Chapter2

57 4 0
                                    

Nasa canteen na silang lahat na masayang kumakain ng makita ni Zea si Zech na may kasamang babae. Kilala nya ang babaeng iyon at hindi sya pwedeng magkamali.. Si Phenelope Andrade ang kasama ni Zech na masaya pang nagtatawanan

"Ahh, si Phenelope?? Kakalipat lang nyan kahapon, at kaklase natin sya, hindi mo ba napansin?" Nabilaukan bigla si Zea sa sinabi ni Gani..

Hindi makapinawala si Zea, alam nya kasi na dati pa man ay gusto na ni Zech si Phenelope, pero since nag migrate ang family nila Phenelope sa France kaya hindi naligawan ni Zech si Phenelope.

'Grrr, bakit pa sya bumalik? Pano na lang ako?' Naiinis na sabi ni Zea sa utak nya.

Alam nya naman na wala syang pag-asa kay Zech dahil nga bestfriends lang sila at ngayon ay lumalayo na si Zech sa kanya? Hindi kaya dahil andyan na si Phenelope? Grrr naiinis na talaga si Zea sa naiisip nya!!

"Huy!! Zea!!"Nagulat na lang si Zea ng sigawan sya ng dalawa nyang kaibigan..

"Sabi na nga ba at hindi ka nakikinig samin e.." sabi ni Kaye

"E pano!! E nakatingin sya sa Papa Zech nya, like HELLO?? wala ka na ngang pag asa dun.." sabat naman ni Gani..

"Nagseselos ka no?" Usisa ng dalawa sakanya..

Selos? Dapat ba syang magselos e alam nya namang walang SILA, at wala syang karapatan kay Zech..

"Huh? Ako?? Duhh?? At bakit ako magseselos?" Diretsong sabi nya..

"Kaya pala tumutulo na yang luha mo ha!!" Gulat na sabi ni Kaye..

Nagulat din si Zea kasi hindi nya namalayang umiiyak na pala sya. Oo nasasaktan sya, kasi hindi lang naman simpleng CRUSH lang ang meron sya para kay Zech, MAHAL nya na kasi ito, pero ayaw nya pang aminin dahil natatakot sya na dumating ang araw na yun.

"Huh? Ah sige aalis na muna pala ako, may nakalimutan pa kasi akong gawin e, sige sige" pagpapaalam nya sa dalawa sabay takbo papalabas ng canteen nila.. Narinig pa nga nya na tinatawag sya ng mga kaibigan nya e pero di nya nalang pinansin..

*BLAAG*

nagulat na lang sya ng bigla syang mapaupo sa lakas ng pagkakabangga nya. At nagulat sya kasi nakita nya si Zech na kasama si Phenelope..

"Lou, what happened? Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Zech sakanya.. Pareho nilang tinatawag ang second name nilang dalawa para daw unique..

"Ah, wala Alvin, sige.. u-una na ko." sabi nya sabay kumaripas ng takbo. Nasasaktan sya ng sobra, hindi dahil sa hindi sya mahal ni Zech, pero oo kasama na din iyon sa dahilan, at dahil natatakot sya na baka malapit na dumating ang araw na kinatatakutan nya. Isa pa, nagseselos din sya sa dalawa..

Nakarating si Zea sa rooftop at doon na lang muna nag stay, wala naman na silang teacher kaya mag ka-cut na lang sya..

"Natatakot ako, bakit ganun? Bakit pa bumalik si Phenelope? Wala na ba akong pag asa sayo?" Sabi nya habang kausap nya ang larawan ni Zech na nasa cellphone nya..

"Hanggang kaibigan lang ba talaga ako sayo? Hmm bakit pa kasi sayo ako nagkagusto e ang pangit mo naman.. Haha joke kaya nga mahal na mahal kita e" sabi pa nya.. Matagal syang nanatili sa rooftop bago sya bumaba, may nagawa pa nga syang isang desisyon na hindi nya alam kung tama ba iyon, pero buo na ang desisyon nya at wala ng atrasan pa..

"Simula ngayon, kakalimutan na kita at iiwasan na kita Zech Alvin Gutz para hindi nako lalong masaktan pa"

Pagkababa ni Zea galing sa rooftop, sakto naman na uwian na at hahantayin nya na lang ang driver nila. Pumunta muna sya sa classroom nila para kunin yung mga gamit nya nang nagulat sya at may biglang nagsalita..

"Zea Lou !" Napalingon naman sya agad kahit alam nya na kung sino ang tumawag sakanya. Isa lang naman ang taong kilala nyang tumatawag ng buo sa pangalan nya, walang iba kundi si..

"Phenelope, kumusta?" Nakangiting tanong nya dito, tama kayo!! Si Phenelope nga..

Naging magkaibigan din kasi sila noong elementary palang silang tatlo nila Zech, dahil nga gusto ni Zech na mapalapit din sya kay Phenelope kaya pinilit nyang makipagkaibigan si Zea kay Phenelope kahit ayaw pa nya. Naging magkaibigan naman sila kaso nga bigla silang nag migrate sa France kaya hindi na nakapanligaw pa si Zech sakanya..

"Well, okay naman masaya, ikaw ba?"

"Hmm, eto pa din, same as old me, nothing change " sagot nya dito..

"Gusto mo sabay na tayong umuwi, wala na kasi si Zech Alvin e, nauna na sya kasi hinahanap na daw sya ni Tita."

"Hmm, may sundo din kasi ako e, okay lang"

"Please Zea Lou, ngayon lang talaga, namiss kasi kita e :) "

Wala na din namang nagawa si Zea kundi ang sumama na lang din, para naman may kausap din sya.. nasa kotse na sila ng biglang nagsalita si Phenelope..

"Zea Lou, bakit ka nga pala umiiyak kanina?" Tanong nya dito na ikinagulat naman ni Zea..

Gusto nyang sabihin na 'Dahil sayo, bakit ka pa kasi bumalik? Panira ka ng buhay e noh? Nasasaktan ako kaya ako umiiyak' pero syempre hindi iyon ang sinabi nya..

"Ahh, yun ba?? Haha wala yun, nasaktan kasi ako kanina e" dire diretsong sabi nya.. ooooppss mali!!

"Ha?? Nasaktan? Dahil kanino?"taas kilay na tanong ni Phenelope sakanya..

"Ha? Anong kanino?? Baka naman bakit? Haha nadapa kasi ako kanina kaya napaiyak ako, eto nga o may pasa na!!" Pag aalibay nya, pero nagulat na lang din sya sa nakita nyang pasa..

"Ahh ganun ba? Are you okay now?"
"Yep, Im fine, no need to worry"

Then nagkaron ng matagal na SILENCE between them, masyado nang nakakabingi ang katahimikan sa pagitan nila na gusto nang magsalita ni Zea..

"Zea/Phenelope"
"Ah mauna kana"
"Hindi , ikaw na"

Natawa sila pareho dahil pareho silang nagkakasabay sa mga sasabihin nila..

"Sige mauna kana Phenelope, ano yung sasabihin mo?"

"Tungkol sana kay Zech Alvin" sabi nya, mukang alam na ni Zea ang pag uusapan nila kaya naman hahayaan nya nalang..

"Okay.. what about him?"
"Is it true? That wala syang girlfriend?" Tama nga ang hinala ni Zea sa itatanong ng kaibigan..

"Uhm, wala naman akong nababalitaang nililigawan nya, but, ewan ko dun" sabi nya nalang.

"Sakto lang pala yung pagbabalik ko, haha alam mo namang mahal na mahal ko yun e " sabi nya na tuwang tuwa..

'Hindi lang naman ikaw ang nagmamahal dito e, ako din, pero masuwerte ka kasi mahal ka nya' gusto sanang sabihin ni Zea ang mga katagang yan pero hindi nya magawa.. Hahayaan nya nalang siguro yung nararamdaman nya para kay Zech.

"Ikaw Zea Lou? Wala ka bang boyfriend?"

"Ako? Wala haha " sabi nya..

"Ah sige, dito na ako ha, salamat sa paghatid" paalam nya sa kaibigan bago bumaba ng sasakyan..

STUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon