* ZEA'S MESSAGE*Ang mga kaklase nya ngayon ang nagserve sa kanyang funeral dahil last day na ng lamay bago sya ipa CREMATE.. mas gusto kasi ni Zea na ICREMATE sya kesa ibaon sa lupa..
Nalaman na ng mga kaklase nya at ng buong school ang nangyari kay Zea at hindi sila makapaniwala. Inaway pa nga ni Kaye at Gani si Zech kasi ayaw nilang maniwala but in the end, nakumbinsi padin sila. At ngayon nga ay sila ang nagserve sa last lamay ni Zea..
Nagkaron ng konting program which is kailangan nilang magbigay ng message about kay Zea at lahat sila..
Naunang tumayo ang dalawang magkaibigan na sina Kaye at Gani na close friend nya.. at nagsimulang umiyak sa harapan..
"Alam nyo po ba si Zea ang daming. kalokohang ginagawa nyan sa school, nagpapapansin sya kay Zech kasi crush na crush nya si Zech.." panimula ng dalawa at nagtawanan naman ang ilan..
"... we never expect na ganito pala, samantalang sa school ang energetic pa nya.. Walangya ka Zea!! Hindi mo man lang sinabi samin?? What are friends are for?? Gaga ka talaga!" Tapos humagulgol na ang dalawa at sabay na naupo na lang..
Sumunod na nagsalita ang adviser nila "Zea Lou Mines, I didn't expect these things are happenings, sana sinabi mo sakin agad ang dahilan ng palagi mong pagabsent , tuloy nasesermonan pa kita.. Im sorry for that. Mahirap tanggapin na wala ka na pero alam naming masaya kana kung nasan ka man. I hope you won't forget all of us " sabi nito na ikinaiyak ng lahat..
Huling nagsalita si Zech at hindi nya alam ang sasabihin nya sa harap, nandoon ang lahat ng kaklase nya and his whole family..
"Uhmm okay.. I dont know where to start but .. I just want to say that 'I love you Zea'" nagulat ang lahat sa sinabi ni Zech.. They can't believe sa sinabi ni Zech because alam nilang lahat na wala lang si Zea para kay Zech..
"We started as bestfriends and I dont know that na lahat pala ng pagpapa cute mo sakin ay totoo..And then one day I just found out na mahal na din kita...." sabi nya habang tahimik lang na nakikinig ang lahat ng tao sakanya..
"...Hindi ko alam kung paano ba manligaw ng babae then biglang dumating si Phenelope na crush ko dati.. lagi kaming magkasama ni Phenelope kasi nagpapaturo ako sakanya kung pano ba ang manligaw pero nagseselos ka..kaya mas natuwa pa akong pikunin ka.."
"Andaya mo!! Sabi mo walang iwanan pero ngayon iniwan mo na kaming lahat.. Hindi ko man lang nasabi sayong mahal kita, nadala kasi ako ng pagkatorpe ko" diretsong sabi nya..
"Nung sa Teatre Play , I knew na the story you've made was all about US right? You said that the boy is stuck on her mind and on her heart and that girl is you and that guy is me.. but you were wrong for that.." sabi nya...
"Because you're also stuck on my mind and my heart.. hindi lang ikaw ang nagmamahal kundi pati na din ako at hindi ko na alam ang gagawin ko ngayong wala ka na..Ang sakit, sobra!! I love you Zea" after that speach, hindi na makapagsalita pa ang lahat.. Nagulat sila sa revelation ni Zech, nanghihinayang sila kasi hindi man lang nabigyan ng chance ang pagmamahalan nila..
Mapaglaro talaga ang tadhana, hindi mo alam ang pwede nyang idulot sayo at sainyo..
"Thank you for all of your speach.. may iniwan din para sa inyo si Zea.." her mom said and play the video sa projector..
"BULAGA!!! HAHAHA NATAKOT KAYO NO??" Sabi ni Zea sa video..
"Pasensya na kayo ha ang pangit ko na, sabi ko kasi kay mami na voice tape nalang ang gawin ko pero ayaw nya.. Haha by the way, wag kayong iiyak ha sige kayo mumultuhin ko kayo!!.. Dapat matuwa kayo kasi hindi nako mahihirapan pa!! Siguro , wala nako sa mundong ito habang pinapanood nyo to pero ayos lang yun atleast once nyo lang makikita ang kapangitan ko.. Muka na nga akong bangkay o!! Hahaha" sabi nya sa lahat at hindi na napigilan ng lahat ang umiyak..
"Well, I have an ACUTE LEUKEMIA and my doctor noticed it when I was 5, well agad naman akong pina operahan nila Mom and Dad at successful naman.. after ilang years sabi ng doctor ko na Im a Cancer Free patient.. kaya hindi nako natakot pa.."
"But lately, naramdaman ko na naman ang symptoms ng sakit ko which is nagkapasa pasa ako at dumudugo ang ilong ko.. well I lied when I said na 'Anemic' ako, ayoko kasing malaman nyo kasi ayoko na kaawaan nyo ako at ayoko mg special treatment.. haha" nakikinig padin ang lahat at patuloy ang pag iyak nila..
"Well yung sa Teatre Play, yung story ko nagawa ko was all about Me and Zech, haha alam nyo naman na mahal na mahal ko yang si Zech,and Im glad that you did not noticed about when I say the girl died in the story..at masaya ako kasi pumayag kayo dun... and also Kaye and Gani super duper close friends wag kayong iiyak ha!! Haha mumultuhin ko talaga kayo.."
"And the song na kinanta ko, well, part of it is sobrang damang dama ko, na theres no possibilities na mahalin ako ng bestfriend ko haha alam ko naman kasing hindi mangyayari yun e, and sorry ha kasi hindi ko na sinabi sainyo.. thank you for dedicating the play for me I appreciate it, ang galing galing nyo nga e, napanood ko kayo pero hindi nako lumapit kasi muka na akong bangkay, and that day na din nung simula na akong manghina... okay, sige hanggang dito na lang ako ha, kailangan ko na kasing magpahinga... always remeber ME..
GOODBYE , FOREVER" and after that nag iyakan na silang lahat.. ayaw na ayaw kasing nagsasabi ni Zea ng goodbye dahil hindi panaman daw sya mawawala.. but she said it..
At hindi na nila makikita pa si Zea Lou Mines kahit kailan...
May binigay din na Video tape ang mama ni Zea kay Zech dahil meron din isang video dun for him.. Zech open it and nakita nya si Zea..
"Hi , Zech.. Wag kang iiyak dahil hindi naman kita mumultuhin haha ASA kapa!! Kahit umiyak ka pa ng ilang drum dyan at umiyak ka pa ng dugo, hinding hindi kita mumultuhin haha, siguro nagsawa na kasi ako sa pagmumuka mo e hahaha joke!! Well, Sorry nga pala sa lahat ng pang aasar ko sayo. Dont worry, ito na ang last time na tatawagin kitang ILONG! HAHA mamimiss kita ng bongga!!" Napangiti si Zech dahil dito..
"... Alam ko naman na wala akong pag asa sayo pero patuloy pa din ang pagpapakatanga ko sayo, ganun talaga siguro pag mahal mo ang isang tao.. Haha tama na drama!! Basta tandaan mo mahal na mahal kita Zech and you'll always here stuck on my mind and on my heart...I love you Zech" tapos nag end na yung video..
"I love you , too , Lou" bulong ni Zech sa sarili..
BINABASA MO ANG
STUCK
Short StoryKwento ito ng dalawang magkaibigan na sinubok ang tatag ng kanilang pagsasama bilang magkaibigan! Ngunit sa mga hindi inaasahang panahon at pagkakataon may mga bagay na hindi natin inaasahang mangyayari ! May mga pinagtagpo pero hindi kailanman iti...