LAST PAGE.
Nandito ako ngayon sa room. Lunch break na at ako na lang ang natitira. Baka ito na din ang huling araw na papasok ako.
Tiningnan ko iyong upuan mo dati. Ang tagal nang bakante n'yan mula nang nawala ka.
I know, Eilee. Ikaw ang kumuha ng ballpen ko. Ikaw ang nagsulat sa notebook ko. At naabutan din kitang umuupo at tumutungo sa armchair ko. I know, right from the start. I decided to distant myself kahit na alam kong mahal din naman kita.
Pero inunahan mo akong mawala, Eilee.
Sana... Sana nakita mo iyong notebook mo na sinulatan ko gamit ang ballpen mo at iniwan ko iyon sa armchair mo.