Chapter 13.2

104 6 2
                                    

( Stacey's POV )

Nagulat ako ng biglang hawakan ni Liam yung pisngi ko. Palapit ng palapit yung mukha nya saakin.

A-anong gagawin nya? Is he going to kiss me?? O.O

Bago pa magkalapat ang aming mga labi. Itinulak ko sya kaya tuluyan na akong nalaglag sa pool. Grrr! Ang lamig ng tubig!!

Mukhang nagulat si Liam sa ginawa ko.

"Liam ang sarap mag-swimming! Ahehe." Sabe ko na parang walang nangyari kanina. Ayokong maging awkward na naman yung sitwasyon naming dalawa.

"Ikaw talaga." Bigla syang napatawa. "Umahon kana dyan at malamig ang tubig." Sabe niya at kinuha yung towel sa gilid ng pool.

Tinulungan nya akong maka-akyat.

"Babe, I'm looking for you. Andito ka lang pala." Biglang sumulpot si Alexa. Napabitaw ako ng hawak sa kamay ni Liam. Baka kung ano pang isipin nya!

"Hi! Stacey." Binati nya ako. Nginitian ok lang sya.

"Maiwan ko na kayo.." Sabe ko at iniwan na silang dalawa.

Agad akong nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Nagulat pa ako ng makita ko si Flynn na naghuhugas ng kamay sa sink ng lababo.

"Flynn! Napano yang kamay mo??!" Nakita kong puro dugo ito. Naaksidente ba sya??

Hahawakan ko sana yung kamay nya para tulungan sya pero nilayo nya ito.

"Dont touch me." Sabe nya sa malamig na tono. Sinamaan nya pa ako ng tingin. Yung tingin na yon, nakakatakot.

"Tutulungan lang naman kita eh." Pagpupumilit ko. Bakit ba sya ganyan?! Nag mamagandang loob lang naman ako!

"I dont need your help. Stay away from me." Sabe nya at iniwan na ako.

Anong problema nun?! Ngayon naman ay galit sya saakin. Bipolar talaga! Hindi ko na sya maintindihan!!!

-----

"Kean nakita nyo ba si Flynn??" Napalingon ako kay kuya. Kasalukuyang nagiihaw ako ng barbeque. Nandito kaming lahat sa labas. Eto ang magiging hapunan namin! Sarap.

"Hindi eh. Bakit captain??" Sagot ni Kean. Nag-aayos ito ng lamesang pagkakainan namin.

"Kanina pa wala eh. Baka kung napano na yon." Nagaalalang sabe ni kuya.

Wow ah! Napaka-maalalahanin pala ni kuya kahit sa mga kaibigan nya.

"Baka naman nang chichix lang yon." Sabe ni Charles.

"Oh kaya naman nalunod na sa dagat." -Bryan.

Napalingon kaming lahat kay Bryan. Ano bang pinagsasabe nya?! Tama ba yon!!

"Bakit? Joke lang naman eh!" Sabe pa nito na natatawa.

"Hindi magandang biro yon!" Naiinis na sabe ko.

"Sorry na. Hindi ko na uulitin." Hingi nya ulit ng tawad.

Tsk.

"Uy Stacey saan ka pupunta??" Tawag saakin ni Anna.

"Hahanapin ko si Flynn!" Sabe ko at iniwan na sila. Narinig ko pang tinatawag ako ni kuya pero hindi ko sila pinansin.

Bwiset na Bryan yon! Anong akala nya? Nakakatuwa yung biro nya?! Tsk!

Ilang minuto na akong naglalakad pero hindi ko parin makita si Flynn. Nasaan kaya ang unggoy na yon??

Napatigil ako sa paglalakad ng may maaninagan akong isang tao.. pagewang gewang maglakad.

"Si Flynn ba yon?" Tumakbo ako papalapit dito at hindi nga ako nagkakamali. Si Flynn nga!

Bwiset na lalaking to! Amoy alak! Bago pa sya matumba nasalo ko na agad sya. Kinuha oo yung kanang kamay nya bago inakbay saakin.

"Who are you?" Tanong niya saakin.

Lokong to! Sa sobrang kalasingan ay hindi na ako makilala.

"Ako to si Stacey. Loko ka! Anong pumasok sa kokote mo at nag-lasing ka?!" Bwiset ! Ang bigat nya!

"Ano namang *hik* pake mo?!"

Aish! He's really drunk!

"Halika na nga!" Nagpatuloy kami sa paglalakad. Pagewang gewang kaming dalawa! Jusko! Parang mababalian ako ng buto sa sobrang bigat nya!

WAAAH!! Can somebody help me?!😭

Dahil sa hindi ko na kaya ang kabigatan ni Flynn.. natumba na kaming dalawa.

"Waaah!!" Nasa ibabaw na nya ako ngayon, I was about to stand up pero pinigilan nya ako.

"Stacey..."

Bakit ang hot ng boses ni Flynn?? Ay pisti! Ano ba tong sinasabe ko?? Erase. Erase.

"Hoy! Flyn bitawan mo nga ako!!" Bwiset na to niyakap pa ako!!

"You're so beautiful..."

Ay nambola pa talaga!

"Alam ko na yon kaya bitiwan mo na ako!" Nakakailang yung posisyon naming dalawa noh! Arghh

"I love you..."

Nahinto ako sa kakapalag ng marinig yung sinabe ni Flynn. Mahal nya daw ako??

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Leche! Anong nangyayari sa puso ko?? Parang ganito din yung feeling ko kapag kasama ko si Liam eh. Aish!

"Anong bang pinagsasabe----"

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla nalang akong hinalikan ni Flynn!

Bakit?

Bakit ganito yung nararamdaman ko?
Bakit ang sarap sa pakiramdam? Hindi magawang pumalag ng katawan ko sa ginagawa nya.

Bakit parang kilalang kilala na ng mga labi ko ang mga labi nya...

He Stole my First Kiss ( Under MAJOR EDITING !)Where stories live. Discover now