Time Check – 2:30 am
Nagising ako sa ingay sa may sala,,
Wala si mama ngayong gabi kasi midnight shift siya sa trabaho niya,,
Edi ako lang mag-isa at titingnan ko kung anung meron dun sa labas
Pag labas ko
BBBBBBBBOOOOOOOOOMMMMMM!!!!!!!!
May pumalo sakin,,isang samurai stick,,pero naiwasan ko yun
May magnanakaw ba na pumasok??
Binuksan ko yung ilaw sa sala
“Sa—Sa—Sabrina???bat ka andito??”
Si Sabrina,,na may dalang samurai stick
“Ngayong nabasa mo na ,,mas mabuti pang mamatay”
“Ano??tungkol ba to doon sa love letter??”
“wag mo ng ipaalala!!!!”
Shemay na corner niya ko,,at nakatutok yung samurai stick sa mukha ko
“teka,,”
“ganito nalang,,tutusukin ko nalang yung ulo mo para wala ka ng maalala,,okay ba yun??”
Nakikita ko yung mukha niyang galit at mukhang seryoso sa gagawin niya
Nilalayo na niya yung Samurai Stick sa mukha ko,,mukhang kumukuha ng pwesa
“teka,,,wala siyang—“
“any last words??”
“wala siyang”
“eto na!!!!yyyyaaaaaaaahhhhhhh!!!!!!!!!!”
“wala siyang laman!!!!!!”
Napatigil siya sa sinigaw ko
“oo,wala siyang laman,,nasa sobre lang siyang pink na may heart pero wala dun yung sulat” sabi ko
biglang
GGGGGGGGGUUUUUUUURRRRRRRRRPPPPPP!
Tumunog yung sikmura niya
“gutom ka ba??”
**
Pasalamat tong babaeng to,,
Pinagbantaan na yung buhay ko,,nakuha pang makikain dito,,trespassing pa yun ah!!!
“Salamat!!!” sigaw niya
“Wel---“
“di ako nagpapasalamat sayo no!!!nagpapasalamat ako sa katangahan ko,,buti nalang hindi ko yun nabigay kay Josh kundi mapapahiya ako”
“wow ah,ang kapal talaga ng pagmumukha mo!!pinakain na kita wala ka pang ganang magpasalamat!!”
“sabihin na nating kalahating bayad mo na to sa gown na nasira mo k?”
Oo nga pala,,mas okay na pinakain ko siya kesa bayaran yung gown niyang gawa DAW sa England
“teka,,pano ka nakapasok?”tanong ko
“dumaan ako sa bintana niyo,,sira pala kaya madali ko lang na nabuksan” sagot niya
“oh eto na yung pinggan ko,,hugasan mo na!!!” utos niyang pasigaw
“wow ah!!!bat ako maghuhugas niyan??kaw dun,,!!!” sagot ko
“gusto mong pabayaran ko sayo yung gown?”
Naku naman!!!ipapang blackmail pa ba niya sakin yung gown niya??
“akin na nga!!!” sabay kuha sa pinggan niya
Hinuhugasan ko na yung pinggan ni Madam!!
“Hoy Sabrina,,alam mo ba,,pag magtatapat ka ng pag-ibig,,dapat sa personal,,hindi yung sa love letter” payo ko
“maka advice ka naman!!akala mo naman nagtapat ka na sa iba” sagot niya
“kaya nga pinapayuhan kita,,kasi sa sobrang torpe ko,,hindi ako nakapagtapat sa crush ko” sabi ko sa kanya habang naghuhugas pa rin ng pinggan
“Macy Regalia” sabi niya
“oo,,gaya ni Ma--,,,ano????”
Paglingon ko,,binasa niya pala yung nasa likod ng note book ko,,andun kasi yung pangalan ni Macy,,naka lettering,,ganun ako pag walang ginagawa eh
Napahinto ako sa paghuhugas,,pinuntahan ko siya sabay kuha ng note book
“Akin na nga to,,pakealamera kasi eh!!” sigaw ko sa kanya habang binabalik yung notebook sa bag ko
“Ayie,,kay Macy ka pala ah!!” asar niya
“Wag mong sasabihin yan ah!!secret lang!” sabi ko
“bat di ko sasabihin??bestfriend ko siya at nagsasabihan kami ng secrets” sabi niya
“edi sasabihin ko rink ay Josh na gusto mo siya” sabi ko
“edi sabihin mo,,gusto ko pa ngang sabihin mo eh” sabi niya
“Sabrina!!!,,wag mo yang sasabihin,,”sigaw ko sa kanya,,
“sasabihin ko,,,” asar niya
“naman!!!Sabrina,,wag mong sasabihin,,gagawin ko ang lahat” sabi ko
Napahinto siya at mukhang nagiisip
“sige,,di ko sasabihin,,basta ilalakad mo ko kay Josh” sabi niya
“sige sige,,”
“tsaka susundin mo lahat ng pinaguutos ko” dagdag niya
“ano??bat ko gagawin yun?” sabi ko
“kasi pag di mo yun ginawa,,sasabihin ko kay Macy na gusto mo siya” sabi niya
“sige na nga,,basta pag naging kayo ni Josh,,ilalakad mo rin ako kay Macy” sabi ko
“Sige!!!” sabi niya sabay abot ng kamay sakin
“sige!!Deal!!” sabi ko at nakipag shake hands sa kanya
Nakakatakot yung tingin niya habang nagshashake hands kami,,mukhang may masamang balak,,
“sige alis na ko,,oo nga Aso na tawag ko sayo,,sige babye!!!Aso!!” sabi niya habang naglalakad papunta sa pinto
BINABASA MO ANG
Enemies turned into -- What???
Novela JuvenilYung pinakamasakit gawin ay yung ipagparaya yung taong mahal mo sa bestfriend mo,, Read the story how do enemies conquer the world of love and friendship!! ^__^