CHAPTER 1

13 0 0
                                    

Katulad ng ginagawa ko kapag binibisita ko ang mga puntod nila mama, papa at ate ay nililinisan ko ito, kung dati ay mag-isa ko lang, ngayon ay sama sama kami nila kuya, Auntie, Uncle at Lola.

Sabi ko sa sarili ko, na ngayong wala na sila mama, papa at ate sa tabi ko, sila Auntie, Uncle, Lola at Kuya na ang bago kong pamilya, ganunpaman, silang tatlo ay mananatili parin sa puso ko.

Halos kalahating araw kaming tumambay at kumain dun. Nagtatawanan nanaman kami, si kuya nanamang pasimuno. Isa ring ikinakatuwa ko ay sa tuwing tumatawa ako ay dahil sa totoong masaya ako at hindi dahil sa pilit lang. kay tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito, akala ko hindi na darating, pero sabi nga nila, habang may buhay, may pag-asa.

--

Hapon na nang makauwi kami sa bahay upang magpahinga. Tumungo ako sa kwarto ko..

Nakahiga ako doon at nakangiti. Ngayon lang ako nnggaling sa sementeryo na hindi manlang lumuha o nalungkot. Masasabi kong nasa proceso na ako ng pagbangon at pagiging matatag.

"Psst! Scarlet!"

May naririnig nanaman akong tumatawag sa pangalan ko.

Nagpalinga-linga nanaman ako sa paligid ko pero wala nanaman akong nakita.

"sino ka ba!? Nasaan kang damuho ka!? Magpakita ka ngayon na!" paghahamon ko.

Inaamin ko, natatakot ako, pero bahala na, baka lalo lang siyang mangulit kung pababayaan ko.

Naramdan kong may kumalabit sa likod ko, kaya dahan dahan ko itong niligon sa pag-aakala kong nasa likod ko siya, pero nagkamali ako, wala siya sa likod ko.

"psst!"

Agad kong sinundan ang pinanggalingan ang tunog, paglingon na paglingon ko palang ay bigla na siyang lumapt saakin kaya napapikit ako. Unti unti kong minulat ang mga mata ko, at tsaka ko siya nakita na sobrang lapit sa harapan ko. Sa sobrang takot ay nanghina ako at napa-upo sa kama ko.

"hi!" magiliw niyang bati tsaka niya pinamulsa ang kamay niya. At tumabi saakin.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, ni-hindi ko alam kung anong klaseng nilalang ito at bakit niya ako ginugulo, huling tanda ko nung nakita ko siya ay naglaho nalang siyang parang usok sa paningin ko, at ngayon, hindi ko alam kung an nang pakay niya saakin.

"by the way, I'm Jonas Ishida, passed away last September 15, 2014."

Nanigas nanaman ako sa sinabi niya..

"p-passed away?" takot kong tanong.

At tumango nalang siya.

"kung ganun, m-mul-"

"-yup! I'm a ghost!" pagputol niya sa tanong ko.

"nasisiraan na ba ako?" tanong ko sa sarili ko.

Bigla siyang tumawa nang malakas

"hindi, matino ka pa, akala ko nga kung masisiraan ka na eh, ikaw nalang kasi ang tangi kong pag-asa, masisiraan ka pa, bukas lang talaga third eye mo kaya nakikita mo kami." Pagpapaliwanang niya.

"pag-asa? Third-eye? Pakiramdam ko, nasisiraan na ako ng bait, hindi ako makapaniwalang nakikipag-usap ako sa multo! - aa! Alam ko na! nananaginip lang ako!" tsaka ko kinurot nang malakas yung balat ko.

"arayyy!" inda ko.

"nope. You're not dreaming." Pagsasalita niya ulit tsaka tumawa.

So totoo nga ito?

Nakakakita ako ng multo!?

End of Chapter 1

HOPE

TheWriterZoned

HOPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon