Chapter 5

69 3 0
                                    

Buong umaga niya kasama si Kyle para magpaturo nang pwedeng makakatulong sa kanya para sa tasting ng mga dishes niya mamayang hapon.
            “Sigurado ka ba?” tanong ni Jill kay Kyle habang naghihiwa. Nagkukwentuhan kasi sila tungkol kay Ron na umanong magmamana ng kompanyang pinasukan niya. “Kung siya ang apo ng mayari paano nangyari ‘yun kung samantalang magkaiba naman ang apliedo nila ni Mr. Filancio.” Takang-takang sabi niya.
            “Mother’s side, Jill.” Sagot niya. “Mga Filancio talaga ang tutuong mayari nito kaso nga lang nakapangasawa ang anak nito ng isang Austrilian at sa kalaunan ang mga Rodriguez ang nakapagsalbar ng negosyo nila noong muntik nang malubog at dahil doon pinangalan sa asawa ng anak ng mayari ang kompanyang ito ng mamatay.”
            “So ganoon pala ‘yun.” Wika ni Jill. “Pero hindi ko pa rin maintindihan. Ang labo!” napakamot nalang siya ng ulo.
            “Nevermind. Tapusin nalang natin ito at pwede ba, Jill..” sabi niya sa derksyon ng dalaga. “Makinig ka rin sa mga tinuturo ko. Kanina pa ako sasat ng sasat dito pero hindi mo naman nakukuha.” Paglelecture niya. “Makinig ka nga!” singhal niya na pilit kinukuha ang atensyon ng dalaga. Iniulit niya pagkatapos ang paulit-ulit na tamang procedure sa lulutuin nila.

Naghahanda na sila para sa tasting na uumpisahan mga ilang minuto nalang. Nilalapag na niya ang limang dishes na niluto niya sa isang long table sa gitna ng silid. Kinakabahan na siya ng magsidatingan ang ilang taong titikim at huhusga ng mga niluto niya. Nang matapos mailapag lahat ng mga iyon ay dumaretso na siya sa tabi ni Kyle. Nandoon na ang ilang kilalang mga chef sa kanikanilang seat. Mga ilang sandali din dumating na si Mr. Filancio kasama ang tatlong lalaking nakasuit with matching sun glases. Nakangiting nakipagkamayan ito sa mga taong nadoon na.
            “Nandito naman si Mr. Filancio, pero bakit hindi pa sila naguumpisa?” Bulong niya kay Kyle.
            “Wala pa si Ron.” Sagot naman nito. Tinignan niya ang mga tao sa loob ng silid. Nagtatawanan at nagkwekwentuhan sila pero natigil ito ng pumasok ang isang binata. Matangkad, maputi, isang matipunong binata na nakasuot ng isang business suit na agad siyang sinalubong ng mga tao rito. Maging si Mr. Filancio binati siya pero kahit isa sa mga tao roon ay hindi niya man lang nginitian. Bakas sa mukha nito na malungkot siya. Nang maka settle na ang lahat, isa-isa silang nilagyan ng mga dishes sa kani-kanilang plato. Una nilang tinikman ang Mediterranean honey creamy chicken. Dahan-dahan nila ito nginunguya at nilalasap ang lasa. Everybody murmurs with their opinion in the dish. Pangalawa nilang tinikman ang Mud crab with ginger and shallots.  Napatakip si Jill ng kanyang mukha habang sumisilip sa pagitan ng kanyang mga daliri. Iba’t-ibang opinion naman ang kanyang naririnig rito. Kinakabahan siya baka hindi nila ito nagustuhan. Maraming gumugulo sa isip niya at pilit niyang nilalabanan sa pamamagitan ng pagkakausap sa sarili niya. Dahil na din sa mga emosyon na bumabalot sa kaniya hindi niya na namalayan na lahat na sinasabi niya sa utak niya ay lumalabas na pala sa bibig niya. Nahahalata na ni Kyle na parang lumalakas ang boses nito kaya kinuha niya ang kamay ni Jill sa mukha nito at pinagsalikop sa kamay niya. Ngayon magkahawak na sila ng kamay. Nagulat si Jill sa ginawa ng binata. Tinignan niya ang kamay nilang magkahawak. Nahihiya man siyang pumiglas pero mukhang ito siguro ang kailangan niya ngayon. Ang taong nandiyan kung kinakailangan. Iniangat niya ang ulo niya at tumingin kay Kyle na hindi man lang tumitingin sa kanya. Sinasadya niya ba ito o niloloko lang niya ako? Muni-muni niya sa sarili. 
            Sumunod-sunod na nilang tinikman ang ibang mga dishes. Nang matapos tikman ang lahat ng inihanda sa kanila, isa-isa na sila nagbigay ng opinion. Huminga ng malalim si Jill at napahawak ng mahigpit kay Kyle. Tinignan siya ng binata at tinignan niya rin ito.
            Nagkomento na ang dalawang chef na nakitikim sa mga dishes niya at puro positibo at papuri ang komenta nito maging ang limang business partners din ay nasarapan din umano sa niluto nito. Sumunod si Mr. Pabrador.“The first dish was excellent. Perfect ang pagkagawa. You can savor the tenderness of the meat and the sauce… it was delicious. The second through the last, don’t mention it, it was also delicious.” He said while luring every dish. Napatingin siya sa paligid at napakurap kurap. “Now, who am I again?” nagbibirong sabi nito na tinuturo ang sarili. Nagsitawanan din ang mga tao sa silid maliban kay Ron. “Parang makakalimutan ko pa ang pangalan ko sa sarap ng mga dishes mo, hija.” Wika nito na ngumiti sa dalaga.
            Huling nag comment ay si Ron. Bago magsalita ay tinitigan pa niya si Jill mula ulo hanggang paa. Kakatakot naman kung tumingin. Ani sa sarili.
“The first dish to the fourth was good.” Sabi niya sa walang emosyon. “But the last, 'yung Butter-poached Murry and cucumber juice was not quite impressive.” Hindi makatingin si Jill sa binata dahil sa nasabi. “The sauce doesn’t suit with the dish. Masyadong matabang at saka ‘yung plating mo.. parang minadali, hindi maganda ang pagkagawa.” Seryosong pinagmasdan pa rin niya ang dalaga. “Ok naman pero kailangan mo pang e-improve ‘yun.” Wika nito na umiling-iling pa. Nag-usap pagkatapos sila. 

            Tumayo si Mr. Filancio sa kinauupuan nito. “I guess were done here.” Tumingin siya sa mga kasama niya saka sila nag nod. “Jilliana, maari ka nang mag umpisa bukas. Congratulations, hija” Ngumite siya sa dalaga at nakipagkamay. “Dismiss.” Saka siya umalis. Binati pa siya ng ‘congratulations’ ng mga tao roon bago sila umalis. Umalis na din si Ron pagkatapos.
            Nang makaalis ang lahat. Tumawa ng malakas si Jill. Napahagikgik pa nga siya. Parang baliw na tumatawa mag-isa. Tumakbo siya tungo kay Kyle at saka niyakap ito.
            “Ay sorry.” Wika niya ng pumiglas siya sa ginawang pagyakap niya sa binata. Ngumiti lang ang binata. Tumalikod siya saka niya hinampas ang sarili.  Ano ‘yun, Jill? 

Kanina pa siya naghihintay sa kaibigan niya para sunduin pero hindi pa rin sumisipot. Nilalamok na nga siya kakahintay lang sa babaeng ‘yun. Isang black Bugatti Vyron ang huminto sa tapat niya. Nagtataka siya kung bakit huminto ito at saka wala naman siyang kakilala na may ganitong kamahal na sasakyan. Bumukas ang bintana nito. Laking ikinagulat pa niya ng makita ang taong hindi inaasahan. Kahit kalian hindi niya akalain siya ang nasaharap niya ngayon.
            “Pasok!” matapang na utos niya rito. Nagulat siya at natulala nalamang siya. Bumukas ang pinto sa front seat. “Papasok ka ba o hihintayin mo pang buhatin kitang walang malay?” matapang at seryosong sabi nito. Natatakot siya kaya sinunod nalang niya ito.  
            Umupo siya ng tahimik. Tinignan niya lang ito saka siya napayakap sa katawan niya. Biglang lumakas ang tibok ng puso niya. Hindi pa ako ready. Ani sa sarili. Pinagpapawisan na siya kahit ang lakas naman ng aircon sa loob ng sasakyan.
            Napansin siya ng binata. He rolled his eyes. “If I were you I wouldn’t think that.” Wika ng binata habang nagmamaneho. “Pinasusundo ka lang ni lolo dahil doon ka raw magdi-dinner sa bahay.” He pauses. “Kaya pwede ba itigil mo na yang drama mo dahil kahit kalian hindi kita pagiinteresan.” Sabi nito pero masungit pa rin.
            Hindi siya makatingin  sa binata. “Hindi ako nagsabi niyan ha.” mataray niyang sagot saka siya nanahimik hanggang makarating sila sa bahay nito.  

My Dream becomes My Reality (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon