Notebook

227 14 1
                                    

Nagsulat ako sa notebook mo, isang beses na umalis ka sa upuan mo para mag-lunch. Ako lang ang naiwan. Sabi ko:

Hi, pasulat lang. Pansinin mo naman ako kahit minsan.



Hindi naman ako nabigo. Napansin at nakita mo ang sulat ko sa'yo, pero nagalit ka kasi walang umaamin kung sino ang gumawa nito. Sabi mo:


Kung sino ka mang nagsulat sa notebook ko, magpakita ka na.


Syempre, hindi ako umamin. Natatakot kasi ako sa'yo. Paano ba naman, kung lukutin mo iyong pahinang sinulatan mo, para ka nang mananapak ng tao.

Just Can't SayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon