Episode 11 - Complicated

2.1K 93 0
                                    

Lumingon si Raffy pagkatapos magsalita ni Kristina.

"Bakit nasa sayo ang baril ko? Paano mo nakuha yan?" - Tanung ni Raffy

"Ginamit ko ang pekeng drama kanina, yung niyakap kita, para makuha tong baril sa bag mo.Genius diba? (Malditang saad ni Kristina), At ito pa? (hawak hawak niya ang notes ni raffy)

"Ibalik mo sa akin yan?" - Raffy

"Ibalik? Ayos ka rin nuh? Akala mo ba hindi ko nabasa ang mga sinulat mo dito? Si Ms, Kristina ay masyadong MEAN, siya ay may mood swing, laging galit, parang galit sa buong mundo, mahilig sa materyales na bagay tulad ng mga sapatos. Minsan naman para siyang baliw." -Kristina

"Oh bakit hindi ka pa ba baliw sa lagay na yan?" - Raffy

Sinubukan ni Raffy na lumapit kay Kristina pero umatras siya nang itinutok ni Kristina ang baril sa kanya.

"Are you telling me that I am more capable of being a criminal kaysa maging witness?" - Krisitna

"Wala akong sinasabing ganyan? It's not what i meant" - Raffy

"Inaunderestimate mo ba ako?" -Kristina

"Hindi, infact naoverestimate kita, Inisip kong mali ako sa mga inisip ko laban sayo pero sa ginawa mo ngayon lalo mo lang pinatunayan na tama ang iniisip ko sayo." - sabi Ni raffy

"Tumigil kana! Tapos na ang drama, pakawalan mo ako dito." -Kristina

Agad sinusian ni raffy ang posas, umatras ito at nakiusap kay Kristina.

"Ms. Kristina, huwag mong gawin ito." -Raffy

"Tabi, tumabi ka dyan! TABI! (sigaw ni kristina), Alam mo, ang gusto ko lang naman ay makalayo, pero pilit mo akong binitbit sa kaguluhang ito.
I just want to live at peace." -Kristina

"At peace? Bakit parang ang hirap paniwalaan yang sinasabi mo!" - Raffy

"Anung ibig mong sabihin?" -Kristina

"Ang ibig kong sabihin ay ito...(Raffy)

Hinampas ni raffy ang kanyang bag kay Kristina, kung kaya nabitawan niya ang baril. Dali dali naman pinuntahan ni raffy ang baril subalit naabutan siya ni Kristina.

Habang abala silang dalawa sa pakikipagbakbakan...

"Ding dong, ding dong(doorbell rings)

"Sino yun?" -Raffy

Tumayo si raffy, nang marinig niya ang boses ni Marcos.

"Mga tauhan ni basquez." - Raffy

"What?" - Kristina

Kinuha ni Raffy ang baril at agad naman din kinuha ni Kristina ang kanyang maleta, sabay tumakas sa fire exit ang dalawa. Pwersahang binuksan ng mga tauhan ni Basquez ang pinto sabay nagpaputok ng baril. Mabilis na tumabkbo sina Raffy at Kristina palabas ng hotel.

Hinabol ng dalawang lalake sina Raffy at Kristina, Nakipaglaban si Kristina sa isang tauhan ni Basquez at nakuha niya ang baril nito.
Agad naman binaril ni Raffy ang isa pang kalaban.
Lumapit si Raffy kay Kristina.

"Marunong kang gumamit nito?" - Raffy

Tiningnan lang ni Kristina si Raffy.
Nang mapansin nilang parating na ang iba pang kalalakihan, Nagpatuloy ito sa pagtakbo.

Nakita ni raffy ang papalapit na bus agad niya itong pinahinto sa pagbigay ng warning shot. Sumakay silang dalawa, pagkaupo na pagkaupo palang sa bus, agad kinuha ni raffy ang baril kay Kristina at pinosasan ang sarili niya sa kanya. Pumalag si Kristina subalit wala narin siyang nagawa. Sa Sobrang gigil niya kay Raffy hinampas hampas niya ang braso nito.

"Tumigil ka nga! Tapatin mo nga ako, lahat ba ng sinabi mo sa akin ay totoo?" - Raffy

"Bakit sino bang nagsabi sayo na paniwalaan mo ako?" -Kristina

"So all this time, puro kasinungalingan lang ang mga sinabi mo sa akin?" - Raffy

"You don't deserve to know the truth! At anu bang pakiaalam mo sa buhay ko?" - Kristina

"Pwes, sa ayaw o sa gusto mo, dadalhin kita sa manila, para tumestigo laban kay Basquez. Hindi ako naniniwalang wala kang alam sa pigiging drug lord niya." -Raffy

"So anu to, sinasabi mo bang kasabwat ako ni Basquez?" Kristina

"Oo, bakit impossible ba ang iniisip ko? Hindi ko alam ang takbo ng utak mo, pero may duda ako na alam mo ang totoo." - dagdag ni Raffy

"Anung bang pinagsasabi mo? Wala akong alam sa mga sinasabi mo! sambit naman ni Kristina kay Raffy

"Talaga lang ha! Malalaman din natin yan." -Raffy

Ilang saglit lang ay napansin ni raffy ang isang police patrol na nakasunod sa bus. Napansin din ito ng driver, sa pag aakalang pinapahinto siya ngmga pulis, muntik ng ihinto ng bus driver ang bus na siyang agad naman kinontrahan ni Raffy.

"Huwag mong ihinto, (Sabay tayo at nilapitan ang driver,habang kadkad niya si kristina), Ituloy mo lang. Police ako. Ituloy mo lang." -Raffy

Subalit biglang pinaputukan ng mga Tauhan ni Basquez ang bus. Na ikinabahala naman ni Raffy, agad niyang pinaalis ang driver sa upuan, Muli pang nagpaputok ang mga tauhan ni basquez na mas lalong kinataranta nina raffy at Kristina.
Agad umupo si raffy sa driver seat pero hindi niya abot ang pedal ng sasakayan.

"Baez, bilisan mo, patakbuhin mo na!" - Kristina

"Oh shhhet, hindi ko abot, hindi ko talaga abot ang pedal" - Raffy

"Tumayo ka dyan bilis! Ako na magdadrive. Tayo na!" -Kristina

Nang makatayo si raffy, agad umupo si Kristina sa driver seat,
At pinakandong si Raffy. Parehas silang nakaharap sa daanan. Pilit binubunot ni raffy ang kanyang baril, subalit hirap siyang kumilos dahil sa nakaposas ang mga kamay nila.

"Wag mo akong takpan, di ko makita ang daan" -Kristina
"Hindi ako makagalaw, di ko makuha ang baril." -Raffy

Pagewang gewang na ang takbo ng bus, pero tuloy parin silang pinapuputukan ng mga kalaban.
Nabunot na ni Raffy ang baril, subalit hindi niya ito magamit-gamit.

"Barilin mo! Barilin mo sila!" Sambit ni Kristina

"I can't shoot" sabi naman ni Raffy

"Ang gulo ng ulo mo, di ko makita ang daan" -Krsitina

"Ang gulo ng kamay, di ko magamit ang baril" -Raffy

"Eh sino bang nagposas sa atin?" -Kristina

"Tumahimik ka!" -Raffy

Nagpalit ng pwesto si Raffy. Humarap siya kay Kristina.

"Come on! Lumapit ka lang, isang beses lang." - Raffy

Dahan dahan sinesentro ni raffy ang kanyang baril sa labas ng bintana ng bus, habang inaabangan ang humahabol na sasakyan.

Dahan dahan sinesentro ni raffy ang kanyang baril sa labas ng bintana ng bus, habang inaabangan ang humahabol na sasakyan.

"Pag sinabi kong ikaliwa mo, kumaliwa ka."

"What are you doing?" -Kristina

"Sundin mo na lang ako!" -Raffy

"Okay, okay" - Krsitina

"Ayan na, ayan na, Ikaliwa mo!" - Raffy

Agad kumaliwa si Kristina at agad namang pinaputukan ni raffy ang gulong ng sasakyan ng kalaban hanggang sa tumilapot ito.

"Yes!" - Raffy

"Natamaan mo?" - Kristina

"One down" - Raffy

"Wow! Ang galing galing natin!" - Kristina

Sabay tiningnan ni Kristina ang tumilapot na sasakyan, nang mapansin niya ang dalawang kalalakihan sakay din sa kotse at sinusunda din sila. Huminto sina Kristina at Raffy ng mapansin nila na wala ng humahabol sa kanila. Pa dungaw dungaw si raffy sa bintana habang ang mga tao ay nagsilabasan at nagsitakbuhan palabas ng bus, nang lumingon siya, sinuntok siya ni Kristina ng malakas kung kaya nawalan siya ng malay.

Itutuloy...

''The Bodyguard'' - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon