PROMISE 3: CALL

4 1 0
                                    

JADE POV

Umalis na ako sa pwesto namin, at iniwan si Gem doon. Masaya naman yun sa ginagawa niya. Haha. Hobby niya na kayang bulimi ng kung ano-ano. Kahit naman hindi kailangan.

Kaagad kong sinagot ang tawag.

"Hello? Who is this?" Tanong ko.

"HI. It's me. Demiter"

Oh! Naalala ko na siya. Siya lang naman ang palagi kong kausap sa chat. Sa isang group chat, para siyang Clan? Hehe, mahilig kasi ako sumali sa ganun, Well wala namang masama di ba? Saka di naman nila nakikita ang mukha ko especially yung mga relatives ko kasi ibang Facebook ang gamit ko, Pero siya? ibang profile picture din ang gamit niya eh. Cartoon. Haha. Bale, dalawa kasi ang account ko. Ang isa ay public talaga which is kasama na dun ang family, friends, events and other relatives. Dun din nila ako kino-contact. Ang isang account naman ay yun ang Private account ko. Wala ni isang picture ko ang makikita mo doon kasi tulad nga ng sinabi ko kanina, pang group chat iyon. Itong si Demiter, siya ang palagi kong nakakausap sa chat. Private chat. Wala, kwentuhan lang naman tungkol sa ibang bagay. Minsan nga siya pa ang nasasabihan ko ng ibang problema.

"Hi! Saan mo nakuha ang number ko?" I asked him.

"Hmm, from your friend." Demiter. Eh? Sino kaya yun.

"Oh. So bakit ka napatawag? Anong sadya mo?" Tanong ko sa kanya.

"Hmm. We've been friends for almost 1 year right?" Demiter. Yes. Haha, natiis lang naman namin ang isa't-isa na hindi mag-meet personally ng 1 taon lang naman.

"Yes. Para na nga rin tayong mag best friend eh. Why?"

"Hmm, Can i meet you? Personally?" Demiter. OH MY G! Seriously?

"What? Said it again?" Di lang naman kasi ako makapaniwala eh :3

"Can I meet you personally at the same time I actually call it as a Date" Demiter

"Alright! Sige, Kailan at saan?"

"Next next month, 1st week. Saturday. Mind you if I'll fetch you at your house?" Demiter

"Ay! Ang tagal ah. Nice. Next next month. Siguraduhin mong matutuloy to ha?!"

He chuckled. "Yes, matutuloy 'to." Hanla! Ang cute ng pagtawa niya haha.

"Teka, Paano mo ako masusundo kung hindi mo alam ang address ng bahay ko?"

"Just give me your address kapag hiningi ko na sayo ha?' He answered.

"Oh. Okay, be sure na matutuloy talaga 'to okay?! See you soon. I need to hang up."

"Okay, see you soon. Be safe, I'm not with you." Demiter

Yieee. Haha, kinikilig ang lola niyo.

"Okay, Bye" Hindi ko na siya hinayaan magsalita. Haha, bastos na bata. Kailanagn ko ng puntahan si Gem. Baka kung ano ng mangyari dun.

Pumunta na ako sa pwesto niya at naabutan ko siyang nakatayo.

"Gem, Nabili mo na--"

What the?! Namumutla siya? I smell something fishy huh.

"Hey gem. What happned?" Nakatulala pa rin siya

"Hey gem?! Try mong magsalita."

"Gem! Gem! Gem"

Waepek. wala pa rin nangyari, imposibleng ma-stroke 'to dito.

"ANO BANG PROBLEMA MO JADE?!" Gem. Nice. Siya pa ang galit. Ha-ha. Sinampal ko lang naman siya dahilan ng pagbagsak niya sa couch.

"NICE! THANK YOU HA?! NAKATULALA KA LANG NAMAN DIYAN AT NAMUMUTLA! KALA KO KASI PATAY KA NA!" I yelled her back.

"Ah.. Ganun ba? eh di thanks." Gem. Mukha namang nahimasmasan na siya.

"Teka ano ba kasing nangyari ha? Bakit ka ba ganyan?" I asked her.

"Ha? W-wala t-to.. Tara na nga." Hinigit naman ako ni gem palabas ng store. Hay nako! Una si Xein tapos ngayon si Gem naman? Oh tell me what will happen next?

Well, Magpapakilala muna ako.. I'm Justine Jade Zarona. 17 years old. Ako lang naman ang pinaka bata sa aming tatlo but I'm such a play girl. Just deal with it. This is me. Lahat naman kasi ng ng Lalaki eh manloloko. I love to play the feelings of other. BUT take note, I'm still virgin. Porke ba Play girl na eh hindi na virgin? Duh! Nakikipag halikan lang ako, Date with boys. Mga ganun lang. I have flings but I never had a serious relationship. I don't want to have a commitment with them, At masaya na ako sa lagay na iyon.

Pumunta kami ng starbucks at viola! Nakita namin si Xein. May ginagawa yata sa phone niya. Kaagad naman kaming umupo. Napatingin naman siya sa amin.

"Order na kayo, I'm sure gutom na kayo eh" Xein

"Yes. Gutom na nga kami. Tara na order na tayo Gem" Heto na naman tayo, hindi ko na naman siya makausap. Nakatingin siya sa phone niya habang kami ni Xein nakatingin sa kanya.

"Gem Gem, Mag-order na nga kasi tayo." 

"h-ha? Hindi, i-ikaw na lang.. N-nagbabasa kasi a-ako." Seriously? Anong nangyayari sa kanya? Nauutal pa siya.

"Ganyan ka na pala magbasa Gem, Kailangan nakabaliktad ang phone." Nakangising sabi ni Xein sa kanya. Mukha naman siyang nagulat, at napahilamos sa mukha niya. Hay nako. 

"Ha?! Hindi ah. tara na nga Jade. Nagugutom na ako." At ayun, nauna na siyang umalis. Mahina kaming natawa ni Xein. 

Yaaay! Bibili na kami ng food. Gutom na talaga ako eh.

A PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon