SEPTEMBER 15, 2014Nasa daan kami para sunduin si kuya sa boarding house niya dahil magfa-family picnic kami. Punung-puno ng tawanan ang kotse, ako at ang pamilya ko, walang sawang tinatawan ang mga alaala namin nung mga bata pa kami nila kuya at ate, halos hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. sana palaging ganito, magkakasama kami at nagre-reminisce nalang, pero hindi, minsan lang dumaan ang ganitong pagkakataon kaya susulitin ko ang bawat oras na kasama ko sila.
Sa kaligitnaan ng tawa, biglang nanigas ang mundo ko..
Napakabilis ng pangyayari...
Tanging tunog nalang ng car brakes ang naririnig ko.
Nanlabo ang paningin ko..
--
"Scarlet!" paggising saakin ni Auntie
Bigla akong napamulat.
"Scarlet, nababangungot ka nanaman yata."
bumangon ako at napahawak sa ulo ko...
Isang panaginip.
Panaginip na kailanman ay hindi ko na matatakasan.
Hindi lang siya basta bastang panaginip dahil isa siyang masalimuot na ala-ala.
Napatingin ako kay auntie na siyang gumising saakin..
"anong petsa po ngayon?" tanong ko.
"September 15, 2015" sagot niya.
isang taon na ang lumipas nung nangyari ang aksidente, hanggang ngayon, hindi ko parin natanggap kung bakit ako lang ang nakaligtas sa aksidenteng iyon.
Lumuluha nanaman ako..
Ma, Pa, Ate.. Miss na miss ko na kayo, sobra.
Matapos ng aksidente ay nakatira na ako kanila lola ngayon kasama si Auntie at Uncle ko, sila na ang nag-aalaga saakin. 4 months after the accident, na-approve yung application ni kuya na magtrabaho sa Los Angeles, California.
At ngayon, isang taon na ang lumipas simula nung aksidente, kahit isang taon na ang nakalipas, parang sobrang sariwa parin saakin ng aksidenteng iyon, hirap na hirap pa rin akong lumaban, yung pakiramdam nang nabuhay ka nga pero araw araw mo namang dinadala yung sakit na wala na sila sa tabi mo, na yung tawanan sa loob ng kotseng iyon ay hindi na maibabalik, hindi na ulit sila maririnig.
Sinubukan kong mamuhay ng normal, pero hindi ko magawa, lahat talaga nagbago na, pero sabi ni kuya, kung mananatili akong magpapa-apekto, walang mangyayari saakin, dahil kahit ano namang gawin ko ay hindi na mababago ang pangyayari.
Ganoon talaga ang buhay, kahit labag sa kalooban mo, kailangan mong kayanin, it's either magpakatatag ka o sumuko, kasi kahit ano namang gawin mo sa dalawa, hindi mo na mababago ang mga pangyayari.
--
Nagtirik ako ng tig-iisang kandila sa bawat puntod nila, kinuha ko yung tatlong rosas sa bouquet at binigyan sila ng tig-iisa, tsaka ko inilapag yung buong bouquet sa gitna.
"Hello ma, hello pa, hello teng!"-tsaka ko pinunasan yung luha ko-"kamusta naman kayo? Grabe, isang taon na simula nung trahedya"
Napatingala ako, pinipigilan kong tumulo yung luha ko.
Pero pag pinipilit kong pigilan, lalo lang lumalala, kaya inilabas ko nalang..
"a-alam n-niyo ba?"-huminga ako ng malalim-"m-miss na miss k-ko na kayo!" pagsingit ko ng salita sa bawat paghinga, hirap na hirap na ako sa pagsasalita, pero pinipilit ko parin. "h-hanggang ngayon, hindi ko parin matanggap na ako lang nabuhay, sobrang hirap"-pinunasan ko nanaman yung luha ko-"dapat kasi kasama ko nalang kayo diyan, hindi ko rin alam kung bakit nabigyan pa ako ng chance mabuhay, dahil araw-araw, para na rin akong unti-unting pinapatay kakaisip kung paano ba ako mabubuhay ng normal at pakiramdam ko rin, yung sugat sa puso ko, lalo lang lumalala."
BINABASA MO ANG
HOPE
Short Storyit's hard to wake up being forced to embrace changes. it's hard living in everyday life believing that the past won't ever come back again. it's hard to raise your hopes up when fears and worries are pulling you down. Life is hard. but Life must g...