EILEE'S FLASHBACK MEMORY:
Masaya ba talaga ako? Masaya ba talaga akong maging isang kaibigan lang para kay Jack? Masaya ba talaga akong maging isang comfort zone lang n'ya?
Hindi... hindi ako masaya.
Kailan mo ba ako makikita, Jack?
I drove myself into a bar. I drown myself to alcohol. Gusto ko lang i-try. Sabi kasi nila, makakalimot ka daw pag nagpakalasing ka. Gusto kong kalimutan na itong nararamdaman ko para kay Jack.
Bakit hindi ko sinabi? Wala naman kasing pag-asa. Simula pa lang, wala ng pag-asa itong nararamdaman ko para sa kanya. Kaya ano pang sense? Ano pang sense kung aamin ako?
Nagiging blurry na ang paningin ko. Nahihilo na ako nang makatanggap ako ng isang text galing kay Jack.
Iyan ka na naman, Eilee. Isang text lang, magpapakatanga ka na naman.
"Where are you? I need you now."
Kahit hindi ko pa alam kung anong problema n'ya, basta sinabi n'yang kailangan n'ya ako, para na agad akong isang aso na pupunta sa amo n'ya.
Bakit? Bakit kailangan kong maging ganito?
Nagpagewang-gewang akong pumunta sa parking lot at pinatakbo ng mabilis ang sasakyan ko. Isang liko na lang papunta sa condo ni Jack....