Flint#9

10 1 0
                                    

"Wag mo nga akong kinukulit Jihad!" finals na namin kaya eto ako ngayon nakikipag-date sa notebook ko. Pero hindi ako maka pag concentrate, paano ba naman? Hindi na ako tinantanan ng asungot na ito. Gusto mo naman. Hayy

Inagaw niya sa akin ang ballpen "Sige na! Puntahan na natin ang bagong mall!" kailan pa ito naging madaldal. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Pwede naman nextweek yan. Hindi naman tatakbo yang mall nayan diba?" pagtataray ko. Honestly, mas naging close kami ni Jihad dahil sa pag e-emote namin sa park two months ago. Yes,two months ago simula nung iyakan scene namin and within that two months parati kaming magkasama. Akala na nga ng iba na we're an item. How I wish.

"Ang cute mo talaga magtaray" He laughed habang inaakbayan ako. Ang bango bango niya talaga. Sarap singhutin forever.

Tumayo na ako and fix my things and myself, may exam will start na within 10 min. Mahirap talaga maging maganda. Okay? Hanapin niyo ang connect. Haha

"Hatid na kita missy. At baka manlalake ka pa." tumayo narin siya at kinuha ang pink sling bag ko at siya ang nag bitbit, akalain mo? Hindi siya nahihiya isuot ang sling bag kong hello kitty?

While looking at his back, napaisip ako sa mga actions niya this past few weeks, nagiging sweet siya sa akin. He always calls me late at night hanggang sa matulugan ko siya and he's cool with it naman. Naiinis siya when Juffi the manyakis is around. Ewan ko pero dahil jan, mas lumalalim ang feelings ko sakanya,and its unhealthy. I know its not good.

Lumingon siya saakin habang nakangisi "Ang sexy ko ba? Kanina pa tayo nandito sa harap ng room mo pero nakatitig ka parin sakin." Kapal neto hmp! Kung di lang kita crush. Tsk.

Bigla siyang sumeryoso habang inabot sakin ang bag ko "You won't leave me right?" anyare dito? Bipolar talaga. I just stare at him blankly "Aish nevermind!Pumasok ka na nga missy!" he said while pushing me inside our classroom.

"Wag naman ka mag skip ng classes kasama ang bestfriend mo ha?Malilintikan ka sakin" he just nod in return at sumaludo sakin. Loko.

Dumiretso na ako sa sit ko with a smile on my lips not minding the stares of my classmates. What did you do to me J?

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni Zee "You're in danger"

Yeah, Danger Zone.

Bitches Series #1: Khea Flint [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon