The Star Bus

34 2 2
                                        

It was a normal Monday morning.

Normal, meaning, sobrang traffic sa EDSA. Bumper-to-bumper yun mga sasakyan. Nag-uunahan ang mga tao na makasakay. Pati yung mga bus at kotse, nag-uunahan rin sa lane. Sinubukang bumaba ni Cassandra sa curb para makapara ng bus. Tinaas niya ang kamay para pumara pero may bumangga sa braso niya. Medyo nawalan siya ng balance at nabitawan ang mga cartolina na hawak niya.

Napabuntong hininga na lang isya.

Tinignan niya nang masama yung babaeng bumangga sa kanya pero naunahan na siya sumakay dun sa bus na punong-puno na. Ang bagal niya kasing kumilos, ayan tuloy, naiwanan siya nung pinaka-unang bus papuntang Ortigas na dumaan sa harap niya.

Bumalik siya sa gilid at naghintay muli ng bus. Nakakapagod pero sanay na siya dito. Ganito naman lagi sa Maynila. Ang lungkot na dapat masanay sa ganitong problema.

Oo, aaminin ko. Nakakapagod no! Isip-isip ni Cassadnra. Nasanay akong hinahatid sa trabaho. Bwiset kasi yung lalaking yun! Sinanay ako!

Ay, nako, Cassandra! Cheer up! Sabi niya sa sarili.. Hindi pwedeng maging lugmok eh lunes pa lang. Mahaba pa ang linggo. Nag-stretch siya ng kaunti.

"Game face on." Bulong ni Cassandra at tinalasan ang mata para sa bus na dadaan. Maya-maya pa, huminto sa tabi ang isang bus na kulay puti at may logo ng mga dilaw na star sa gilid ng bus. Papuntang Taft at Ortigas ang nakalagay sa signage nito. Pero walang sumasakay.

"Ay, yan ba yung 50 pesos na bus?" Sabi ng babae sa likod niya.
"Aba, malay ko." Bulong ni Cassandra. Araw-araw kasi nagti-text ang NTC at sinasabing may pasakay ang gobyerno papuntang Makati at Pasay area. Pero magbabayad ng 50 pesos.
"Ang mahal naman nun!" Sabi ng kasama nung babae. "Singkwenta!? Eh yung araw-araw nga na 28 pesos di natin kaya!" 

Nagtawanan ang dalawa pero nagsimula maglakad si Cassandra. Hindi naman sa kaya niya ang 50 pesos pero dahil male-late na talaga siya kung hindi siya makakasakay ng bus.

Pag-akyat niya ng bus ay nagtungo siya sa pangalawang row ng upuan sa likod. Malayo pa naman ang bababaan niya kaya dun ang napinili niya. Naisip niya, pwede rin siyang umidlip.

Pero nagkakamali siya.

Hindi pa nakakaandar ang jeep ay mga sumakay ulit na bagong pasahero. At kilala pa niya.

"James?" She muttered to herself. Anong ginagawa ng kaibigan ng ex-husband ko dito?! Isip-isip ni Cassandra. She mentally smacked herself for thinking ex-husband. Hindi lang naman sila nag-uusap. For 10 months now. Since she moved out of their house. Yes, they talked about annulment pero wala pang mutual agreement kung itutuloy yun.

Napansin ni Cassandra ang nakasulat sa shirt ni James. SMC --- a better world. Dun na nakita ni Cassandra ang logo sa route map na nasa harap ng upuan niya. SMC and Star Hotshots.

Oh no. Oh noooooo. Cassandra thought. Kung nandito si James and this is a SMC bus, this just means......

"PJ."

Tinakpan ni Cassandra ang bibig niya at nagtago. Yumuko siya para matakpan ng mga upuan. Surely, her ex-....her husband can't see her now? Ano ba ang ginagawa ng Dynamic Duo sa bus na ito? Sa dinami-dami ng bus na pwede niyang masakyan ito pa?!

"Magandang umaga po!" Rinig niyang bati ni James. of course, si James ang babati. Out of the two, mas vocal si James kumpara kay PJ. "Ako po si James. At ito si PJ. Nandito kami para..."

James can't find the right words? O nakalimutan ang script?

"Part?" Sabi ni James. Clearly asking for help.
"Nandito kami para...ano...para magbigay saya."

Cassandra rolled her eyes. That's PJ. PJ to the rescue. Saving everyone...when he can't even save himself. Cassandra mentally kicked herself this time. Bakit ba ang bitter ko sa asawa ko? Isip-isip niya.

"Nandito po kami para makipagkwentuhan sa inyo...habang ano...habang traffic. Enjoy lang." Sabi ni James.
"Selfie selfie." Natatawang sagoti ni PJ.
"Sige, part, dito na lang ako sa first half ng bus. Ikaw na dun sa likod."

Nanlaki ang mata ni Cassandra. Nakayuko pa rin siya at masakit na ang batok niya. Dahan-dahan siyang lumingon kung may pintuan sa likod. Malamang wala. This is not the same type of bus that she and PJ rode in Japan. Yung dalawa ang pintuan, sa harap at sa likod. Maya-maya pa, she can hear PJ talking to some people on her side of the bus. Naisip niyang pwede niyang hubarin ang blazer niya at i-cover sa mukha niya.

Shorts (Short stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon