Chapter Two
September
(Jeff’s POV)
Siguro nagtataka kayo noh? Sino ba ‘tong Jeff na ‘to? Kanina nagbabasa lang kayo ng POV ng isang babaeng nagngangalang Eli tapos ngayon, biglang may Jeff? Malamang nasiraan na ako ni Eli sa inyo. May galit pa naman ‘yun sa akin. Lalo na ngayon. Hayy…
Magpapakilala na ako. Ako nga pala si Jeff Arthur Ocampo AKA Jeff. Pero kung si Eli ang pinag-uusapan, ako si Paps. O, ayan. Kilala niyo na ako. Hindi ako bastang epal dito sa storya na nabigyan ng konting POV para maging narrator lang ng mga nangyayari kay SS. Eighteen years old na ako, mas matanda ng one year kay Eli. Ano pa ba? Hm.. bakit SS ang tawag ko kay Eli? Wala. SS stands for Special Someone. ‘Wag berde ang isip mga ‘dre. Ganun lang talaga kami ni Eli. Special Child kasi ‘yun eh. Kaso ‘di na nga child kaya ang sabi ko, Special Someone siya. ‘Yun lang ‘yun. Walang landian. Kaya sorry na lang kung disappointed kayo. >:))
Oo nga pala, ako ang pinag-uusapan. Hindi si Eli.
Pangalawa ako sa magkakapatid. ‘Yung kuya ko, nasa Dubai na at dun nagwowork. Nandun din si Mama. ‘Yung dad ko, nagtatrabaho sa call center. May girlfriend na siya na iba kaya madalas, wala rin siya. Ang kasama ko naman sa bahay, ‘yung bunso sa’ming magkakapatid. Si Lexi, yung only girl namin. Ilang taon na ding wala si Kuya kaya sanay na din kami na halos ako na ang tumayong panganay. Eight years kasi ang tanda ni Kuya sa amin. Pagka-graduate niya, pumunta na agad sa ibang bansa kaya ganun.
Incoming freshman ako sa college AB Literature (English). Originally, gusto ko sana kumuha ng pre-med na course at ‘yun nga ang pinili ko sa UP Diliman kaso nanghinayang naman ako kasi may scholarship ako dito kaya tuloy na lang ako sa Literature. Isa pa, mapilit ‘yang si Eli. ‘De joke. May isa pang rason. Si Mayo kasi…
Sino nga ba si Mayo? Siya ‘yung isa sa mga best friend ni Eli na kaibigan ko din. Nakilala ko siya nung second year kami. Service-mate ko siya at medyo naging ka-close na din. Mahilig kasi kami nun na magkaka-service na tumambay sa 7 eleven malapit sa school habang naghihintay ng ibang ka-service. Pagdating ng third year, hindi na kami masyadong nagkausap. Iba na kasi ‘yung service ko. Bumalik lang ‘yung closeness namin nung summer bago mag-fourth year na kasi classmate ko siya sa pasukan at pareho kami ng review center. Madalas ko siya kasama after classes kasi sabay-sabay nagla-lunch ‘yung mga schoolmates sa McDo. Minsan nga eh, kasama pa namin ‘yung mga manliligaw niya. Masaya kasama si Mayo. Mabait siya, mahinhin, maganda- yung ideal girl na ba. Madalas din, inaasar kami ni Eli, hanggang umabot sa point na, ‘yung asar, naging totoo na.
Na-realize ko ‘yung feelings ko sa kanya nung sembreak. ‘Di kasi kami nagkikita at… na-miss ko siya. Nung sinabi ko ‘yun kay Eli, tuwang-tuwa siya. Bagay daw kasi kami ni Mayo. Dumating ‘yung panahon na, umamin ako. Hanggang, naging mag-MU. Madalas kaming nagkakalabuan ni Mayo. Pareho kasi kami na selosa at seloso. Hindi natatapos ang isang linggo na wala kaming away. Tapos, nung sportsfest sa school namin. ‘Yun ang isa sa mga huling event namin before graduation. Nung panahon na ‘yun, hindi kami masyadong nagkakausap ni Mayo. Busy kasi lahat sa clearance at syempre, may mga games kami. Okay sana kaso… nung panahon na ‘yun, ang kasama niya, ‘yung isa niyang manliligaw. Hindi ko maintindihan. Siguro dun ko naisip na, ‘yun ‘yung pinili niya. Kaya, bumitaw na ako.
Retreat nung binigay ko sa kanya ‘yung sulat. Nandun lahat. Lahat ng naramdaman ko at pagpaparaya ko. Kasi mahirap ‘yung ganun. May nararamdaman kayo sa isa’t isa pero hanggang chat at text lang kayo. Nagkakausap lang ‘pag naghihintay ng service. ‘Pag nasa loob ng school, walang pansinan at kung kakausapin mo siya, hindi mo magawa nang maayos kasi nasa harpan mo mga kaibigan niya, ‘Di naman sa galit ako o ano. Siguro nanghihinayang lang. Kasi malapit na eh, nandun na… kaso, hindi talaga. Sayang siguro ‘yung lahat ng plano namin. At isa dun ‘yung pagpasok sa isang university. Kaya hindi ako tumuloy sa UP. Kasi… mas maganda na rin ‘yun para sa aming dalawa. At ayoko mag-aral dun at maisip lagi kung ano kaya nangyari kung ‘di ako bumitaw- kung ‘di natapos yung sa’min.