INY (11/01/15)

0 0 0
                                    

"babe gusto mo ba nito?" alok niya sakin ng roasted chicken pagkatapos niyang himayin

"uhm.. ah sige lang..." agad naman niyang nilagay sa Plato ko yung chicken, nandito kami ngayon sa isa sa mga sikat na restaurant sa lugar namin.

Almost 3 weeks na ang nakalipas magmula nung huling kita namin ni Kevin.

Hindi ko alam kong anong pumasok sa isip ko at naging kami ULIT. yeah right! kami ULIT. Sa lahat ng ginawa nyang pang-iiwan,pagsisinungaling at pang-gagago sakin,kami ulit. Hindi ko na din maintindihan ang sarili ko.

Si Lory nagalit pa sakin nung malaman niyang nakipagbalikan ako kay Pat. Tapos si Kevin naman bigla-bigla nalang di nagpaparamdam, hindi ko din siya macontact. I thought tama ang naging desisyon ko na makipagbalikan sa kanya dahil sa mga nalaman ko pero bakit naging ganito?

There's a time nang pumunta si Pat sa condo ko,sobra syang nagulat nang makitang wala na lahat ng naibigay nya sakin.

"hindi na pala natin magagawa yung dati" napakamot sya sa batok niya. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin e,

"uhm.. sorry, naitapon ko na kasi lahat.." napayuko ako

"its ok babe... ako nga ang dapat paulit-ulit na humingi ng tawad sayo."

"again, babe I'm so sorry that I left you when you needed me the most." napa-angat ako sa sinabi niya at mababakas ang sensiridad sa sinabi niya

"tapos na yun Pat"

"thank you" usal niya kasabay ng pagyakap niya sakin at marahan na halik sa ulo ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa niya, ganitong ganito kasi ang ginagawa ni Kevin tuwing kelangan ko ng comfort.

"I love you babe"

then it hits me!

"I-I---"

"ok lang basta tandaan mong mahal na mahal kita,walang nagbago"

What's wrong with me? bat hindi ko masabing mahal ko siya,kaya nga nabigyan ko siya ng chance cause I know in my mind telling me that I still love him. But my heart refused. Oh gosh!
What should I do!?

Umuwi din naman agad si Pat kina gabihan dahil may importante silang pag-uusapan ng family niya. Pumayag na din ako dahil di rin naman namin magagawa young dati na pagmomovie marathon buong magdamag dahil nga naitapon na namin to ni Kevin. *sigh*

Nakapagdecide naman akong kausapin na ang bestfriend kong lukaret, namimiss ko na din siya ah!

"Lory" simula ko. di nya kasi ako pinapansin kahit na magkatapat lang naman kami ng upuan dito sa SB, nakatitig lang sya sa frappe nya habang nakasibangot

*sigh*

"uii Lory.." tawag ko ulit

"nakakainis ka! bat kasi nakipagbalikan ka pa sa kanya?!" sumbat nya sakin habang mataman niya kong tinitignan.

I Need You (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon