Merong dance presentation for P.E. class that week. Kaya naman lahat ng grupo ay busy sa pagpa-practice. Alas-singko na ng hapon nung araw na yun, pero na sa school pa rin ang buong klase natin.
Hindi ko maalala kung bakit, pero hindi tayo nagpapansinan nung umaga ng araw na yun. Ewan ko, baka dahil sa kaartehan ko. O baka naman, iniisip ko kung dapat ba kong umiwas sa'yo. Dahil mas lalo ng nahuhulog yung loob ko. However, when afternoon came, I gravitated back towards you. Lagi naman ganun, sa'yo ang bagsak ko.
Nasa north quad kayo nun. Nagpa-practice ang grupo mo para sa sayaw. Alas-singko pero parang wala pa kayong balak umuwi. Sabi mo, teka lang. Malapit na matapos. Tumango lang ako. Ngumiti nang pasimple. Kinikilig ng konti. Paano, ayoko namang aminin at sabihin out loud na gusto kong makasama pa kita. Sumaya ako kasi parang routine na sa atin na sabay uuwi.
Nagsayaw kayo ng grupo mo sa harap ko. Natulala lang ako. Naisip ko, hanep lang. Lagi mo na lang akong ginugulat. Talented ka talaga. Talentado kang walang hiya ka. Naalala ko yung araw na kumanta ka sa harap ng class. Habang nakatingin sa akin, kinanta mo yung "Little Things". Hindi panghaharana pero para sa isang class presentation. Halos mamatay sa kilig ang mga kaklase natin. Ako rin naman. Muntik na. Kaso, napansin ko kasing hindi ka makatingin sa akin kapag kinakanta mo na yung linyang "I love you."
Nang matapos kayong mag-sayaw, huminto ka at pumwesto sa harap ko. You leaned forward. Your face was just inches away from mine. Parang natauhan ako. Nawala ang pagdi-daydream ko. Ngumiti ka at dahan-dahang sinabi,
"Tara, uwi na tayo."
Iba ang dating, sobrang sarap pakinggan. Oo, ambisyosa kasi ako. Biglang nag-fast forward ang utak ko. Parang naisip ko, paano kung sasabihin mo 'to sa akin, a few years from now? Sa iisang bahay tayo uuwi. Pero mas masarap siya pakinggan sa present kasi ibig sabihin nag-eeffort kang samahan ako pauwi kahit ang layo ng bahay na uuwian mo.
That was one of my favorite lines from you. Hindi naman siya ganun ka-espesyal lalo na para sa mga taong hindi nakakaintindi. Pero hindi ko rin alam kung bakit, pero napapangingiti ako pag naalala ko yung moment na yun. Kahit ba punong-puno ng kabitteran ang puso ko ngayon.
See those were the little things that made me believe you love me. Once, you loved me. With all your heart. Tapos, bigla akong malulungkot. Dahil kapag naalala ko yung hindi mo makanta ang mga katagang "I love you", naiintindihan ko na. Sometimes, a person sees things the way they want it to be.
"Tara, uwi na tayo."
Hindi pala ibig sabihin, iisa ang destinasyon. Hindi iisa ang dadaanan. Hindi iisa ang pagdadaanan. You wanted the easy way out. I was in it for the long haul while you gave up.
BINABASA MO ANG
Shorts (Short stories)
Short StoryA collection of short stories. Short stories na kung ano-ano lang.