Chapter 28: Broken Star

127 5 0
                                    

Kent’s POV

Nag-aayos ako ng Christmas Tree

Naglalagay ng Christmas Lights sa isang tree

Tingin ko magiging maganda ang party dahil sa designs sa buong Gymnasium

Nung lumayo ako para tingnan sa malayuan ang Christmas Tree, isa nalang ang kulang

Yung star sa pinakamataas na Christmas tree

“Josh eto yung star na sinasabi ko sayo” Sabi ni Sab kay Josh sabay abot ng isang box

Nung binuksan ni Josh yung box, lumantad samin yung isang crystal na star

Makikita mong mamahalin yung star dahil sa pagkinang nun

“Yan yung una kong hiniling kay Santa nung bata ako” sabi ni Sab habang nagmamayabang

“Para namang napakamamahalin nito Sab, huwag nalang kaya, sayang kase e!” sabi ni Josh

“Mas sayang naman kung di ko yan magagamit, maliit lang kase yung Christmas tree ko sa bahay kay di rin yan kasya” sabi ni Sab

“Sigurado ka?”

“Oo naman!” sabi ni Sab

Ewan ko lng pero parang di na nahihiyang lumapit si Sab kay Josh

Simula nung nangyari kase sakanila ni Cassiopeia, nag iba na talaga si Sab

“Oy, ilagay niyo na tong star sa taas!” utos ni Josh sa mga klasmeyt naming di gumagalaw

Kumuha sila ng hagdan para ilagay yung star sa taas ng Christmas Tree

Ngayon ko lang napansin na wala dito si Macy

Enemies turned into -- What???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon