CHAPTER 2

9 0 0
                                    

Naglalakad ako sa catwalk ng school namin, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nakakakita ako ng multo.

Flashback:

"by the way, I'm Jonas Ishida, passed away last September 15, 2014."

Nanigas nanaman ako sa sinabi niya..

"p-passed away?" takot kong tanong.

At tumango nalang siya.

"kung ganun, m-mul—"

"—yup! I'm a ghost!" pagputol niya sa tanong ko.

"nasisiraan na ba ako?" tanong ko sa sarili ko.

Bigla siyang tumawa nang malakas

"hindi, matino ka pa, akala ko nga kung masisiraan ka na, ikaw nalang tangi kong pag-asa, masisiraan ka pa, bukas lang talaga third eye mo kaya nakikita mo kami." Pagpapaliwanang niya.

"pag-asa? Third-eye? Pakiramdam, nasisiraan na ako ng bait, hindi ako makapaniwalang nakikipag-usap ako sa multo! — aa! Alam ko na! nananaginip lang ako!" tsaka ko kinurot nang malakas yung balat ko.

"arayyy!" inda ko.

"nope. You're not dreaming." Pagsasalita niya ulit tsaka tumawa.

*end of flashback*

*beeppppp*

Tila nagising ako sa katotohanan nang marinig ko yung busina ng sasakyan.

Biglang bumaba yung tao sa kotse, na siyang mas ikinagulat ko nang Makita ko ito.

"miss ano ba!? Balak mo bang magpakamatay?! Wag ka namang mandamay!" sigaw niya saakin

Pero totoo ba ito?

"j-jonas?" yun nalang ang nasabi ko.

"ano!? Hindi ka ba tatabi?" sigaw niya parin.

Narealize ko na nakatapak pala ako sa parking space na dapat niyang pagparkingan.

Diba nasa catwalk lang ako kanina?

Kakaisip ko, hindi ko na namalayan na nasa parking lot na pala ako.

Patuloy ko paring tinitignan yung sasakyan niya hanggang sa nag-park na ito.

At nang bumababa siya mula sa sasakyan niya ay doon ko na grinab yung chance na tawagin siya.

"Jonas!" sigaw ko.

Hindi ako nagkakamali! Si Jonas talaga ito.

Tumigil siya at pumunta saakin.

"what did you just call me?"

"d-diba ikaw si J-jonas? Jonas Ishida?"

"how did you know him?" tanong niya na parang nagtataka.

"nakalimutan mo na ba? Diba—"

"—miss, don't play jokes with me. Jonas was dead a year ago, at hindi mo na dapat siya inuungkat ngayon, and never ever call me Jonas because I'm Jason, and he's my twin brother."

Nanlaki agad yung mga mata ko.

"twin brother?"

"kung kilala mo si Jonas, please, huwag mo na siyang guluhin, nananahimik na siya, and please, this is the last time that we'll talk about him." Yun ang huling sinabi niya at tsaka na umalis.

HOPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon