Chapter 07

101 7 0
                                    


( Clyde's POV )

Nagdi-drive na ako papuntang school. Kanina ko pa napapansin, parang wala sa sarili itong kapatid ko.

Kanina pa yan tulala. Napansin ko din sobrang laki ng eyebag nya lalo tuloy syang pumanget. Tss

Pinarada ko na yung kotse sa parking lot ng school.

"Wait Cy!" Tawag ko sakanya.

"Hoy panget!" Tuloy tuloy parin sya sa paglalakad. Parang walang naririnig ang babaeng to. Lutang nga!

"STACEY MORALES!!!" Yan fullname na ha! Napahinto sya sa paglalakad at nilingon ako.

Gusto kong kilabutan sa itsura nya. Para syang zombie!

"Bakit kuya?" Walang ganang sagot nya.

Tss! Nilapitan ko sya. "Okay ka lang ba? Kanina kapa wala sa sarili eh. May sakit ka ba?" Hinipo ko yung noo nya para icheck kung may lagnat sya. "Wala ka namang sakit. Ano bang--"

"Okay lang ako kuya." Putol nya sa sasabihin ko.

"Eh bakit parang wala ka sa sarili?" Tinitigan ko syang maigi. Hindi kaya... "Huwag mo sabihing nagdu-drugs ka?!"

*WAPAK!*

"Aray!" Napahimas ako sa ulo ko. Abat! Sya na ngayon itong sadista ha?!

"Kuya mukha ba akong nagdu-drugs?!"

"Oo!" Diretsong sagot ko. Babatukan sana ulit nya ako kaso may tumawag sakanya. Pareho kaming napalingon sa tumawag sakanya. Yung bestfriend ni Stacey, hindi ko alam ang name.

"Goodmorning bes! Ang aga nakabusangot yang mukha mo?" Napatingin sya saakin saka ngumiti ng malapad.

Err! Nakakairita yung ngiti nya😑

"Goodmorning sayo Clyde!"

"Tss!😑" Naglakad na ako palayo. Naiinis talaga ako sa babaeng yon. Ewan ko ba kung bakit palaging sumasama ang kapatid ko sakanya. Eh mukhang wala namang magandang maidudulot to!

"Goodmorning captain! Oh bakit nakabusangot yang mukha mo?" Sinamaan po ng tingin si Bryan.

Yan si Bryan Kim. May lahing koreano yan, isa sya sa teammate ko sa basketball. Saaming magkakaibigan sya ang pinaka-makulit.

"Shut up Bryan!" Umupo na ako sa upuan ko.

"Ano ba kasing problema captain?" Hinatak nito ang kanyang upuan bago humarap saakin. See? Makulit talaga yan. Hindi ka titigilan sa kakatanong.

"Napaka-chismosa mo talaga Bryan!" Sabe ni Charles bago kinutongan ito. Kasabay nito ng pumasok sa pinto si Kean.

Si Charles Dean,may lahing kano yan, sya yung masasabe kong cool na nerd. Mahilig mag-aral yan. Sya ang pinaka-matalino saamin.

Si Kean Lopez naman, sya ang pinaka casanova! Mahilig sa babae. Araw-araw nagpapalit yan ng babae. Ganun sya kababaero!

"Tabi nga kayo dyan! Ang iingay nyo!!" Biglang sulpot naman ni Flynn.

Si Flynn Mariano. Medyo may pagka-kulit din ang isang yan. Parang sya yung 2nd level ni Bryan. May pagka-bad boy yan.

"Teka? Si Liam pala?" Bigla kong natanong.

Si Liam Guevara, sya naman ang good-looking-guy, hindi lang dahil sa gwapo kundi mabait talaga yan. Para saakin sya lang ang masasabe kong matino except na kay Charles.

"Aba! Hindi nyo pa ba nabalitaan??" -Bryan.

"Ano ba yon??" Kean/Charles.

"Ikakasal na ang loko!" Nagulat kaming lahat sa sinabe ni Bryan.

"Ikakasal?? Eh diba wala namang girlfriend yon? Paanong ikakasal na sya?!" Sabe ni Kean.

"Oo nga! Wala nga akong alam na may naging girlfriend yon." Dagdag na sabe ni Flynn.

"Nalaman ko na Arrange Marriage daw eh. Alam nyo na kapag mayayaman." Paliwanag ni Bryan.

Arrange Marriage?? Tss. Uso pa pala yon? Kaya pala ilang araw nang absent si Liam ay ikakasal na pala ito.

Nag-kwentuhan lang silang tatlo ako dumukdok lang sa desk ko, inaantok ako. Wala kaming klase ngayon. May sakit ang prof namin.

Kinuha ko sa bulsa ko yung cellphone na tumunog. May nagtext.

From: 09×××××××××

Hi❤

-end

Napakunot yung noo ko. Sino naman kaya ito? May papuso pang nalalaman. Nireplyan ko sya ng 'Hu U?'. Hindi pa to nagrereply kaya tinext ko ulit sya.

To: 09×××××××××

Where did you get my number?

-end

Hindi parin nagreply kaya hinayaan ko nalang. Baka kung sino lang na loko-loko.

-----

( Anna's POV )

To: Baby Clyde ❤

Hi❤

-end

Nilagyan ko ng heart yung text ko bago sinend kay Clyde.

Wahihihihi! Nagtataka siguro kayo kung kanino ko nakuha yung number ni Baby Clyde ko no? Haha. Kay Stacey syempre! Pero hindi alam ni Stacey na kinuha ko yung number ni kuya nya, hmpf! Asa pa kayo na bigay nun!

Kaya naman gumawa ako ng paraan. Kunwari wala akong load at nakitext ako sakanya. Tapos ayun na! Kinuha ko na yung number ni Baby Clyde ko. Hahaha ang genius ko ba?☺

Hayys eto naman kasing si Clyde eh. Ayaw pa akong ligawan. Alam ko namang type nya rin ako. Tss! Ako pa tuloy itong gumagawa ng first move para sa future namin. Pakipot pa kasi ang lolo nyo😑

*tweet!*

Omg! Nagreply na sya!!

From: Baby Clyde ❤

Hu U?

-end

Kyaaaah! Pati sa format ng text ay napaka-gwapo nya! Aynaku! Hindi ko talaga idedelete ituu! (>\\\<)

"MISS TOLENTINO!"

Hmm.. ano kayang irereply ko? Magpapakilala na ba ako bilang future wife nya?

"MISS TOLENTINO!!"

Ay huwag muna! Ibang name muna ang ipapakilala ko.

"MISS TOLENTINO!!!"

Ha? Napatingin ako sa tumawag sa apelyido ko.

Uwaaah!! Ang sama ng tingin saakin ng prof namin! Lumapit sya saakin kaya tinago ko yung cellphone ko sa likuran ko.

"Give me your cellphone!!"

Patay!

"B-b-but🥺"

"I said give me your cellphone!"

Wala na akong nagawa kundi ibigay ang cellphone ko.

Huhuhu. Gusto kong umiyak. Bakit ngayon pa ? Rereplyan ko na ang future husband ko eh! Umepal pa kasi itong panot naming professor!! 😭😭😭

He Stole my First Kiss ( Under MAJOR EDITING !)Where stories live. Discover now