Chapter 8: Mika Smith

20.4K 682 281
                                    

Pinag-aralan ko ang takbo ng kumpanya simula nang maitayo ang hotel business ng Salcedo's. Nang dahil sa koneksyon ni lola ay hindi naging mahirap sa kanya ang simulan ito. Masyado siyang pinagkakatiwalaan ng mga tao sa paligid niya. Kahit ang mga big time na tao sa ibang bansa ay palaging sa Maken Hotel tumutuloy kapag pumupunta sila sa Pilipinas para sa isang mahalagang negosasyon. Di kalaunan ay nagawa rin ni lola na mapag-invest ang mga taong iyon at naging kaibigan pa.

Pero hindi ako magpapatalo sa board members. Alam kong kaya ko. Naniniwala si mama sa akin at si Nathan. At alam kong kung nabubuhay pa si lola ay tutulungan niya ako upang magtagumpay. That I was trained by her. Pagkatapos ng aksidente, kung saan hindi ko kilala ang sarili ko siya ang tumulong sa akin. Pinagtuunan din niya ng pansin at palagi akong pinapagalitan kapag hindi ako kumikilos ng parang isang dalaga. Ultimo sa tamang pag-upo at paglalakad.

Bigla ko naalala ang pinakaayaw kong lesson kung saan siya ang nagtuturo sa akin noon. Iyon ay ang magtitigan kami. Masyadong nakakatakot ang kanyang mga mata kaya napapatingin ako sa baba. Paulit-ulit niya ako ng pinapagalitan dahil hindi ko kaya tumagal ng kahit dalawang minuto na titigan siya nang hindi naiilang.

Ngayon alam ko na kung para saan ang itinuro niyang iyon. She doesn't want me to be intimidated by someone sa business na ito. kahit gaano pa nakakakaba, I should never let my guard down and I should still look that I'm willing to fight. Yung mukhang siguradong mananalo.

Pero hindi lang dapat puro tingin at pagmamalaki. Kailangan ko magtrabaho at gawin ang lahat ng makakaya para patunayan na kaya ko. That I am also a Salcedo. The one and only granddaughter of Celeste Salcedo.

"That's all for today Ma'am. You did a very good job," ani Sierra sabay sara ng notes niya. Kakatapos ko lang puntahan ang Marketing Department. Sa Friday ang meeting ko sa kanila para ma-discuss ang bagong strategy na gagawin namin.

"Thanks for your help, Sierra. Magaling pumili si mommy ng executive assistant ko, ha?" Ngumiti naman siya at nahiya sa sinabi ko. Kinuha ko ang bag para makaalis na ako. Naglakad na ako papunta sa pinto nang makaramdam ako ng hilo. Agad namana ko inalalayan ni Sierra.

"Ma'am!" Tumayo ako nang ayos.

"I'm okay, Sierra. Dala lang ito ng pagod."

"Are you sure?" Nag-aalalang tanong niya. I nodded then went outside. Alam ko naman na masyado ko pinapagod ang sarili ko. Pero mabilis lang ang dalawang buwan kaya hindi ako dapat maging kalmado.

"Nathan, pinakain mo na ba si Mon?" unang tanong ko kay Nathan pagkadating ko sa bahay. I kissed his lips the moment I saw him.

"I like your kiss pero hindi ko gusto yung tanong mo. Mas inuna mo pa alamin kung kumain na ba yung aso kaysa ako?" I chuckled. Medyo pabebe sya ngayon. Dati ako yung ganito sa kanya.

"Kasi alam kong hinihintay mo ako. 'Di ba?" Niyakap ko sya. "Hmmm... Pabebe si Nathan ko ngayon."

"Ano'ng pabebe. Hindi ah!" Tapos ngumiti siya. Oh my God. Ang sarap talaga umuwi sa bahay kapag ganito yung asawa mo. Isang ngiti lang heaven. Ang swerte ko.

"Nathan..."

"Hmmm?"

"Sabihin mo ang pangalan ko."

"Mika."

"Eh.. 'Yung buong pangalan."

"Mika Mendoza Smith." Kinilig ako kapag tinatawag nya akong ganun!

"Ang galing ko ano? Smith na ako." Tumawa ako. Halata naman kinikilig din si Nathan. Kapag ganito ang topic namin mas nagiging open siya sa nararamdaman niya sa akin. Malimit niyang sabihin na mahal na mahal niya ako at ayaw niya akong mawala.

"Ikaw talaga..." Inayos niya ang buhok ko. "Mahal na mahal kita," sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Ngumiti ako at kinilig. Kahit alam ko na. Kahit paulit-ulit, talagang nakakakilig. Mahal na mahal ko siya at hindi ako magsasawa.

Sabay kaming naghuhugas ni Nathan ng platong pinagkainan namin. Ako yung nagsasabon at siya naman yung nagbabanlaw.

"I heard from Arden, magkaaway daw sila ni Nicole kahapon pa?"

Saktong tapos na ang ginagawa ko kaya nagpunas na kami ng kamay.

"Naku! May ginawa siya para magselos ang bestfriend ko!"

"Hindi, magtatagal ata doon sa America si Nicole," ani Nathan.

"Huh? HIndi niya nabanggit sa akin noong nag Skype kami. Tatanungin ko siya kapag nagkausap na kami ulit."

Hindi na siya umimik pa na parang may iniisip.

"Ayoko na magakalayo tayo," bigla niya nasabi.

"At ayoko din! Noong umalis ka papuntang Canada noon halos mamatay na ako kakaiyak! Ayoko na maulit."

"Hinding hindi na iyon mauulit... Kaya ikaw, huwag mo akong gagantihan. Baka ikaw naman ang mang-iwan sa akin."

"Asa Nathan... Asa!"

At nagtawanan kaming dalawa. :)

==

Maraming Salamat sa mga bumoto sa pinalike kong picture kanina. Ito ang reward ko sa inyo. :)

Follow me on twitter: imericacruzat

Saranghae! :*

-CRUNCHH

CMFH: Life After Marriage (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon