Chapter 24 : Hair dying - FAILED!

138 5 0
                                    

Kent’s  POV

Papasok na kami ni Sab ng school,

Anung nangyari kanina??

FLASHBACK

“Ngayon na!!” sigaw ni mama

Hinawakan ko si Josh ng mahigpit sa braso niya, si Sab sa kabila

“Ano ba? Kala ko ba mga kaibigan ko kayo?” sigaw ni Josh habang nagpupumiglas

“Pasensya na Josh, kailangan naming gawin to para sa kinabukasan mo.” Sabi ni mama habang palapit kay Josh na hanggang ngayon ay nagpupumiglas

Nakita ko si Sab na nahihirapan na, di na niya ata kayang pigilan si Josh

“Mabilis lang to,” sabi ni mama

Biglang nakawala si Josh sa pagkakahawak ko, dun ko  napansin na nabitawan na pala siya ni Sab.

Biglang tumakbo si Josh palabas ng bahay, sa mga pagkakataong yun di na namin siya hinabol.

END OF FLASHBACK

“Panu yan? Pano natin mababago si Josh?” tanong sakin ni Sab

“Walang makakapilit sa kanya pwera lang sa gusto niya” sabi ko

“Alam ko na!!!!” sigaw ni Sab

******************************

Papunta kami ngayon ni Sab sa Office, ewan ko kung anung gagawin niya.

Pagpasok naming sa office, nagulat ako sa ginawa niya,

Kumuha siya ng President Election Form,

O.O tatakbo siya?, bilang president?

“Wag mo sabihing tatakbo ka?” tanong ko sa kanya

Bigla niya kong tinitigan ng masama

“May utak ako, alam ko ang gagawin ko” sabi niya sakin sabay irap

Nagsusulat na siya ng pangalan niya sa form

“Seryoso ka ba? Walang boboto sayo tanga!” sabi ko

“Yun nga eh, ako lang naman ang tatakbo…. kapag ginawa kong masama ang image ko sa iba, pipilitin nila si Josh na tumakbo, kaya mapipilitan si Josh na tumakbo!!, sinong tanga ha?” sabi niya

“Pano kapag hindi napilit si Josh” sabi ko

“Anluwang na din ng turnilyo ng utak mo no? Mahal ni Josh ang school na to kaya bat niya pababayaang masira to? Diba? Haist!!!, tanga mo!” sabi niya

“Ako na tanga!,” sabi ko

Nung natapos na siyang magsulat ng form, binigay niya na  Yun sa SSG Adviser

“Bukas maguumpisa ang kampanya, goodluck Ms. David!” sabi sa kanya ng SSG Adviser

Lumabas na kami ng Office, sa Friday ng 5:00 ang huling pasahan ng form, at bago yun, dapat mapasali na namin si Josh

********************************

Kinabukasan…

“Sa lahat ng boboto sakin!!” sigaw ni Sab sa taas ng stage, Nagulat ang lahat dahil sumali siya sa election.

“Lahat kayo dito!!” sabay turo sa mga estudyante

“Lahat kayo dito, matitikman niyo ang IMPYERNO!!!!” Sigaw ni Sab

Enemies turned into -- What???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon