Chapter 09

92 7 0
                                    

( Stacey's POV )

"Awwtsuuuu!" (>_____<)

"Yan napala mo! Magpaulan ba kasi!!" Sigaw saakin ni kuya.

Pesteng sipon 'to!

"Huwag ka nang pumasok ngayon. Ako nang bahalang magpaalam sa teacher mo. Kapag nagugutom ka kumain ka nalang dyan at uminom ka ng gamot. Hindi kita maaalagaan kailangan kong pumasok at may practice kami ng basketball. "

"Okay kuya awtsuu! Salamat." Pinunasan ko yung sipon kong tumulo. Nakita ko yung mukha ni kuya nandiri .

"Sige na magpahinga kana! Papasok na ako." Nagmadali itong lumabas sa bahay, tsk akala mo may virus ako kung makareact ang OA!

Pumunta na ako sa kusina at kumain pagkatapos ay uminom na rin ako ng gamot.

Pinatay ko yung aircon dito sa kwarto ko dahil sobrang lamig. Kahit doble na ang suot kong damit nanginginig parin ako. Nagulat ako ng tumunog ang doorbell.

Sino kaya yon? Bumaba na ako at pinagbuksan ito ng gate.

"Anong ginagawa mo dito??😑"

Lalo atang sumama yung pakiramdam ko ng makita ko si Flynn. Anong ginagawa nya dito??

"Hindi mo manlang ba ako papapasukin??"

"Pasok😑"

"Salamat ah." Ngiting asong sabe nya. Problema nya?

"Eto pala prutas. Binili ko yan para sayo. Nabalitaan ko kasing NAGKASAKIT ka daw." Diniinan nya pa talaga yung pagkakasabe ng nagkasakit.

"Nang aasar ka ba?" 😑😑😑

"Hindi ah. Andito nga ako para alagaan ka eh."

"Anong alagaan? Hindi ba may practice kayo ng basketball nila kuya??"

"Ahh yun ba? Nag paalam ako kay captain na aabsent muna ako saka tinatamad din akong pumasok eh."

Tinaasan ko sya ng kilay. Mukhang nagpapalusot lang ang isang to.

"Bakit ayaw mo ba nun? May mag aalaga sayong pogi." Tumawa sya ng malakas.

Ay, natawa sya sa sariling joke nya.

"Bahala ka nga dyan." Umupo ako sa sofa at binuksan yung TV.

"Nga pala, kumain kana ba?"

*nod*

"Uminom ka na ng gamot?"

*nod*

"Ahh.. gusto mo ba pag balat kita ng prutas?"

*nod*

"Okay." Tumayo na sya at nagtungo sa kusina.

Bakit ganun ang kilos ng unggoy na yon? Himala ata at hindi ako inaasar. Nag-absent pa para maalagaan lang ako. Hindi kaya...

*shakeheads*

Imposible! Imposibleng mangyari yon.

( Clyde's POV )

"Okay guys timeout muna." Sabe ko at kinuha yung tubig at ininom ito.

Tumabi saakin si Kean.

"Captain diba yon yung babae na laging kasama ni Stacey?" Napatingin ako sa direksyon na tinitignan nya.

Nakita ko yung bestfriend ni Stacey. Yung Anna ba yung name?

"Tss. Si Anna? Bakit anong meron sakanya??" Tanong ko.

"Ahh Anna pala ang name nya. Ang ganda, kasing ganda nya." Bigla kong naibuga yung tubig na ini-inom ko.

*cough.cough*

He Stole my First Kiss ( Under MAJOR EDITING !)Where stories live. Discover now