Chapter 23 : New Hairstyle?

198 7 2
                                    

Kent’s POV

Tuesday na!!!

Stress parin sa Culminating Activity, pero okay lang kasi second prize naman kami sa Class Competitions

Tinalo yung Pro-Wrestling Show namin ng Cosplay Café ng Section 4-A

Sayang pero ok lang naman kasi panalo kami sa Miss High School kase nga si Sab ang nanalo, at kami rin ni Macy ang nanalo sa Campus Run

Haaiisstt!!

papasok na kami ni Sab sa school nang

(O.O)à expression namin ni Sab

Maraming tao yung nagkukumpulan sa harap namin, parang may pinagkakaguluhan

May away ba?

May ramble ba?

Edi todo silip kami ni Sab kung ano yung nangyayari dun

Nung nakita na namin ni Sab yung nangyayari

(O.O) à Expression ulit namin ni Sab

Nakita namin si Ms. Adviser na may dalang pangkulay ng buhok

Itim yung hawak niyang pangkulay, habang hawak ng dalawang estudyante sa harap niya yung lalaking may glasses, may kulay yung buhok , kulay yellow yun na may pagka gold

Mukhang pinipigilan ng dalawang estudyante yung may kulay ang buhok na umalis kasi kukulayan ni Ms. Adviser ng itim yung buhok niya

“Josh!!, ano bang nangyayari sayo?” sigaw ni Ms. Adviser

What??

Si Josh yung may kulay ang buhok?

“Ma’am, di niyo ko naiintindihan!!, pakawalan niyo kasi ako, AAARRRGGHHH!!!” sabi ni Josh

Gustong kumawala ni Josh sa dalawang lalakeng may hawak sa kanya pero mukhang malakas yung pwersa ng dalawang lalake

Tumingin ako kay Sab, nakita kong malungkot siya at may galit sa mga mata niya

“Josh, bilang Student Council Vice President , huwag kang magpakita ng ganitong asal sa loob ng Campus!” sigaw ni Ms. Adviser

“Di na naman ako tatakbo sa upcoming election eh, ayoko na maging ……….. PRESIDENT NEXT YEAR!!!”  sabi ni Josh

Nagulat ang lahat sa sinabi niya

Siya lang kasi yung inaasahang tumakbo sa Upcoming Election, at lahat ay gusto siya maging President, kaya anung mangyayari kapag di na siya tumakbo?

Binitawan ng dalawang lalake si Josh, tumakbo si Josh palabas ng school, walang nakapigil sa kanya nung mga oras na yon

Gulat ang lahat sa asal niya ngayon, at walang may alam kung bakit siya nagkakaganon!

“Everyone, back to your own classrooms!” sabi ni Ms. Adviser

Pumunta na kami ni Sab sa room namin , kita ko yung  gulat sa mata ni Sab, di siya makapaniwala na nagkakaganito si Josh

*********************

Morning Announcement na  mula kay Ms. Adviser

“Class, for all we know, the election for the next Student Council President will be coming, alam naman natin kung sino yung tatakbo diba!” sabi ni Ms. Adviser

Tumingin kami lahat sa desk ni Josh, as usual, absent ngayon si Josh kasi nga tumakbo siya kanina

“I don’t know kung anong nangyayari kay Josh, pero sa tingin ko may problema siya, kaya Ms. Sabrina and Mr. Kent, come with me to the guidance office!” sabi ni Ms. Adviser

Enemies turned into -- What???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon