Announcement:
We will have our Grand Fans Day on August 27, 2017 (Sunday) at Laguna Central, Sta. Rosa Laguna. Search nyo na lang din sa Facebook yung event... type "PSICOM GRAND FANS DAY" Lalabas na yung event.
Mabibili nyo yung mga books namin dun sa murang halaga lang! Nasa 25 to 100 PESOS lang yung presyo. Grabe, kaya sugod na kayo kasi minsan lang yun! Plus makakasama nyo pa yung mga authors ng mga books na mabibili nyo dun.
We have games, and raffle prizes at madami pa kaming pakulo na huwag na huwag nyo papalampasin!
Don't forget to grab a copy of my books! Kekeke~
1. MY CASANOVA HUSBAND
2. MY LUKE
3. COURTING MY FUTURE HUSBAND
Thank you guys and see you there! See you LAGUNA!!!!!♥
==
Pagkagising ko ay tiningnan ko agad si Nathan na mahimbing na natutulog. I brushed his hair using my fingers. Pinagmasdan ko siyang mabuti at bumilis ang tibok ng puso ko.
Kapag naaalala ko yung mga nangyari sa aming dalawa ay pwede na ito gawing teleserye o kaya ay movie sa dami ng aming pinagdaanan.
"Prinsipe ko..." I said.
Naalala ko yung araw na nag propose siya sa akin. It was a dream come true for me.
"Mika Mendoza, I want to spend the rest of my life with you. Gusto kong gumising sa umaga na ikaw ang unang makikita, matutulog na kasama ka, at mabuhay na kasama ka. Kung mabubuhay ako ng paulit-ulit, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin kong mahalin dahil sayo lang ako naging ganito kasaya. I pomise to be a good, no... a better man for you. I am not perfect but what I'm sure is we are perfect for each other." Nathan said while kneeling in front of me. He was holding the red box with my elegant ring.
I smiled until I remember the last words he told me.
"I want you to be the mother of my future kids. Just only you. Mika Mendoza, pumapayag ka ba na maging Mika Smith? Will you finally marry me?"
Gusto ko sana siyang hawakan pa pero hindi ko na itinuloy. Gusto na kaya ni Nathan na magkaanak kami? Alam kong gusto niya pero hindi ko alam kung gusto na ba niya ngayon kahit nagaaral pa siya.
Nagsimula na ako magluto ng breakfast namin at pinakain ko na rin si Mon. Napansin ko na kaunti na ang stock namin dito sa bahay ng mga pagkain kaya pupunta ako sa mall mamaya para mag-grocery.
Inihanda ko na sa lamesa ang pagkain. Tulog pa rin si Nathan. Tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Mrs. Martha Smith.
"Yes, Ma..." Nakagat ko ang ibabang labi ko at naipikit ang mata ko sa kaba. Hindi kasi ako sanay! Parang... ang weird talaga pakinggan pero ayaw ko naman na madisappoint siya since iyon ang gusto niyang itawag ko sa kanya.
Nakapagusap na kami at humingi siya ng tawad sa mga nagawa niya noon sa amin ni mama Lucille. Naintindihan naman namin. It was all Peter's plan, Andrea and Ira's evil dad. Ngayong naisip ko sila, kamusta na kaya ang magkapatid ngayong nakakulong pa rin ang kanilang ama?
"Mika, I'm sorry ngayon lang ako tumawag sayo. May mga inayos lang kami ng papa Kirby mo." Napapikit na naman ako. Spell awkward, M-I-K-A.
Sa totoo lang ay mabibilang ko pa sa daliri ko kung ilang beses ko lang nakausap ng personal ang papa ni Nathan. Dati siyang sikat na modelo na ngayon ay nagnenegosyo na sa ibang bansa. Bihira pa siya pumunta sa Pilipinas kasi yung mga bagong itinayo niyang negosyo ay sa ibang bansa niya inilagay.
BINABASA MO ANG
CMFH: Life After Marriage (Book 3)
Novela JuvenilRead Courting my Future Husband first.. Iyon ang book 1