YBWM- #4

19 5 2
                                    

YBWM- Chapter 4

Kayla's Pov

2 days ago na simula nangyari sa mall. Kaya lang pala niya ko niyakap dahil may stain ako. Tch. Pero kaya rin siguro ako masungit that time kasi nga magkakaroon na ako. Only girls can understand this.

Nagaayos na nga pala ako ngayon dahil may sasabihin sa akin daw kuno si Aica.

T-Shirt ✔
Pants✔
Sling bag✔
Sandals✔

Ok im ready!!!

*bzzt* *bzzt*

"Hello?" Si Jean pala. Bat kaya siya napatawag?

"Kayla!! Where the hell are you! Nakalimutan mo bang may meeting tayo ngayon for our project?!" What?! Project?! Wala naman akong naalala na may project kami ah!

"Project? What?" Tanong ko. Kasi naman. Di kaya yun yung habang natutulog ako? Noooo!!

"Urghh! Tulog ka nga pala nun! Basta meet us now! In Aaron's House! Alam mo naman siguro kung saan yun diba?!" Wahh!! S-s-sab-bahay nya? Bat dun pa!

"O-oo! On the way na ako! Bye na!" Nagmadali akong tumakbo papunta sa kotse namin.

"Mang Ed! Sa bahay nga po ni Aaron! Paki bilis po!!!" sigaw ko kay mang Ed yung driver namin. Urgghh! Na fufustrate ako nito eh!!

Aica's Pov

Nasaan na ba si Kayla?! Hinyayin ko nga siya sa labas. Magmemeet sana kami ngayon sa loob ng Starbucks coffee shop kaso mukhang malalate ata siya kaya aabangan ko nalang siya sa labas.

Malapit na ako sa exit kasi biglang...

*booogshhhhhhh*

"WHAT THE F*CK?!" sigaw ko sa kanya. Litik na natapunan pa ako ng kape! Ang init ah!

"S-sorry"

"Put@ ano magagawa ng sorry mo?! Ang hapdi ng buong katawan ko dahil sayo! "

"Papalitan ko nalang."

"Katawan ko papalitan mo?! Eh gago ka pala eh! Pati ba tong puso ko na nawasak mo mapapalitan ba?! Ha?! Sumagot ka!" Pinaghahampas hampas ko siya. Ang sakit eh! And sakit sakit lang! Wala na akong paki kung pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"Justin naman eh! Minahal kita! Hanggang ngayon! Mahal na mahal kita! Pero ano?! Pina asa mo lang ako! Ako naman itong uto- uto assuming! Nag-assum na mahal mo rin ako pero makikita nalang kitang may kahalikan sa mismong harapan ng bahay ko pa?! Anak ng teteng naman!" Sasampalin ko na sana siya kaso may pumigil sa akin

"Miss. Tama nayan" sabi saakin ng isang staff ata to ewan wala akong paki sa kanya.

"Bitiwan mo nga ako!" Pagpupumiglas ko. Pero sumuko rin ako masyado siyang malakas para saakin.

"Kung gusto ninyong gumawa ng skandalo dun kayo sa labas hindi dito!" At tinulak niya ako palabas ng shop.

"Bwisit! Bwisit! Bwisit!! Urghh!" Lumabas ako ng mall ng parang wala sa sarili. Naglakad lang ako ng naglakad bahala na kung saan ako ipad-pad ng mga paa ko.

Napatigil ako sa isang bar. Dito kami nagtutugtog ng barkada pag gabi. Pumasok ako sa loob at umupo as may counter.

"Kuya penge ako ng alak" sabi ko sa lalaking naghahalo ng alak ata yun aba malay ko ba.

"Anong alak po miss?" Tanong niya. Dahil 1st timer ako wala akong alam dito.

"Yung pinaka matapang"

"Ito po." At may inabot siyang maliit na baso saakin na may lamang alak

"Salamat" agad ko iyong tinungga. At bigla nalang naiyak. Peste naman itong luha ko! Ayaw maki cooperate!

"1 pa!" Sabi ko ng wala sa sarili.

"M-ma'am naka sampu na po kayo. Lasing na po kayo. Tama na po."

"SABING ISA PA EH!" Leche di ba siya nakakaintindi ng isa pa? Mukhang natakot naman siya kaya agad siyang kumilos at binigyan ako.

"Hey, babe." Sabi ng isang lalaking mukhang manyakis na lasing sa akin. Sino batong mukhang unggoy na to?

"Wag mo *hik* akong *hik* ma-babe babe dyan! *hik*" At tinungga ang alak na nasa kamay ko. Aww. Sakit na ng ulo ko. Mukhang lasing na ata ako.

"Ay.. bat ka galit? Tara sayaw tayo" Agad niya akong hinila papunta sa dancefloor. At nakita nalang ang sarili kong sumasayaw kasama siya at iba pang lalaki.

Hinila ako ng isang lalaki papunta sa labas at isinandal ako sa pader. At akmang hahalikan ako "W-Wag *hik*" pero tinuloy lang niya ang paglapit sa akin. Wala na akong nagawa kung di pumikit nalang.

Nagtaka ako dahil hanggang ngayon wala pa akong nararamdaman na may humalik sa akin. Sinubukan kong dumulat at laking gulat ko na...

...na nakalatay na siya sa sahig.

"I-IKAW?!"

-------------------------------
Here's the Update!!!!
Hope you guys enjoyyy!! Lovelots.
Ayan nag UD na agad ako. Di ko kayo matiis eh.

Guys.. So maybe by next next week pa ako nakakaupdate kasi sportsfest na namin. OK? Surry talaga!! I promise. Try ko magsingit ng isang chapter per week.  Gomenasai!!


Then ang gusto ng dedication just message me.
Byeee..

Share the lovee.

Cadley_Mirze

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Belong With Me ♥♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon