"Tay, kamusta na po pakiramdam nyu?"
"a-anak? san ka kumuha ng ipinangbayad mo sa operasyon ko?"
"tay wag nyu na po yung alalahanin. may nautangan na po ako."
"paano mo naman iyun babayaran anak?"
"basta po tay."
napag-usapan na namin ni Dave ang tungkol sa pagbabayad ko sa kanya. Magiging personal assistant nya ako, napag-alaman kong isa pala siyang model ng sikat na clothes incorporated. Ako ang taga bit.x ng mga dadalhin nya pag nag momodel sya may sweldo rin ako at nakakahiya man pero binigyan ako ng scholar ng papa nya sa pinapasukang skwelahan din ni Dave ako papasok. Nagpalitan lng kami ng cellphone number para tatawagan nya lang ako pag kailangan nya ako. kung tinatanong nyu san ko kinuha ang cp ko? binigay ni Dave nakakahiya na nga eh, di bali babayaran ko lang ito pag naka sweldo na ako.
"nga pala tay, pababantayan ko lang po kayo kay ate joyce habang nag tratrabaho po ako, stay in po kasi eh, tsaka makakapag aral na po ako tay, may sweldo pa."
"wow maganda yan anak, salamat naman at binigyan tayo ng Diyos ng bagong pag-asa anak, hindi nya tayo pinabayaan."
"oo nga po itay, kaya po bilisan nyu po ang pagpapagaling tay ipapasyal ko po kayo sa magagandang mall pag nagkapera na po ako. :)"
"haha kaw talaga anak."
napakasaya ko talaga, alam kong mag babago na ang buhay ko dahil sa panibagong pag-asang ito, sana magpatuloy ito hanggang sa makapagtapos ako sa pag-aaral, para narin sa kapatid kong 2 years old.
tbc.
BINABASA MO ANG
there's still a hope
Teen Fictionlahat ng tao nakaka gawa ng pagkakamali sa buhay nila, minsan nagagawa natin ito dahil sa matinding pangangailangan kaya wag tayong humusga kaagad sa mga taong gumagawa ng masama dahil di natin alam ang istorya sa likud ng mga inaakala nating totoon...