Chapter 4

61 3 2
                                    

Kyle closes the door as he went and walks through towards Yena and Jill who are nervously sitting near the office. “He wants to talk to you.” sabi ni Kyle na nakatayo sa tapat nila nang nakapanghimulsa. Sa kasalukuyan ay nasa building na sila ng sinasabing taong makakatulong sa kanila. Kinakabahan si Jill ngayon pero kailangan niyang tatagan ang loob niya. Tumayo na siya at bago pa sila makapasok ay tinawag pa siya ng kaibigan at sinenyasan na 'kaya mo 'yan.' 

            Pinagbuksan ni Kyle si Jill at saka sila pumasok. Malaki ang upisinang ito kumapara sa ibang mga kwarto na dinaanan nila. Kinabahan si Jill ngayon at parang nanginginig nginig na dahil sa tension. “Sir, she’s here.” Sabi ni Kyle. Hindi kaagad niya nakita ito dahil nakatalikod kasi ang isang black leather swivel chair kung saan ito nakaupo. Mas lalong kinabahan si Jill ng unti-unting humaharap ang upuan. Laking gulat niya na ang makita niya ang matandang na meet nila kahapon. Parang nadikit 'yong mga paa niya sa sahig at hindi tuluyang nakapagsalita.

            Hindi na nagulat ang matanda dahil alam niya na kasi na si Jill ang tutulungan nito umpisa pa lamang nung tinawagan siya ni Kyle kahapon at nung mabasa ang sinambit na papeles sa kanya. Hindi niya lang pinaalam kay Kyle na kilala niya na ito. Nung nalaman niya kahapon nagulat din siya noon pero natuwa din at the same time. Nung mag-usap nga sila kahapon parang ang gaan gaan na nang loob niya dito at parang may naalala lang siya sa katauhan ni Jill. “Hija.” Natutuwang sabi nito na lumapit sa kanya. “What a small world we have here.” Pagmamaang-maangan niya. Hindi man inaasahan ni Jill but he gave her a warmth hug. Na para bang isang kamag-anak na matagal nang hindi nakikita.

            Hindi rin makapaniwala si kyle. “Do you already know each other?” takang-takang tanong nito.

            Tumingin ito sa kanya. “Actually, just yesterday.” Sabi ng matanda. “Hindi mo naman sinabi na si Jilliana pala itong tutulungan ko.” Pagmamaang-maangang sabi nito at ngumiti. “Nabanggit ni Kyle na gusto mong mag-apply dito bilang isang chef.” Na bumalik sa upuan niya at umupo din ang dalawa. Jill nod. “Natignan ko na rin ‘yung résumé mo na binigay ni Kyle kanina lang.” napaisip ito. “Wala kang ngang experience dahil kakagraduate mo pa lang but, we can work with that at siguro naman nakapagluto ka na rin ng iba’t ibang dishes d’ba?” tumango tango lang si Jill. “Therefore, I have a one question for you.”

            “Ano po ‘yun?” kinakabahang tanong nito. Hindi purket na nakilala niya na ito ay magiging madali na ang lahat. Hindi pa naman niya gaano kakilala ito at isa pa kahapon niya lang na meet ito.

            “Do you think you deserve to hire?” seryosong tanong nito.

            Jill gulped. Hindi man agad makapagsalita dahil kabado pero gagawin niya ang lahat para lang mapatunay na karapat dapat siyang e-hire. “Maybe I have no experience after all but, within me..” Paguumpisa niya. “I deserve to hire.” Deretsahang sabi nito. She sounds more bravado when she says it. “Hindi ko naman po sinasabi sa inyo ito para lang mapilitan kayong tanggapin ako but I’m being honest here. ‘Yan po kasi ang opinion ko at ang pinaniniwalaan ko, that I deserve it. Wala man ho akong maipagmamalaki sa inyo ngayon dahil baguhan pa lamang po ako pero malay ninyo I can be better. This could be my one step forward to have a job on my own. Eto po ang gusto ko eh, ang maging isang chef sa isang kilalang Restaurant na kabilang sa isa sa mga kilalang group of companies sa mundo. At sigurado ako matutuwa ang mga magulang ko kung sakasakaling matanggap po ako rito. I can’t be like the others who are truly all professionals and noble but I do my best to become one. Mapag-aaralan ko rin po ‘yan na sa gayon hindi niyo pagsisisihan na tinanggap niyo ako.” Kanina kinakabahan siya pero ngayon nawawala dahil siguro na sabi niya na ang dapat masabi.

            Ngumiti ang matanda. “Such a long speech you have there.” pagbibiro niya at napatawa din si Jill. “You’re a conceited one but in an honest way. I can see potentials in you, hija.” Sabi niya. “And I don’t doubt it.” He pauses. “Hindi na ako magpapasikot-sikot pa..” he gave her a meaningful smile. “You’re hire.” Tumayo siya and he extend his hand. Jill shook it. “Salamat po.” Natutuwa din si Kyle para kay Jill.

            “Bukas na bukas din tuturuan ka ni Kyle sa mga kailangan mong malaman.” Tumingin siya kay Kyle. “And tomorrow afternoon din kaagad ang unang tasting ng mga dishes na ikaw mismo ang magluluto para malaman namin kung hanggang saan ang makakaya mo.” Ngumite siya kay Jill. “Sa susunod na araw, kung handa ka na, you may start.” Wika niya na naging seryoso.

              “Salamat po.” Wika nito while she extending her hand and he shook it. “I won’t let you down, sir.”          

            Nauna na si kyle sa kanya para puntahan si Yena na naghihintay sa kotse. Nagpaiwan pa kasi siya para mag CR pero bago man lang umalis ang binata ay hindi niya man lang naitanong kung saan ang comfort room doon sa building. Nagkaligaw-ligaw siya tuloy kakahanap kung saan yung CR nila. Dahil kanina pa siya naghahanap at napapagod na siya bumaba at umakyat ng hagdan, ay ngayon niya lang naalala na may elevator pala ang building na ‘yun. Minsan kasi dahil sa sobrang tension niya ng ilang oras nalilimutan niya na din ang mag-isip ng tama. Stupid ka talaga, Jill. Sabi niya sa sarili. May pumasok na isang binata doon at dahil nagmamadali na siya na baka sumira na 'yong elevator ay tinakbo niya ito at hinarang niya yung isang paa niya sa elevator. Pumasok siya doon. Dalawa lang sila sa loob ng elevator at baba ngayon ito sa ground floor. Pasempleng tinignan niya 'yong binata. Tatanungin niya sana ito pero nung napatingin din ito sa kanya parang na immobilize bigla siya. “gwapo.” Mahinang sabi niya. “What did you say, miss?” tanong nung mala Astrilianong binata while grinning. “Ah, este!” natauhan bigla siya. “Nasaan ‘yung cr niyo dito?” tanong niya nangingiti-ngiti nalang. Bumukas na ‘yung elevator at lumabas na sila. “Just go straight then turn left and make a straight walk again and afterwards you can already see a sign there.” Nagpasalamat siya dito at tumakbo bigla papunta doon.

My Dream becomes My Reality (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon