CHAPTER 3

10 0 0
                                    


At dahil tandang tanda ko ang kotse ni Jason na kakambal ni Jonas ay inabangan ko ito sa parking lot, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung dumating si Jason, pero dahil kasama ko si Jonas, baka naman may patunguhan itong pinaggagagawa namin.

Nang mapansin kong dumating na ito ay agad akong pumunta sa space na pinagparkingan niya at inabangan siyang bumaba.

"you again?! What do you really want!?" sagot niya.

Anong sasabihin ko?

"sabihin mo, kilala mo ako." Biglang sulpot ni Jonas

"kilala ko si Jonas Ishida."

At bigla siyang napatingin saakin

"so what's the real deal about this? Ano bang kailangan mo saakin? Bakit ba kailangang gamitin mo yung pangalan nung taong nananahimik na?"

"sigurado ka bang nananahimik na siya?" tanong ko pabalik na walang pangamba.

Hindi ko alam kung paano ko nasasabi ang mga ganitong bagay, ang alam ko, nararamdaman ko nalang sila at kailangan ko talaga itong sabihin.

"what do you mean?" nagtataka niyang tanong

"I know it's been a year since he passed away, but I don't believe that he's not yet resting in Peace."

"what are you? Some kind of creep? Nasisiraan ka na ba?"

Bigla nalang sumakit yung ulo kaya napahawak ako dito.

"aray!" patuloy kong pag-inda sa sakit.

Parang may nabubuo sa memorya ko na halos hindi ko kinakayang indahin.

Napaluhod nalang ako sa panghihina.

"hey! Miss! Are you alright!?" naririnig ko na sumisigaw si Jason.

Sasabihin ko sanang okay lang ako, pero hindi ko maibuka ang mga labi ko sa sobrang panghihina.

May kung anong parang tumaas na hangin sa tiyan ko at nandilim ang paningin ko.

--

"hay naku ma! Pagalitan mo nga itong si Scarlet! Inuunahan pa akong humarot! Akalain mo? nakapag-Selfie kay Francis samantalang ako, hanggang stalk lang?" apela ni ate.

"ganun talaga kapag mas maganda ate." Sagot ko naman

"dapat nagbibigayan kayo, sa susunod si Selene naman ang makikipag-selfie." Singit ni papa

At tsaka kami nagtawanan sa loob ng sasakyan

Nang bigla nalang may bumungad sa harap naming sasakyan, hindi nan a-control ni papa kaya sumalpok ang sasakyan saamin.

Kitang kita ko ang mukha ni papa at mama na duguan at si ate na halos naipit ng upuan habang nakayakap saakin.

Hindi ko alam pero hindi parin pumapasok sa isip ko na may aksidenteng naganap, hindi ako naiiyak, hindi ako nanghihina, ayokong maniwala.

Pumikit nalang ako.

Pagmulat ko ng mga mata ko, naramdaman kong nakatayo na ako sa gilid ng highway.. sa pagkakatanda ko, ito yung daan kung saan nangyari yung aksidente, napansin kong may paparating na sasakyan, yung sasakyan na iyon, iyon ang nakasagasa sa sasakyan namin, napansin ko rin namay paparating ulit na sasakyan, at iyon na ang sasakyan namin, sinubukan kong pumunta sa gitna para pigilan yung sasakyan na nakabunggo saamin, sinubukan kong iharang yung mga kamay ko pero dire-diretso parin siya.

HOPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon