Nakatayo nanaman ako sa highway kung saan naganap ang aksidente.
Katulad ng dati, may parating nanamang sasakyan, sasakyan ni Jonas, sa kabilang dako naman ay sasakyan namin.
Natatakot nanaman ako dahil mangyayari nanaman ang aksidente.
Pero laking gulat ko ng tumigil ang sasakyan ni Jonas, ganun rin ang sasakyan namin.
Biglang lumabas si Jonas ng kotse niya na nakangiti.
"Sabi ko naman sayo diba? Kapag tinulungan mo ako, tutulungan din kita." Saad niya.
Binuksan niya yung pinto ng sasakyan namin, lumabas sa mama, sumunod si papa tapos si ate.
"Ma! Pa! Ate!" Sigaw ko at isa isa silang niyakap.
Damang dama ko sila.
"Ma, pa, teng, miss na miss ko na kayo." Umiiyak nanaman ako
Pero hindi na sakit ng loob ang nararamdaman ko, kundi tuwa, nakakatuwa na nayayakap ko na sila ngayon.
"Anak, maayos na kami, intindihin mo iyang sarili mo, huwag na kami, binigyan ka pa ng chance mabuhay dahil marami ka pang dapat matutunan at maranasan, may mga misyon ka pa." Payo saakin ni mama.
"Scarlet, alam kong masayahin kang bata, nasa loob mo parin iyon, huwag na huwag mong itatapon ang ugaling iyon. At alam kong malakas ka katulad ko, maging matatag ka lang." Sabi naman ni papa tsaka humalik sa noo ko.
"Scarlet. Ito na yung oras para tuluyan na kaming magpaalam sayo. Katulad ni Jonas, tatawid na rin kami. Magpakatatag ka ha?" Saad naman ni ate at tsaka niya ako niyakap.
Iyak lang ako ng iyak. Pero natutuwa akong nakausap ko sila.
Iminulat ko ang mga mata ko. Nahanapan ko ang sarili ko sa kwarto ko.
Naalala ko yung mga bilin nila mama,papa at ate. Napahawak ako sa puso ko at napangiti.
Bagong simula. Bagong pag-asa.
Kailangan ngang magpakatatag ako at huwag magpa-apekto sa nakaraan.
Bumangon ako at ngumiti.
Bumaba ako at isa isang niyakap sila Uncle, Auntie, Lola at kuya.
Nagpasalamat ako sa pag-aaruga nila, at humingi ng pasensya sa mga nagdaang araw na inasal ko.
Napakaganda ng araw sabay sabay kaming nagsalu-salo sa hapag-kainan habang nagkwekwentuhan.
Napagdaanan ko na rin ito nung mga nakaraang araw, pero ibang iba ang saya ngayon, katulad ni Jason, nabunutan din ako ng malaking tinik sa dibdib.
--
Huwag tayong sumuko.
Dahil habang humihinga pa tayo, hindi pa natin katapusan. At habang may buhay, may pag-asa.
There's no such thing as ending. Only new beginning.
Hold On Pain Ends
END.
HOPE
TheWriterZoned
BINABASA MO ANG
HOPE
القصة القصيرةit's hard to wake up being forced to embrace changes. it's hard living in everyday life believing that the past won't ever come back again. it's hard to raise your hopes up when fears and worries are pulling you down. Life is hard. but Life must g...