pa! Sana man lang inalam ko muna ang pangalan ni pogi!
"And going in for the game is jersey number 22, Jimenez!"
Number 22?
Oh my gosh!
Its him!
-----
BINABASA MO ANG
Fell Inlove with Number 22
Teen FictionJersey number 22. Niel Pietr Jimenez, a well known basketball player Found love with... Miss Lucky Number 22. Mariel Elisha Galvez, an ultimate artista fan girl. Two different world. Clash in an instant. How would they handle each others personality...