Sabrina’s POV
Tapos ko ng puntahan si Macy sa kanila
Napilit ko na din siyang pumunta sa Christmas Party
Ewan ko kung bakit pero ang lungkot lungkot ko pa din
Asa bahay ako ngayon, tinitingnan ko yung Christmas tree ko na halos tatlong dangkal lang
Ganito palagi ang Christmas ko
Mag-isa, mag-isa at palaging mag-isa
Nakaupo ako ngayon sa sofa ko, wala na kong balak na pumunta pa sa party
Kasi kahit andun ako ramdam ko padin ang lungkot
Inangat ko yung suot kong scarf na nasa leeg ko papunta sa mukha ko
Pinikit ko yung mga mata ko, habang dinadama yung lungkot ng buong paligid
Magiging mag-isa ako
Palage,…
*******************
Bata pa ko nun
Natutulog ako sa sala kasi binabanatayan ko yung pagdating ni Santa
Hanggang sa may nakita ako sa bintana
Anino ni Santa
Kinawayan niya ko, namngaha ako sa mga nakita ko nun
Inabot niya sakin yung regalo niya, yun yung star na crystal
Tinago ko yung star na yun sa loob ng bag ko
Di ko makakalimutan yung mga pangyayaring yun
Yung mga oras, na sa kaunaunahang pagkakataon
Natupad yung hinihiling ko
***************
O.O
BOOM BOOM BOOM
Nagising ako sa malakas na pagkalabog
Panganip lang pala yun ng nakaraan
Tumayo ako, pumunta ako sa kusina tapos kinuha ko yung kutsilyo
Asa kuwarto galing yung kalabog
BOOM BOOM BOOM
Hawak ko yung kutsilyo ng mahigpit
Pagbukas ko ng pinto
Walang tao
BOOM BOOM BOOM
Asa bintana ang kalabog
Natatakpan ng kurtina yung bintana namin
Dahan dahan akong lumapit sa bintana
Hawak ko ng mahigpit yung kutsilyo
Paghawi ko ng kurtina
O.O Wooaahh!!
Napaatras ako at halos mapatumba sa nakita ko
May isang bear, na nakasuot ng pang santa claus costume
Yung bear na may suot na hat ni Santa, may scarf, may mittens, may vest at may sapataos na parang si Santa
BOOM BOOM BOOM
Ngayon ko lang napansin na humihingi ng tulong si Bear Santa na papasukin siya, kanina pa kasi siya nakasabit sa bintana ko
Binuksan ko yung bintana tapos hinila siya papasok
BINABASA MO ANG
Enemies turned into -- What???
Teen FictionYung pinakamasakit gawin ay yung ipagparaya yung taong mahal mo sa bestfriend mo,, Read the story how do enemies conquer the world of love and friendship!! ^__^