Chapter 4: Happy lunch

27.9K 804 44
                                    

Madami na rin ang ipinagbago ko simula nang mawalan ako ng ala-ala. Para bang nung mga panahon na iyon ay may ibang Mika sa mundo. Hindi na ako yung dating Mika na mabilis mong mauuto at mayayapakan. Hindi na ako yung taong matatawag mong bobo dahil itinuro nina lola sa akin ang mga dapat kong malaman ultimo sa tamang paglalakad na parang sa isang prinsesa.

Pilit kong naaalala ang pagpunta ni Melissa sa bahay namin. Paulit ulit kong nakikita ang maganda niyang katawan at mukha. May tiwala ako kay Nathan ngunit wala akong tiwala sa mga babaeng nakakasama niya katulad na lang ni Melissa. May kakaiba sa mga tingin niya sa asawa ko.

Madami at mahirap ang pinagdaanan namin at ayoko na may sisira noon. I will do everything for our marriage.

The next day, nagluto ako ng baon ni Moo. Ngayong naka-leave ako sa work ay ako na ang gumagawa ng mga kakainin niya at tinitiyak ko na masarap iyon! Haha!

Nang makaalis na siya ay tinawagan ko agad ang driver na pwedeng sumundo sa akin sa bahay. Mabuti na lang at si malakas ang impuwensya ni lola noon dahil isa siya sa mga shareholders ng school. Ang nakakatuwa pa, sa akin niya ipinangalan yung shares niya kaya pareho na kami ni Nathan na may school! Nakakatuwa 'di ba? Hahaha!

Tuso si lola, naging hawak na niya ang Alshin Academy dahil nautakan niya ang mismong may-ari noon.

Excited na talaga akong makita si Nathan!

Chineck ko agad sa cellphone ko yung listahan ng schedule ni Moo. Kinopya ko kasi noong natutulog sya.

Nang makarating na ako ay hindi ako kilala nung guard kaya hindi nila kami papasukin ng driver ko. Aish! Paano ba ito?

-___-

"Ano po ang gagawin nyo sa loob, ma'am?" tanong ng guard.

"May... may titingnan lang ako."

"Ano po iyon? Hindi po kasi pwedeng basta pumasok."

"Aish! Ito ang I.D ko! Tawagan nyo muna ang president's office at sabihin na nandito ako. Kailangan kong makapasok sa loob!" Ibinigay ko sa kanila ang I.D ko at pumasok sa loob ng guard house. Nang makabalik na sila ay nakangiti na sila.

"Pasensya na po, ma'am. Pasok na po kayo."

Iginarahe na namin sa loob ang sasakyan at pumunta na ako sa room ni Nathan para silipin siya. Nakasuot ako ng pastel colored pants, wedge at magandang pang itaas para hindi ako nahuhuli sa mga estudyante rito.

Sumilip ako sa pintuan nila sa likod at nakita kong may ipinapaliwanag si Nathan. Waaaa! Ang cool ni Moo! Nakatunganga sa kanya ang mga lalaki at pinagnanasahan naman siya ng mga kakase niyang babae. Kitang-kita ko sa mga mata nilang nangingislap!

Nang matapos na ang klase nila ay magpapakita na sana ako kay Nathan pero dumikit sa kanya si Melissa kaya nagtago ako. Ang laki ng ngiti niya habang kinakausap si Moo. Si Nathan naman ay straight face lang at mukhang hindi interesado sa sinasabi niya.

Tama yan, Moo! Kinikilig ako! Mabuti na lang at suplado ang asawa ko. Haha!

"Nathan, yung project natin ha? Next week na iyon so dapat sa Saturday gawin na natin. Pag-usapan natin yung mga itatanong sa mga jeepney drivers habang nagla-lunch?"

Aba! May plano pa siyang sabayan si Nathan ha? Teka? Sino nga kaya ang kasabay ni Moo kumain tuwing lunch? Oh hindi! Baka madami na siyang nakikilala!

"No need. May ginawa na akong questions. I'll give it to you later and..." Tiningnan niya ng seryoso si Melissa. "I prefer eating alone."

That's my husband! Bwahaha! Ano ka ngayon, Melissa? Bakit ko nga ba hindi naisip na pwedeng isa siyang karibal nung pumunta siya sa bahay namin? Sa gwapo ba naman ng asawa ko, natural hahabulin siya ng mga babae!

Nag-ring ang cellphone ko kaya kinuha ko muna iyon at sinagot.

"Hello, Mama?"

"Nasaan ka? Bakit ka nagpasundo sa isa sa drivers natin?"

"Nasa school po ako ni Nathan. Sasamahan ko lang siyang mag-lunch."

"Kung ganun ay puntahan mo na si Mr. Enriquez. Siya ang acting president ngayon ng Alshin. Mas maganda kung makipag-usap ka muna sa kanya dahil kapatid niya ang ang isa sa tumatayong board member ng Salcedo's. Mas mabuti kung magkaroon ka nang kaunting alam sa background. If... makakaya mong makapaglabas si Mr. Enriquez ng mga impormasyon. He's a wise man too like his brother."

"Okay. I'll try."

"Don't try, Mika. Do it. Para hindi ka matalo ng mga makakalaban mo sa ating kumpanya."

"Okay."

Hay. Si Nathan naman kasi ang ipinunta ko rito pero bakit naging business na naman? Nakakainis naman!

Nang tingnan ko na ulit sina Nathan ay wala na sila! Nasaan na si Nathan ko?!

Dumiretso ako sa cafeteria ng Alshin at hinanap si Nathan. At nang makita ko na sya... kasama nya si Melissa!

Anong nangyari?! Hindi ba kanina lang ayaw ni Nathan sumama pero bakit ngayon sabay silang kakain?

Naglakad ako palapit sa kanila. Hindi ako papayag na akitin nya ang asawa ko!

"At dahil birthday ko ngayon, my treat! Kung hindi ko pa pala birthday, hindi ka sasama eh. Hay nako." Halatang kinikilig si Melissa kaya mas lalong dumilim ang aura ko habang papalapit sa kanila.

"Actually no need to treat me." Inilabas ni Nathan yung baon na ibinigay ko sa kanya. Ang cute ni Moo kasi may dala siyang lunch box!

"Are you serious? Nagla-lunch box ka pa?"

"Of course, my wife cooks this for me. No food can be better than this." Tapos ngumiti si Nathan! Ayan, nawala na tuloy yung madilim kong aura at masayang tumabi sa kanya at niyakap sya.

"I miss you, Moo!" sabi ko habang yakap sya.

"What're you doin' here?" Halatang nagulat sya.

"Ayaw mo?"

"I didn''t say it. I'm just surpised you're here."

"Syempre, surprise nga 'di ba? Haha! Gusto ko lang na sabay na tayong kumain. Oh, may kasama ka pala?" Tumingin ako kay Melissa na halatang nadidismaya na nandito ako. "Hello! We meet again."

"How did you manage to get in here? Strangers... I mean, outsiders are not allowed to enter Alshin."

Tumawa ako nang nakakaloko.

"I am not an outsider. Didn't you know I'm the major stockholder of this school?" Laglag ang panga niya sa sinabi ko.

"O-order ako ng pagkain mo." Tatayo na sana si Nathan pero pinigilan ko sya.

"No, Moo. Dinamihan ko sadya yung nasa lunchbox mo dahil pupuntahan talaga kita rito eh. Haha! Hindi mo ba napansin na dalawa yung kutsara't tinidor?"

Ngumiti siya sakin tapos nag-peace sign ako. Nag-usap lang kami ni Nathan nang masaya. Oo. Sobrang saya namin na talagang na out of place si Melissa. Hahaha! Landi pa more!

==

Author's note:

Hindi ko na ito dapat i-cocontinue pero naisip kong sige na nga kasi biglang may pumasok na ideya sa utak ko :) VOTE and COMMENT guys :)

Any ideas about Melissa and Mr. Enriquez? XD Madaming ang pumapasok na roles sakin para sa kanila. Lets see kung ano ang magiging papel nila sa story :) Thank you for still supporting Minath!

I also need your support because by July magiging book na ang Courting my Future Husband :) Sana po magustuhan nyo ang mga dinagdag kong scenes dun. Ciao! 


CMFH: Life After Marriage (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon