( Stacey's POV )"Hoy bes! Okay na ba talaga pakiramdam mo?" Tanong saakin ni Anna nandito kami sa bench nakaupo. Kumakain kami ng sandwich na gawa nya para saaming dalawa.
Ngayon lang kasi ako nakapasok kasi tatlong araw akong nagkasakit. Naalala ko pa nga yung sinabihan ako ni Liam ng 'I love you' sa panaginip ko.
Ahihihi! Totoo nga talaga yung kasabihan na kapag naglagay ka ng litrato ng taong mahal mo sa ilalim ng unan mo. Mapapaginipan mo yung taong yun.
Omg! Tinry ko yun, at effective nga talaga sya! Kaya kung ako sainyo. Itry nyo na din!
"Oy ateng! Okay ka na ba talaga? Sureness ka??" Nabalik ako sa realidad ng marinig ulit ang boses ni Anna.
"Ha? Ano yun??" Ano nga ba ulit yung tinatanong nya?
"Ay? Lutang ang lola nyo!"
"Gaga hindi! May iniisip lang kasi ako.." sabe ko saka napangiti ng malapad.
"Ay anong meron? Ano yang iniisip mo? Oh mas magandang sabihing SINO yang iniisip mo??" Sabe ni Anna na tumataas baba pa yung kilay.
"Pinagsasabe mo, Anna? Wala lang to."
"Nakoo! Anong wala ka dyan?? Kilala kita Stacey, pati amoy ng utot mo alam ko. Dali na bes! SINO ba yang iniisip mo ha??" Nae-excite na sabe nya. Grabe naman! Pati amoy talaga ng utot ko kasama? Hahaha!
"Wala nga. Kulit nito!" Kahit mangulit sya hindi ko sasabihin noh! Ayokong malaman ng iba, o kahit na ang bestfriend ko pa na may gusto ako kay Liam. Dadalin ko itong sikretong ito hanggang sa hukay ko!
"Hmph! Napaka damot mo talaga!" Nag-cross arm pa ito saka inirapan ako. Natawa tuloy ako sa ginawa nya. Nagtampo pa eh.
"Huwag kana magalit. Uy!" Kinalabit ko sya pero hindi nya talaga ako pinapansin. Ayaw mo talaga mamansin ah?
"Hala! Si kuya Clyde!!" Kunwari ay napasigaw ako na nakita si kuya pero ang totoo ay wala naman talaga.
"HA? NASAAN?! NASAAN ANG ASAWA KO??!" Bigla syang napatayo sa pagkakaupo tapos ay tarantang tumingin ito sa paligid. Hinahanap talaga si kuya..
"WAHAHAHAHAHA!" Hindi ko mapigilang matawa. Patay na patay talaga kay kuya eh. Wahahaha!
Napansin nyang pinagtitripan ko lang sya kaya nakatanggap ako ng malakas na batok. Aray ha! Napaka-sadista talaga ng babaeng to!
"Kakagaling ko lang sa sakit ginaganyan mo na ako!" Napahawak ako sa ulo ko na binatukan nya. Bagay nga ata sila ni kuya mahilig mang-batok sa ulo eh😒
------
( Flynn's POV )
"Guys gusto ko sana kayong invite sa rest house namin sa Boracay, tutal malapit naman na yung sembreak.. Magandang idea yon para naman makapasyal tayo at makapag-relax. I'm sure mage-enjoy kayo doon." Narinig naming sabe ni Kean. Nahinto kami sa paglalakad. Patungo kaming gym para mag-practice.
Napaisip kaming lahat. Malapit na nga pa yung sembreak. Wala pa din naman akong naiisipang gawin maganda nga sigurong idea yon.
"Okay. Sama ako!" Sabe ni Bryan.
"Me too." -Charles.
"Ge ako din." Sabe ko at tinignan si captain. Ikaw captain? Sama kana din." Anyaya ko dito. Kung sakaling kasama kasi si captain may posibilidad na sasama rin si Stacey!😊
"Oo nga captain! Ang boring masyado ng buhay mo. Mag-enjoy ka naman! Madaming chix roon." Natatawang sabe ni Kean.
"Tsk. Ayoko kahit kailan ka talaga puro babae nasa isip mo." Sabe ni captain, nalungkot tuloy ako bigla. Sayang naman.
"Bakit ayaw mo captain? Minsan lang naman eh!" Pagpupumilit ko dito.
"Oo nga naman!" Pagsang ayon naman saakin nilang tatlo.
"Tss ayoko nga!😑"
"Ang kill joy naman! Minsan nalang eh, tatanggihan pa?" -Bryan.
"Teka si Stacey ba yon?" Sabe ni Kean.
Nahinto kami sa pangungulit kay captain. Tinignan namin yung direksyon na tinuturo ni Kean. Nandoon nga si Stacey at may kasamang babae, nagtatawanan sila.
"Tara puntahan natin!" Nae-excite na sabe ni Kean. Anong nangyari dun?
"Hi girls!" Bati ni Kean sa dalawa.
Napalingon silang dalawa saamin.
"Oh! Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ni Stacey.
"Kasi malapit na mag-sembreak, may balak sana kaming magbakasyon sa rest house namin sa boracay baka gusto nyong sumamang dalawa kung gusto nyo?" Sabe ni Kean.
Nagkatitigan yung dalawa bago sumagot...
"Sige!" Sabay nilang sabe.
"Talaga?!" Sabay namang sabe namin ni Kean. Nagkatitigan tuloy kami. Ewan ko sa casanova na to! Gaya gaya.
"HOY! CY! Hindi ka pwedeng sumama!" Biglang umepal si captain. Naman oh! Okay na eh.
"Ha? Bakit nama kuya?!" -Stacey.
"Walang bakit basta hindi pwede!" -Captain.
"Pero gusto kong sumama!" Pag-pupumilit ni Stacey. Mukhang gusto nya talaga sumama bakit ba ayaw payagan ni captain? Tsk
"Captain pumayag kana." Sabe ko kaya napatingin saakin si Stacey. Nginitian nya ako.
*dugdug.dugdug*
Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Sht! Yung ngiting yon. Nagiwas ako ng tingin kay Stacey.
"Aish! Sige na oo na! Papayagan na kita! At...sasama na rin ako." Sabe ni captain. Napangiti tuloy ako. Buti nalang pumayag na si captain!
"Yeheyy!" Biglang nagtatalon yung kasamang babae ni Stacey, yung Anna. Napatingin kaming lahat sa kanya.
"Ahehehe. Naexcite lang ako." Namumulang sabe nya. Hmmm?
"Ayos! Walang bawian captain ah!" Pabirong sabe ni Bryan.
"Tss!😑" -Captain
Nagtawanan kaming lahat. Ipinakilala ni Stacey yung kaibigan nyang si Anna saamin.