Nakatayo kami ngayon sa puntod ni Jonas.
"Bro, Alam ko naging makasarili ako, patawarin mo ako, hindi ko man maibabalik sa dati ang mga pangyayari, pinutol ko na ang kung anumang kaugnayan namin ni Carmen."
At dahil nakikita ko si Jonas, nakaupo lang siya sa Nitso niya at nakatingin lang kay Jason.
Minamatyagan kong mabuti ang mukha ni Jonas, hindi naman nakabakas sa mukha nito ang galit.
"Alam mo Bro, ang laki na ng nagbago simula nang mawala ka, sana nga pwede ka pang bumalik, pero malabo yun." Patuloy ni Jason.
Bigla nalang tumayo si Jonas at ipinatong ang kamay sa balikat ni Jason.
Nagulat nalang ako nang tumingin si Jason sa gawi ni Jonas
"Bro?" Saad niya.
Nakita niya si Jonas?
Tila panandaliang parang naging tao si Jonas sa paningin namin.
"Sawakas, natapos na rin ang misyon ko." Saad ni Jonas.
"Pinapatawad na kita Bro, tsaka isa pa, huwag na huwag mong sisisihin ang sarili mo, walang may gusto sa nangyari. Hindi lang ikaw ang naging makasarili, ako din, you can still continue your relationship with Carmen, okay lang saakin, also, please visit me regularly?" tsaka siya ngumiti at niyakap si Jason.
At tsaka naman tumingin saakin si Jonas.
"Maraming salamat sayo, makakatawid na rin ako. Huwag kang mag-alala, yung pangako ko sayo, mangyayari iyon." Ngiti niyang saad.
Tsaka na siya tumakbo papalayo saamin habang kumakaway ng pagpapaalam
Kinawayan rin namin siya pabalik.
Tumatakbo lang siya hanggang sa unti-unti na siyang naglaho.
May kung ano sa loob ko ang nalungkot. Hindi ko man nakasama bilang tao si Jonas, mamimiss ko parin siya dahil sa kakulitan niya kahit multo na siya.
Masaya naman ako at natulungan ko siyang makatawid sa liwanag, at masaya rin ako para kay Jason na pinatawad niya na.
Nagulat nalang ako ng bigla nalang akong niyakap ni Jason.
"Maraming salamat sayo! Nabunutan ang puso ko ng malaking tinik." Saad niya.
Napangiti nalang ako at niyakap siya pabalik.
--
Gabi na nang ihatid ako ni Jason sa bahay namin.
Patuloy niya parin akong pinasasalamatan.
--
Nakahiga nanaman ako sa kwarto ko.
Wala na si Jonas na mananakot saakin, nakakatakot man siya pero siya lang yung nakakausap ko nung mga panahong nangungulila ako at sinusubukang bumangon.
Nang dahil din sakanya, mas naintindihan ko ang mga bagay bagay at mas naging matatag.
End of Chapter 4
HOPE
TheWriterZoned
BINABASA MO ANG
HOPE
Short Storyit's hard to wake up being forced to embrace changes. it's hard living in everyday life believing that the past won't ever come back again. it's hard to raise your hopes up when fears and worries are pulling you down. Life is hard. but Life must g...