INY (11/02/15)

1 0 0
                                    

A/N: hi readers,Play nyo nalang po ang Let Me Be The One na song para mas dama nyo. Kamsahamnida! ^_^

Pagka-uwing pagka-uwi ko galing sa usapan namin ni Lory ay pinilit Kong contact-in si Kevin pero wala pa rin,laging out of coverage area! langya naman yung Kevin na yun eh! Kung kelan naman na--- haist!!!

Napa-face palm nalang ako dahil sa frustration na nararamdaman ko..

Bat ba kasi ngayon ko lang narealize!?

Pagkabukas ko ng condo ko-- teka! bat hindi to na ka lock? O.O

shocks!!! may nakapasok bang salisi gang sa unit ko?! Oh gosh!!!

Pero imbis na salisi gang ang abutan ko nung akmang sumilip ako para icheck, ay isang bulto ng katawan ang naaninag ko. Unti-unti kung nakita na si Patrick pala ito, may kung ano siyang niluluto sa kusina.Naka-apron lang siya at walang pang-itaas na damit, Juice ko naman! parang dejavu lang nong si Kevin ah! Argh!

Tekaaa! Anong ginagawa nito dito ng walang pasabi?? Oo nagkabalikan nga kami pero kasi... parang di na katulad ng dati yung samahan namin. At ganun din ako.

Bigla siyang napalingon sa gawi ko,naramdaman na niya sigurong nandito ako..

"oh Babe! buti at sakto lang ang dating mo. kakaluto ko lang ng paborito nating adobo.Tara kain na tayo" nakangiti niyang sabi sakin habang hinahanda ang lamesa sa pagkakainan namin.

One thing I realize.. Hindi ko talaga paborito ang adobo, naging hilig ko lang ito nung makita kong sarap na sarap si Patrick sa pagkain nito nung naghanda sila mama sa bahay namin.

"uhm...ano.. hindi na kasi ako ganun kahilig sa adobo.." mas gusto ko na kasi ang sinigang ngayon

"g-ganun ba? sige wait lang at magluluto nalang ako ng panibago" akma na siyang aalis at magluluto ulit?? pero pinigilan ko na

"no! no! Its ok Pat. ok na yan"

Tahimik lang kaming kumakain,tanging nagkakalansingang spoon and fork ang maririnig. Hanggang sa mapagdesisyonan ko ng magsalita.Ayoko na din namang patagalin ito dahil parehas lang kaming mahihirapan.

I need to do the right thing before its to late.

"Patrick"

"hmm?" sagot nya kahit patuloy pa din siya sa pagkain

"alam mo ba na dapat kapag nagluluto ka ng adobo ay tamang timpla lang ang ilagay, hindi kulang hindi rin sobra.." napa-angat ang ulo niya at tinignan ako

"huh? bakit mali ba ang pagkakaluto ko?" tinikman niya ulit ang luto niya at parang nagtaka sa tinuran ko

"Hindi naman,sakto lang. Pero diba kapag nagluto ka kahit na anong so-sobra sa ilalagay mo ay iiba na ang lasa nito. Minsan kasi kapag sobra ang naibigay mo,sa huli ikaw parin yung masasaktan, ikaw parin yung mahihirapan. Yung tipong ginawa mo na lahat pero kulang parin pala."

I Need You (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon