ME.
Nakita kitang malungkot kaya nilapitan kita. Ganito naman kapag kaibigan, di ba? Nagdadamayan.
Naalala mo na naman si Stella. Hanggang ngayon, mahal mo pa din s'ya. Alam kong alam mo sa sarili mong tanggap mo nang wala ng pag-asa, pero hindi ibig sabihin noon, titigil na agad ang puso mo sa pagmamahal sa kanya.
"Wag ka ng malungkot." sabi ko sa'yo.
"Paano ba hindi malungkot?"
"Ganito na lang, tutal, magkaibigan naman tayo, ganito na lang isipin mo."
Hinawakan kita sa pulso mo at pinakita ko sa iyo ang mga espasyo sa daliri mo.
"When you're feeling sad or lonely, just look at the spaces between your fingers and imagine my hand, locked with yours forever."
And so I filled the spaces between your fingers with my hand. I saw a sad smile drawn on your face.
Alam ko. Alam ko'ng gusto mong si Stella ang isipin mong umaakupa ng espasyo sa mga daliri mo. Pero ako ang nandito, Jack.
Ako.