Dumating yung araw na hindi na ako pinapansin ni mama kung hindi ko sya iimikan…
Para na kong invisible sa paningin nya…
Madaming na kong contest na sinalihan…
Pero ni isa hindi nya ko pinuntahan…
Lagi kng sinasabi na pupunta sya…
Pero hindi sya pumupunta…
Lahat ng contest nay un sa kanya ko dine-dedicate yun…
Sa bawat contest na sasalihan ko…
Sya ang inspirasyon ko…
Sya lang ang nasa isip ko…
Ngayon…
Makiki quiz bee kami ni jam. Dahil kami ang napili.
“best okay ka lang?”
“oo best okay lang ako” I said
“gagalingan natin best para sa school natin :))” Yeah kami mag re-represent ng university namin…
“aanhin ko ang karangalan kung ang mama ko hindi ako kayang ipagmalaki… tingnan mo andito pa mama mo para suportaha ka pero si mama ko? Wala”
“best isipin mo para sakanya to… diba para ipgmalaki kanya”
“oo” yun nalang nasagot ko… lahat ng karangalang nakuha ko… trophies… medals… certificates… even cash nasa kwarto ko lahat pero hindi pa nakikita ni mama dahil kahit kaylan hindi na nakuha ni mama ang pumasok sa kwarto ko para kamustahin ako…
Nag start na ang quiz bee… nanalo kami… proud na proud yung mama ng betsfriend ko naiinggit ako dahil kahit nasaakin na lahat… wala naman na si mama…
Umuwi ako sa bahay kasama ng karangalang naiuwi ko…
Nakita ni mama iyon dahil kadadating lang din nya pero tiningnan nya lang ako… at umalis na agad agad… gusto kong sabihin
‘ma. Nanalo ako kanina sa contest… ma. Para po sayo to. Ma madami pa sa kwarto ko para po sainyo yun lahat. Mama alam nyo miss na miss ko na kayo.’
Hindi ko masabi dahil umalis sya agad umakyak na ako sa kwarto ko umiyak…
Ni minsan hindi na ako nagawang yakapin ni mama…
Parang ang layo layo na nya saakin…
Hindi na sya yung dating mama ko..
Hindi na sya yung isa pang best friend ko maliban kay jam.
Habang pinagmamasdan ko yung mga karangalang naiuwi ko…
Napapaiyak nalang ako…
Bakit hindi na proud si mama saakin???
Wala naman akong ibang ginawa kundi ang sundin lahat ng gusto nya…
Dahil ayoko syang mabigo saakin dahil sabi nya noon
May tiwala sya saakin…
Parang naglahong parang bula ang tiwala at pag ka close namin ni mama…
Lumipas ang mga araw, linggo, buwan…