Free Fall (1/?)

20 0 0
                                    

(A/N): HAS NOTHING TO DO WITH STAR HOTSHOTS! Haha, I just really like that title. La lang, I was bored so I wanted to write. 

Nina Angeles
Feb 8 2015 10:29 pm
Magtigil nga kayo. Hindi ako mag-aasawa. Hahaha

Akala niyo hindi umiiyak ang mga lalaki? Hindi yan totoo. Naiiyak rin kami. Di lang pinapahalata. Sobrang daming salita ang pwedeng makapagpaiyak sa isang lalaki.  Pero sa akin, tatlo lang.

Hindi ako mag-aasawa.

Nakakaiyak. Nakakadurog ng puso. Lalo na pag galing kay Nina. Sa comment thread, na-tag si Nina sa isa sa mga kalokohan post ng barkada. Basta, tungkol sa love. Kabisado naman na namin ang sagot ni Nina. Pwedeng:

1. Magtigil nga kayo.
2. Ay, ang kokorni niyo.
3. Daming problema sa mundo, hindi lang love.

Pero first time yata ngayon na may kasama pang, hindi siya mag-aasawa.

Hindi bitter si Nina. In fact, iilan na rin ang na-link sa kaniya. Pero wala pa siyang nagiging boyfriend. Yata. Busy lang talaga iyong babaeng yun. Tsaka sabi niya nga, marami pang mas importanteng bagay sa mundo. Kasali kasi yung babaeng yun sa debate team. Maraming pinaglalaban. Wala pang nakakatalo dun sa mga debates. Stubborn, critical thinker. Naisip mo pa lang, may rebuttal na siya. Mahirap kumbinsihin pero hindi sarado ang utak.

Ako rin naman, maraming pinaglalaban. Isa na siya dun.

Hoy Nina na mukhang nana.

Sabi ko sa message ko sa kaniya. Sumagot naman agad-agad 'to. Hindi kasi siya yung tipo ng kausap na pabebe online. Tipong maghihintay pa ng two o five minutes bago mag-reply. Wala siyang pake kung isipin mong atat siya.

Leche ka Albert. Ano na naman kailangan mo.

Natawa naman ako. Simula nung una kong makausap 'tong babaeng 'to, ganito na lagi reply niya sakin. Napapangiti pa rin ako kahit ilang taon na kaming nag-uusap nang ganito.


 Wala naman masama kung babatiin mo ko nang maayos, Nina.
Haha ano nga kasi??? Busy ako.
Aww, Nina. Lagi ka namang busy.
Alam mo naman pala.
Ano yung comment mo?
Anong comment????
Sa post ni Beth.
Alin? Yung sinabi kong 'anong kalokohan na naman 'to'?
Hindi. Yung isa pa.
Alin ba kasi???? Sabihin mo na lang. Halata namang stalker ka Albert.
GRABE KA NINA.
HAHAHAHA ALBERT ANG PABEBE MO KASI. Ano ngang comment?

....

...

...

Hoy Albert ano na???? Nawala wi-fi ng kapitbahay???
Siraulo.
Hahahahah ano nga kasi yun? Ang dami kong comments dun ah.
Sabi mo, hindi ka mag-aasawa.
Ah.
Oh ano?
Yun ba? Oh anong problema dun?
Seryoso ka dun?
Wow, Albert. Affected? Oo, seryoso ako.
Ah.
Sige. Uh out na ko ha? May meeting pa kami ng Debate team.
Sige, uh, good luck.
Sige. Ingat, Albert!
Okay. Ikaw rin.

...

...

Teka. Nina?

....

Nina, huy.

....

May sasabihin pa ko.

Nina has signed off.

-----------------------------------------------------------------------------

Siyempre, panalo na naman si Nina Angeles sa debate na sinalihan niya. Nasa stage siya at pinaparangalan. Sinusuotan ng medal. Pero ewan, bakit ang lungkot ng mukha niya. Poker face. Hindi umaabot yung ngiti sa mga mata niya. Pati ako, nahahawa.

"Hoy, pre, wag mo namang pagnasaan yung best friend ko." Sabi ni Jospeh sabay suntok nang mahina sa braso ko.
"Huh?" Tanong ko at bumaling sa kaniya. "Anong sinasabi mo?"
"Kung makatitig ka kay Nina, simula nung umapak siya sa stage, parang siyang lang nakakaalam bakit ginawa ang universe eh."
Natawa naman ako. "Loko. Dami mong alam."

Pero napaisip ako. Baka nga si Nina lang talaga may alam kung bakit nage-exist ang universe. Para kasing lagi siyang may iniisip. Minsan, nagtatawanan ang barkada tapos mapapansin ko bigla na lang siyang matatahimik. Titignan yung mga kasama tapos mapapabuntong-hininga siya. Ako lang yata nakakapansin nun. Paano, ako lang naman yung sobra-sobra ang pag-aalala sa kaniya.

"Kaya ba ikaw yung laging present kapag may mga debates si Nina? Kasi nga may gusto ka nga sa kaniya?" Tanong ni Joseph nung nasa may parking lot na kami. Dumiretso na kami dito kasi busy pa sa pictorial yung team ni Nina.
"Ano?" Natatawang tanong ko. Pero gusto kong isigaw na,

Oo! Oo may gusto ako sa kaniya? Eh ano ngayon?! 

Wala naman akong mapapala kasi wala siyang balak makipag-relasyon kahit kanino. Pero kahit na magkagusto siya, malamang hindi sa'kin. Kasi magkaiba kami. Ibang-iba.

"Huh? Kanino ka makikipag-relasyon?"

Lumingon ako sa nagsalita. Si Nina, nakasunod na pala sa amin. Tapos tumingin kay Joseph.

"Oo nga pre? Sinong gusto mong ligawan?" Natatawang tanong ni Jospeh. Shit, nasabi ko pala nang malakas yung iniisip ko.
"Huh?" Tanong ko at napakamot sa batok. Dumiretso na ko sa kotse ni Joseph. "A-ano?"
"Wow, si Albert, nauutal?" Natatawang tanong ni Nina at sumakay na sa passenger seat. Sa tabi ng driver na si Joseph.
"Mga baliw. Wala yun. Congrats nga pala, Nina." Sabi ko at pumasok na rin. Nagsimula mag-reverse si Joseph. pero si Nina ayaw paawat sa pagtatanong.
"Sino nga yun? Sino naman 'tong unlucky girl na 'to."
Umirap naman ako. "Wala."
"Sus, Albert. Dali na. Para makilatis ko." Sagot ni Nina.
"Para ano?" BIgla naman akong nagka-interes sa sagot niya. "May standards ka ba?"
"Huh? Uh, oo naman. May standards ako para sa lahat ng guy friends ko no. So sino nga siya?"
"Oo nga, Albert. Sino nga yung babae?" 
"Albert, dali na!" 

Iisang babae lang naman ang pumasok sa isip ko nung mga oras na ini-interrogate ako ni Nina.

"Huh, uh...si Beth."

Biglang napa-preno si Joseph sa intersection at lumingon sa'kin. Ang sakit ng ulo ko sa pagkakaumpog sa upuan.
"Anong sabi mo, pre? Si Beth?"
"JOSEPH! ANO BA!" Sigaw ni Nina. "Buang ka ba?! Buti na lang naka-seatbelt ako!"
"Sorry, sorry." Sabi ni Joseph. "Siraulo kasi 'tong si Albert. Nanggugulat."
"Nina, okay ka lang?" Tanong ko. Napahawak naman yata siya sa dashboard at nakaseatbelt siya. Whew.
"Leche! Iuwi niyo na nga ako!" Sigaw ni Nina. "Gusto ko pa mabuhay! Papatayin mo ko nang mas maaga sa ginagawa mo! Uwi na tayo!"
"Huh? Akala ko ba kakain tayo sa labas?" Tanong ko.
"Hindi na! Uwi na ko! Ano ba, Joseph? Tara na!"

Dali-dali anmang nag-drive 'tong si Joseph. Pagdating sa tapat ng bahay nila Nina, lalabas pa sana ako ng kotse pero agad-agad siyang bumaba ng kotse tapos lumakad nang mabilis papasok ng bahay. Wala man lang lingon-lingon o kaway man lang. Lumipat ako sa passenger seat.

"Ano nangyari dun?" Tanong ko. Nag-mani obra naman si Joseph.
"Gago ka kasi eh." Sagot niya.
"Ba't ako!? Ikaw kaya nagda-drive diyan."
"Ewan ko sa'yo. Ang hopeless niyong dalawa."

__________________________________________________________________

Huy Nina.
....
....

Nina? Grabe, seenzone.
Uy Albert.
Okay ka lang?
Oo naman.
Ba't di ka na tumatambay kasama kami.
Busy lang sa debate.
Dumaan ako sa tamabayan ng debate team, wala ka naman dun?
Ah, oo. Minsan kasi nagso-solo lang muna ko. Para focus. Haha
Wala lang. Miss ka na ng barkada.

....
...
Nina? Huyyy. Grabe, nakakaabala ba ko.
Ang breezy mo, Albert. Kairita hahaha
hahaha there she is. That's the Nina I know.
Ewan ko sa'yo. Sige na, mag-aaral pa ko.
Sipag talaga. Yan gusto ko sa'yo eh.
Stop it, Albert.
Huh???
Sige, off na ko. Maaga ako bukas. Bye. See you around.
Teka lang Nina.

Nina has signed off

Shorts (Short stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon