( CLYDE'S POV )
Argh! Bwiset na dalawang to! Bakit sila magkasamang dalawa? Pinopormahan ba sya ni Kean?
Kanina pa ako nagma-manman kila Kean at Anna dito sa isang korean restaurant. Sinundan ko silang dalawa nang mag-uwian na kami.
Pota lang! Hindi ko nga alam kung bakit ko sila sinusundang dalawa eh! Kung sa tutuosin ay wala naman akong pake. Pero may kung anong maliit na boses ang nagsasabe saakin na sundan ko sila tsk.
Naiinis pa ako kay Kean kasi parang pinopormahan na nya si Anna, ewan ko ba kung anong nangyayari saakin. Simula kasi nung galing kami sa Boracay hindi na maalis sa isip ko si Anna...
>>>>>flashback
Nang matapos na kaming kumain sa labas nag-aya namang mag-inuman sila Kean. Mga bwiset talaga! Nakuha pang mag-inom tsk.
Iniwan ko na sila at hinanap si Stacey at Flynn. Hindi pa sila nakakabalik kanina pa at hindi pa kumakain ang dalawang yon.
"KUYA!!!" narinig ko yung boses ni Stacey.
Nakita kong inaalalayan nya si Flynn na mukhang lasing. Bakit naman naglasing ang lokong to. Kinuha ko sakanya si Flynn at ako ang nag-akay dito.
Binalingan ko sya ng tingin..
"Ikaw nag-inom ka din ba??" Namumula kasi yung pisngi nya. Makakatikim talaga sya saakin kapag nag-inom sya!
Bigla syang nag-iwas ng tingin at napahawak sa magkabilang pisngi nya.
"Hi-hindi no! Si kuya talaga nakakainis!" Sabe nya at binilisan ang paglalakad.
Leche na yon nakakainis pa daw ako. Eh kung batukan ko kaya sya concern lang ako sa health nya noh!
Nang makarating kami sa bahay inakyat ko na si Flynn sa kwarto, magkasama kasi kami. Bumaba na ako sa labas at tinignan kung tapos ng maginuman sila Kean.. at ang mga loko-loko bagsak na!
Bahala kayo matulog sa labas mga lasingero! Papasok na sana ako sa loob ng mapansin ko si Anna na natutulog. Pati ang babaeng to ay ang lakas ng loob mag-inom. Napailing nalang ako.
"Kuya pwede mo bang buhatin si Anna sa kwarto namin? Magliligo lang ako." Biglang sulpot ni Cy may hawak itong towel.
"Tsk sige na ako nang bahala."
Umalis na sya. Nilapitan ko si Anna at binuhat ito ng pang bridal style . Hindi ako masyadong nahirapang buhatin sya kasi hindi naman sya mabigat.
Pinasok ko na sya sa loob ng kwarto nila ni Cy. Marahan ko syang inihiga sa kama. Aalis na sana ako nang biglang nyang hawakan yung kamay ko.
Pota! Gising sya?!
"Clyde..." Tinawag nya yung pangalan ko.
Nilingon ko sya at nakita kong nakapikit ang mata nya.. Nananaginip ba sya?
"Gusto kita, Clyde..." sabe nya sabay hatak saakin kaya napahiga ako sa kama.. nagulat nalang ako sa sumunod na nangyari ..naglapat ang aming mga labi.
Naramdaman kong bumilis yung tibok ng puso ko. Agad akong humiwalay sakanya at nag madaling lumabas ng kwarto.
Nung gabeng yung hindi ako nakatulog ng maayos.. nakakahiya man sabihin pero yun yung first kiss ko pota!
<<<<<end of flashback
Pesteng babae to! Ano bang meron sa halik na yon at mababaliw na ako kakaisip sakanya!
Kinuha ko yung cellphone ko na kanina pa nagvi-vibrate. Yung magaling kong kapatid ang tumatawag.
"Hello?"