8: Summer Paradise

171 3 3
                                    

 Chapter Eight

Summer Paradise

(Normal POV)

Ano nga ba ang meron sa OrSem? Wala naman ‘diba? Sa karamihan sa inyo, malamang ‘di niyo alam ‘tong event na ‘to sa Ateneo. Ang OrSem ay ang orientation ng mga freshmen. Sa kaso nila Eli, three days ang OrSem. Wala namang masyadong gagawin maliban sa pag-tour sa campus, paglalaro ng games, mga program, at sa last night, ang O-Night. Merong musical performances at fashion show. At ang kamalasan ng dalawa? Well… the entire OrSem, block mo ang makakasama mo. At the moment na na-realize ‘yun ni Eli, isa lang ang nasabi niya.

SHT.

Isang malaking SHT.

First day na first day kasi ng OrSem, katabi niya na agad ang pesteng blockmate niyang ‘yun sa seating arrangement.

“Hey y’all, Block B!!!!” Sabi nung bading na TNT ata nila (A/N: TNT po ay Talks and Tours).

Wala namang sumagot. Syempre, todo awkward silang lahat. Wala naman silang kakilala eh. At saka ilang din sila na magsalita. Lalo na du’n sa dalawa, ramdam na ramdam mo na sobrang iwas talaga sa isa’t isa.

Luckily, nakaiwas naman siya halos the entire day. Kasi hindi naman niya masyadong na-feel na seatmate niya ‘yung isang ‘yun. Pumunta kasi sila sa ibang lugar para manood ng OrSem Film (The Hungry Games :))) at ang lagi niyang katabi eh, si Paps. Bumalik lang ‘yung seating arrangement nu’ng lunch time na.

“Oh.” Pinasa ni Anton ‘yung pagkain kay Eli.

Kinuha naman ni Eli. Naglagay siya ng earphones at kumain. Lahat na lang yata, makaiwas lang siya sa epal na ‘yun. Si Anton naman, kausap ‘yung katabi niya. ‘Yun ‘yung pinakamaganda na babae sa block nila. Tipong long hair, petite ang built, fashionable tignan, tapos halata mong rich kid.  Todo-smile si Anton. Sanay na siya na makipag-usap sa kung sinu-sino. Pa’no ba naman, high school pa lang nila, habulin na siya.

Maya-maya, lumapit si Paps kay Eli. Si Anton naman, pakunwari pa na ‘di nakatingin. Tss… paki ba niya ‘di ba? Bahala na ‘yang babae na ‘yan sa sarili niya. ‘Di naman sila close eh,

“Hoy, Oldie. Ba’t ‘di mo kinakain ‘yang chicken?” tanong ni Eli.

“Ang tigas ng chicken nila eh.”

“Asus. Parang mas magaling ka magluto ah.”

“Mas magaling naman kesa sa’yo.”

“Sus. Asa. Favorite mo naman ‘yung graham cake na gawa ko.”

Tumawa si Paps. Makapagpilit nga naman ‘tong si SS eh. “Oo na. Mahirap na baka…”

“Baka ano?”

“’Di mo na ako igawa ng graham cake.”

“Hahaha. Malamang. Ang sama kaya ng ugali mo. Nga pala, ano nang nangyari sa inyo ni Mayo?”

“Okay naman.”

“Hmm… okay naman? Maraming okay sa mundo. Okay na ako kahit medyo feel ko pa rin na sawi ako ba meaning nun?”

“Hindi naman. Okay na kami. Nag-usap kami about things and… we decided that things are better off this way.”

“So.. wala na talagang pag-asa?” Naiinis naman si Eli. Paulit-ulit niya tinatanong sa sarili kung bakit pa kasi sila nagulo.

“Nope. But we’ll remain friends. Mas importante naman ‘yun eh.”

“Eeehh…”

Tinignan ni Paps si Eli. “O, ba’t parang mas badtrip ka pa kesa saken?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What If You KnewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon