Chapter 6: That's my husband

21K 765 113
                                    

Pareho kaming nakatingin ni Mon kay Nathan habang nagluluto siya ng makakain namin. Seryoso lang ako at mukhang seryoso din ang cute na si Mon sa tabi ko.

"Moo..." Tumigil sa ginagawa si Nathan para lingunin ako. Bumuntong hininga pa siya at saka tumingin kay Mon. "Hindi naman sa ayaw kong malapit ka sa akin ngayon, pero naiilang ako na nasa likod kita kasama ang asong iyan. Kanina niyo pa ako tinitingnan."

"Naiilang ka ba? Pero nabo-bored na ako... at nagugutom." Ngumuso ako at tumingin sa baba. Itinaas naman niya ang ulo ko at saka ako hinalikan nang mabilis.

"Just wait. Okay?" Malambing niyang wika at saka ngumiti. I nodded. Hinila ko na din si Mon at pumunta kami sa sofa. Kinalong ko siya at mukhang masaya pa siyang hinahagod ko ang likod niya.

Iniisip ko kung bakit ayaw ni Nathan sa aso pero tumulong naman siya noon sa kawawang aso sa daan at isinakay pa niya iyon sa sasakyan. Gusto kong maging malinaw sa akin ang bagay na iyon.

Tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si mama.

"Yes Mama?" sagot ko.

"Mika, get ready for next week. Matindi ang balita ngayon sa opisina na magsasama sama ang mga board members ng Salcedo's."

"Mama..." Napapikit ako. "Why me? Bakit hindi na lang po kayo ang pumalit sa naiwang posisyon ni Lola. Noon pa lang ikaw na kasama niya di 'ba? Bakit ako na hindi pa ganun katagal sa industriyang ito?"

"Because I believe in you... at naniniwala akong ikaw ang mas gusto ng lola mo na pumalit sa kanya."

May mga ilang bagay siyang ipinaalala sa akin tungkol sa magaganap na board meeting sa Monday. Sakto naman na lumapit sa akin si Nathan para sabihin na nakahanda na ang pagkain. Ngumiti ako at niyakap siya upang magpasalamat sa araw na ito. Siya ngayon ang nagluto ng pagkain namin.

"Moo..." ani ko habang kumakain kami. Si Mon naman ay kumakain na din ng paborito niyang dog food.

"Hmmm?"

"I don't like Melissa. She likes you," mabigat kong sabi kapag naaalala ko na pilit siyang dumidikit kay Nathan.

"Don't worry. I don't like her, too." He chuckled.

"Pero maganda siya." Nalungkot ako sa katotohanan. "At sexy..."

Ngunit nang tumingin ako sa mata ni Nathan ay nakita ko ang pagkadismaya sa sinabi ko. Nakakunot siya at magkasalubong ang dalawang kilay.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? You're being insecure to that... girl? Hindi siya maganda sa paningin ko. Nakakatakot ang histura niya." Natawa ako sa sinabi niya.

"Loko loko ka Nathan! Grabe ka naman! Nakakatakot ba naman yung parang modelo ang itsura niya?" Sobra talaga yung tawa ko pero nakakunot pa rin siya.

"Every time she smiles at me, kinikilabutan ako. Para laging may binabalak na masama." Mas lalo ako natawa sa mga sinabi pa niya.

"Of course you should be! Nathan, sigurado akong pinagnanasahan ka ng babaeng iyon!" I smiled. "But I trust you. Ang hindi ko pinagkakatiwalaan ay ang babaeng iyon at ang mga katulad niya."

"Wala kang dapat ipag-alala sa akin. I'm the great Jonathan Smith after all." Ngumiti siya at ipinagpatuloy na namin ang pagkain.

Lunes nang madaling araw ay nagising na agad ako. Yakap ako ni Moo at mahimbing pa rin siyang natutulog. Hindi ko maigalaw ang paa ko dahil nakapatong ang isa niyang paa sa akin. Kapag gumalaw ako ay tiyak na magigising siya.

Mamaya pang alas otso ang klase niya kaya mas gusto kong mahaba pa ang maitulog niya pero paano ako makakapag-ayos nito?

Dahan-dahan kong inaalis ang paa ko ngunit medyo naalimpungatan siya.

CMFH: Life After Marriage (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon