Chapter 2

60 3 0
                                    

“What?” gulat na gulat na sabi ni Yena sa kaibigan. “Are you out of your mind, Jill?” hindi makapaniwalang sabi niya. Balak kasi ni Jill na mag-apply sa kompanya ng mga Rodriguez. At ang una niyang pinaalam ay ang kanyang kaibigan na agad ding sumugod sa bahay nila.

            “Wala naman sigurong masama if I’ll try, d’ba?” napakainosenteng sabi nito sa kaibigan.

            “Wala nga!” pagsasang-ayon nito sa kanya. “Pero, alam mo ba kung anong papasukin mo, Jill?” nag-aalalang tanong niya. Pagkuwan napa yuko nalang si Jill. “Hindi basta-basta makakapasok doon. Alam mo naman ‘yun d’ba?” nag-aalalang sabi niya.  Lahat kasi ng empleyado sa kompanyang iyon ay mga eksprensyado. Mga professional at galing pa sa mga kilalang tao.

            “Kaya nga ako lumapit sayo para humingi ng tulong. Alam ko kasi marami kang kilalang tao na maari din akong tulungan.” Pagbabakasakali niya. Nakatapos si Jill ng Culinary Arts sa isa ring pribadong iskwelahan sa Manila. Kaya mag-aaplly siya bilang isang Chef sa naturing kompanya. Gusto niya rin kasi mapakinabangan ang pinag-aralan niya at sa gayon ay magkakaroon siya ng trabaho at para na din sa kanyang kuya. Wala na kasing mga magulang sina Jill at ang kanyang kuya. Namatay ang kanilang ama dahil sa car accident noong nasa High School palamang siya at ang kanyang ina naman ay namatay sa sakit na cancer at bago pa man din mamatay ang kanilang ama ay maytaning na talaga ang buhay nito. Matapos ng insedenteng iyon ang kuya niya na ang tumaguyod sa kanila at namahala din ng naiwang negosyo ng mga magulang niya.

            Hindi man agad namalayan ng magkaibigan na nakikinig na pala ang kuya niya at bigla nalang ito sumali sa usapan. “Maybe, I know someone.” Suhesyon ng kuya niya. “Siguro pwede niya tayong tulungan.” At lumapit sa kanila at nakiupo sa pagitan ng dalawa at inakbayan ang mga ito. Nakasuot lamang siya ng boxer shorts at walang T-shirt sa pangitaas na halos makikita ang magandang hubog ng kanyang katawan at mukhang kakagising pa lamang nito. Napalipat lipat nalang ng tingin ang magkaibigan at parang gulat na gulat sa narinig.

            “Who?” sabay na sabi ng dalawa pero hindi pa rin makapaniwala. “Woah! Woah, Wait!” pagprepreno ni Yena at tinanggal ang naka-akbay na kamay ng binata. “But first, maybe you should get some shirt on?” sabi niya kay Clif na hindi makatingin sa binata. Jill just smirks at them.

             Clif rolled his eyes saka tumayo nang walang kaimik-imik.  

            Nagsitingin ang magkaibigan at parang nagtataka kung bakit bigla nalang sumali ang kuya niya sa usapan. Hindi sila makapagsalita sa kakaisip at saka din bumalik ang kanyang kuya na ngayon ay may pang itaas na. Isang malinis na Hanes T-shirt.  

            “He is one of my customer and my friend too at nabanggit niya na nagtratrabaho siya sa Rodriguez company.” Seryosong sabi niya rito. “And I just heard that one of you would like to apply to that company too.” Napangiting tingin siya sa nakababatang kapatid. “Is it you my little princess?” malambing na tanong niya habang ginugulo ang buhok nito. Parang bata kasi kung ituringin niya ang kanyang kapatid at si Jill nalang ang natitira sa kanya kaya pingangalagaan niya ito.

            “Sana kuya eh!” inayos niya ang ibang hibla ng buhok na nakaharang sa kanyang mukha at ngumiti sa kapatid. “But do you know how to contact him or saan pwede siyang puntahan?”

            “Of course!” masiglang sabi nito. “I always get contact to all my customers. And that’s one of the requirements in the business, dear.” He smirks.  

            “So what are we waiting for? Lets go!” nagmamadaling sabi ni Yena. Clif give her a glare.

Papunta sila ngayon sa sinasabing kaibigan ni Clif at siya na din ang nagprisinta na ipag drive sila at sa gayon ay masasamahan ang kapatid. Kung hindi pa naibabanggit, Clif was a daredevil. Kaya nga pinrsue niya ang pagiging race car driver dahil ito ang hilig niya. Nakagawian na nila ito noong buhay pa ang ama nila. There father was a race car driver too noong kapanahunan pa niya. Actually, ito na rin ang naging hanap buhay nila at nang makalaunan nakapagpatayo ng isang race car field at nagbebenta ng mga sasakyan pangkarera. Ito na ang negosyong pinamamahalaan ngayon ni Clif. Nanalo na din siya ng karera sa iba’t-ibang bansa at tinagurian na bilang isa sa mga pinakamagaling at pinakabata na race car driver sa mundo. Si Jill naman hindi niya ito hilig dahil matakutin at masyadong nerbyosa kaya kahit kailan hindi na muli nagbabalak pang matutu ng pag dra-drive dahil doon sa pagka-aksidente ng ama.

            Nakarating na din sila sa bahay ng nasabing kaibigan at papalabas na sila ng kotse. Napakalapad ng gardin at napakaganda rin ng bahay nito. Two stories wooden craft style ang uri ng bahay. Puro mga antique ang mga gamit mula labas hanggang loob. The maids are wearing all same clothes na sabay-sabay silang binati. Mukhang hindi bahay kung tatanawin mukhang isang mamahaling hotel ito.

           “Clif!” isang lalaking boses ang agad sumalubong sa kanila. Matipuno at gwapo ang binata.  Mukhang mabait ito at handang tumulong. “What brings you here?” tanong nito.

           “I need you’re help, Kyle.” Mahinahong sabi ni Clif. Napangiti lamang ang binata at agad din napatingin kina Jill at Yena. “Oh, I’m sorry. This is Yena.” Turo niya sa dalaga. “Jill’s bestfriend.” Ini-abot nito ang kamay at hinalikan ang ibabaw ng kamay ng dalaga. She froze. Nabigla siya sa ginawa ng binata. “And, this is Jill.” Turo niya sa kapatid. “My sister.” Nginitian niya ito at inilahad ng dalaga ang kamay niya and the same he did with Yena’s hand. He kisses the top of Jill’s hand. Pilit ding ngumiti si Jill. Pagkuwan ay nagsalita pa si Clif. “She is the one who needs your help, brother.”

           “Umupo muna kayo.” Pag-aalok niya sa mga bagong dating na bisita. Nang makaupo na ang bisita ay agad ding nagsalita ang binata. “Anong pwede kong maitulong sa ‘yong magandang kapatid?” tanong niya at napangiti kay Jill.

          “She wants to apply in the Rodriguez company kung saan ka nagtratrabaho ngayon. Maari mo ba siyang tulongan maipasok doon?” diretsahang sabi ni Clif. Bigla nalang nagulat ang binata sa sinabi nito.

            “Alam niyo mahirap ang hinihiling niyo. Pero ano ba sana ang aapply-an mo?” tanong nito.

“Bilang chef.” Nahihiyang sabi ni Jill.

       “I maybe chef there.” lumaki bigla ang mata ng magkaibigan. “Pero hindi ko kayo matutulungan. I’m sorry.” Malungkot na sabi ng binata. “Maraming basihan ang kinakailang para makapasok ka. Isa na doon ang sapat na experience. Tell me, naka-experience kana ba na magluto sa isang pribadong restaurant? Any achievements in culinary?”

        “Wala.” Nahihiyang sabi niya. “But I graduated as culinary arts. Hindi pa ba sapat yun?”

“No. I’m Sorry.” biglang nalungkot si Jill.

        “Wala ka na bang pwedeng magagawa, Kyle?” pagbabakasakali ni Clif.

“Maybe I can’t.” ngumiti ito na parang my kahulugan. “But I know someone who will, with just a snap of a hand.” Nagkaroon ng pag-asa si Jill dahil sa narinig niya.  

My Dream becomes My Reality (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon