Chapter 3

58 3 0
                                    

Dalawang linggo na ang nakakalipas matapos nilang mahingan ng tulong si Kyle. Sa ngayon ay naghihintay nalamang sila ng balita kung kailan pwedeng makausap ang sinanasabi ni Kyle na paniguradong makakatulong sa kanila. Sabi kasi, hindi ito basta-basta ma tyempuhan dahil parating busy at parating wala sa bansa kaya ang natatangi lang nilang gawin ay maghintay pa. Minsan nawawalan na ng pag-asa si Jill. Naiisip niya din kung itutuloy pa ba niya ang binabalak o susuko nalang siya at maghahanap nalang ng ibang trabaho. Wala rin kasing magawa sina Yena at ang Kapatid niya para mapadali ang lahat kundi ang maghintay at magsalig  nalang.

            Nasa isang bookstore sina Jill at Yena malapit sa Rodriguez Resto nang my napansin ang kaibigan.

            “Jill!” tawag ni Yena. “Halika.” And she Yank her towards the glass window.

            “Bakit ba?” galit na tanong niya rito.

            “Tignan mo ‘yun oh!” turo niya doon sa tapat ng Resto sa may isang magarang sasakyan na may lumabas na isang lalaking naka suit. At tinignan naman niya ito kung saang bandang turo ng kaibigan. “Mukhang si Ron ‘yun ha!” sabi niya rito.

            “Diba nga nasa Australia siya?” takang sabi ni Jill. “Bakit siya nandito?” tanong niya sa kaibigan.

            “Aba malay ko!” at saka hinatak ang kaibigang lumabas ng bookstore.

            “Teka!” pagtitigil niya rito. “Saan tayo pupunta?” tanong niya.

            “Pupunta tayo doon.” Turo niya sa Resto. “Ma tignan nga natin kung gaano ka pogi yan sa personal ng malapitan.” Sabi nito na may halong biro. Hindi na kaagad na tigilan ni Jill ang kaibigan dahil napakalakas ng grip nito.

Nakapwesto sila sa isang table kanina pa pero medyo malayo doon sa lalaking minamasid nila. Ilang minuto na nila ito minamasdan pero hindi pa nila masyado makita ang mukha nung lalaki dahil parang marami ang kausap at parating umiilang-ilang masyado. Pa sempleng minasdan mabuti nila ang mukha nito pero parang hindi pa rin klaro. Na abala nalang sila bigla nung nagsalita yung waiter. “Ma’am can I have your order?” sabi nito. Ibang klase yung waiter nila rito. Hindi lang basta-basta waiter dahil sa suot nito. Magarbo at mukhang mabait pa. Kung hindi pa naidadagdag guwapo rin ito. Mapagkakamalan mo pa ngang mayaman 'yong mga waiters nila rito. Kung hindi lang nasa mission sila ngayon ay kanina pa sila nag pa-cute dito pero dahil tuon na tuon ang atensyon nila ay tumawa nalang sila ng pagak. “Later.” Pagdadahilan nila pero may halong pagpapa-cute rin. Umalis din naman ang waiter at nang ibaling ang tingin doon sa lalaki ay gayon ding papaalis na ng mga ito. Nagpalipat lipat sila ng tingin at tumayo bigla. Dahil mabilis ang paglalakad ng mga ito at talagang malapit lang sila sa exit ay hindi na nila naabutan pa ito.

            “Sayang!” pagkawalang sabi ni Yena.

            “Hayaan mo na.” sabi naman ni Jill. Papaalis na sana sila pero bigla silang tinawag.

            “Girls!” sabi ng isang boses lalaki. Humarap sila para makita yung nagsalita. “Nahahalata ko lang kasi, kanina niyo pa ako tinitignan doon sa loob.” Sabi nung lalaking nasa harap nila. “Bakit?” nakangiting tanong nito. Hindi agad nakapagsalita ang magkaibigan dahil ito yung lalaking kanina pa nila minamasid. Nadissappoint lang sila kasi hindi pala ito yung taong inaakala nila.

            “False alert.” Bulong ni Jill. Nginitian nalang nila 'yong lalaki. Kung tutuusin ay medyo matanda na ito pero mukha pa ring binata sa malayo at parang old version lang nung inaakala nila. Matipuno pa rin kahit matanda na at guwapo pa rin.“Akala po kasi namin kayo 'yong taong inaakala namin.” Response ni Jill. “Pasensya na po.” Sabay sabi nilang magkaibigan na hiyang-hiya.  

My Dream becomes My Reality (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon