Prologue

223 4 4
                                    

Prologue

 “Wow!” ang tanging salitang paulit-ulit na binabanggit ni Jill. Kanina pa siya namamangha sa mga nakikita niya sa lugar na mala-enchanted ang ganda. May mga magagandang bulaklak na amoy perfume, mga nag-aawitang mga ibon, magagandang tugtugin na hindi niya alam kung saan nanggagaling. Pero sa tinagal-tagal niya sa paglalakad ni isang tao ay wala siyang makita. ‘Yung parang siya lang ang tao sa lugar na iyon. Ni hindi niya nga alam kung hanggang kalian siya dadalhin ng mga paa niya sa naturing lugar.

            Sa laking gulat niya may biglang lumabas na mga nagagandahan at nagku-kutang mga bata sa kani-kanilang nagkikintabang mga damit. Agad siyang pinalibutan ng mga ito at sa hindi niya akalain bigla nalang nagbago ang kanyang itsura. Ang kaninang jeans at white T-shirt niyang suot ay napalitan ng isang maganda at kumikinang na kulay puti na mahabang damit at isang pares ng sapatos. Ang kanyang nakapisod na buhok ay ngayon nakalugay na. Biglang napahagikgik ang mga bata at sa gayon ay ikinataka niya. Lumapit sa kanya ang isang bata na siyang pinakamaliit sa lahat ng mga kasamahan nito na nakasuot ng kulay pink na damit at may magandang kulay chokolate ang buhok. Iniabot sa kaniya ang isang salamin at kaniya din itong kinuha. Tinignan niya ang kanyang itsura dito at hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Hinawakan niya ang kanyang malambot na mukha at napangisi. Tinignan niya ang mga bata na tuwang tuwa din. Iginiya siya ng mga bata upang maglaro.

            Nakaupo si Jill sa damuhan na pinapalibutan ng mga puting bulaklak. Sinusubukan ni Jill na kausapin ang mga bata pero hindi siya sinasagot ng mga ito sa halip ay tinitigan lang siya ng mga ito na blanko ang mukha at balik din kaagad sa paglalaro. Na parang sinasabi din sa kanya na wala ding saysay ang kanyang pagtatanong. Tinitigan niya lang ang mga bata na tuwang-tuwa sa paglalaro. Napahinto ang mga ito sa kanilang ginagawa at lumapit sa kanya ng nakangiti pa rin. Iniabot ng mga bata ang kanilang kamay sa kanya at tinanggap din ito ni Jill. At sa pagtayo niya ang malapad na lugar na punong-puno ng mga bulaklak na kanina ay pinaglalaruan ng mga bata ay naglaho. At sa paglaho ng paligid ay sa gayon ay unti-unti ding pagkawala ng mga bata. Pero bago ito mawala ngumiti ang mga ito ng pagkatamis-tamis sa kanya. Napangiting pilit din si Jill.  At ang lahat ay natabunan na ng usok.

            Sa unti-unting pagkawala ng usok ang lugar ay naging mistulang isang parke. May dalawang swing ang meron, isang street light sa malapit at kaunting mga bulaklak sa paligid. Napatingin siya sa kanan, sa kaliwa at pinag-aralan ang paligid. Hindi naman masyado nakakatakot ang lugar kung tutuusin ay parang romantic pa ang site dahil sa papalubong palang ang araw.  Bigla din niya nakita ang isang binata na nakasuot ng suit na umuupo sa isang swing. Lumapit siya doon at umupo din sa kabila. Kinakabahan siya kung kakausapin ba niya ito o hindi. Tinitigan niya lang ito ng mabuti at napatingin din sa kanya ito at nginitian siya.

Hindi maipaliwanag ni Jill ang kanyang nararamdaman nung ngumiti ang binata sa kanya. Makikita mo sa binata na talagang isang matipunong lalaki ito. Gwapo at may isang genuine na ngiti. Bigla nalang napatulala si Jill sa binata na ngayon ay nakatayo na sa kanyang harapan. Tinitigan din lang siya mabuti ng binata at nang mapansin ni Jill agad din ito umiwas ng tingin. Napa-chuckle ang binata at agad din bumalik sa kabilang swing. Naiinis ng kaunti si Jill kung bakit tumawa ito ng ganoon. Hinaharap niya ito. “Hoy! Bakit ba?” matapang man ang tuno pero ang totoo nahihiya din. Hindi siya sinagot ng binata kundi tinawan lang siya nito. Napatahimik nalang ang paligid at sabay nalang nila tinitignan ang papalubong na araw. “Jill..” tawag ng binata sa kanya sa isang low and husky voice. Naplingon siya sa direksyon nito. “Bakit? Bakit, mo alam pangalan ko?” sabi ni Jill sa mahinang boses. Nginitian lang siya ng binata at binaling ang tingin sa papalubog na araw.

            “Teka! Saan ka pupunta?” tanong ni Jill sa binata naang tumayo na at nagsimulang humakbang na mayhawak ng isang puting bulaklak na iginiwaygiway niya habang naglalakad. Akmang tatayo din sana siya pero bigla niyang nakita na napataas ang isang kamay ng binata kung saan nakalagay ang bulaklak at saka winagayway niya ito na nangangahulugang paalam. Bago pa maglaho may sinabi pa sa kanya ang binata. “Magkikita pa tayo, Jill!” ang huling salita na narinig ni Jill sa kanya. At ang paligid ay nagdilim na. Parang nag-e-echo pa sa kanya ang pagtawag ng binata sa kanya ng kanyang pangalan.   

My Dream becomes My Reality (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon