PROMISE 5: MISSING

5 1 0
                                    

JADE POV

Ay! Umaga na pala. Nakauwi kami ni Gem dito kagabi ng safe pero hindi namin kasama si Xein. Ganyan kami bilang mag-kaibigan, pinapalamig muna ang ulo naming then after that pag-uusapan na ang nangyari. I guess hindi na rin umuwi si Xein dito sa condo. Pero thank god alam naman namin kung saan siya hahanapin.

*Tok tok*

"Pasok!"

Pfft! HAHAHAHA! Natawa naman ako kay Gem ng iluwa siya ng pintuan ko. Para bang galing siya sa isang resbakan. Gulo-gulo ang buhok at sobrang kusot-kusot ang damit.

"Bakit ganyan ang suot mo?" Sabi ko habang tumatawa pa rin.

"Para naman hindi mo ako kilala ts." Luampit siya aga sa akin at umupo sa kama ko. "Jade, hindi umuwi si xein ditto kagabi." Malungkot niya sabi.

"Sus! Hindi ka pa ba sanay? Kapag may problema si Xein kailangan niya muna ng Space." Sabi ko

"No no no Jade. Iba ngayon. Bakit? Kasi nung pumasok ako sa kwarto niya eh ang gulo-gulo at halos kalahati yata ng damit niya eh wala." Gem.

"What? Imposible naman yata yan. Ang dala niya lang kagabi ay ang koste niya."

"Tss. Tara samahan mo ko sa kwarto niya." Pagkasabi agad ni Gem eh pumunta na kami sa kwarto ni Xein.


O__________O



Laking gulat ko na ang kalat ng kwarto niya as in. Yung mga damit nakaka-kalat, isama mo na yung mga school supplies, ang mga gadgets na hindi ko alam kung ayos pa. Dinaanan 'to ng bagyo. *smirk*

"See? Ganyan ang naabutan ko dito sa kwarto 'to. Nakita ko kanina bago ako pumunta sa kwarto mo. Nakarinig kasi ako ng kaunting kalampag at ingay kaya nasipan ko na pumunta ditto at ayan. 'yan ang naabutan ko." Pagpapaliwanag ni Gem sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwala.

"Ganito ang gawin natin Gem. Ayusin natin 'to, hintayin natin na mag-hapon at kapag wala pa siya eh gumawa na tayo ng move."

"Seryoso? Gagawa na tayo ng move eh paano kung magalit siya?" Gem

"Hindi siya magagalit. Reasonable naman eh. Malay mo kailangan pala tayo ni Xein. Kaya tapusin natin 'tong mga kalat saka natin siya hanapin."

"Teka paano natin siya mahahanap?" Tanong sa akin ni Gem

"Nakalimutan mo na ba? Ang relo, kwintas at sapatos niya ay may tracking device. Isama mo na yung Phone niya na may GPS." Tumango na lamang siya at nag-umpisa na kami sa paglilinis ng kwarto ni Xein.

Inabot kami ng hapon para malinis lang ang kwarto ni Xein. Biyernes pala ngayon at Alas kwarto na ng hapon. Sa Lunes nasa bago na kaming school at kailangan na naming siyang mahanap, kaya naman ang sinunod na naming hakbang ang hanapin siya gamit ang tracking device at ang GPS sa Laptop ni Gem. Pumunta na kami sa kwarto niya. Clinick ni Gem ang folder ni Xein at clinick niya ang Tracking device pero..


WHAT THE FVCK?!


Wala. Wala. As in wala kaming nakikitang tracking device, kung meron man dapat may maliit na red dot at dahil dun malalaman na naming kung nasan siya pero wala. Basta ng huling record ni Xein dun ay dumaan siya sa Mocking Jay road. Kung saan papunta ito sa resort nila Xein.

"Jade anong gagawin natin?" Gem

"Magbihis tayo. Yung damit na komportable ka, Pupunta tayo sa resort nila. After mo magbihis ay dumiritso ka sa garahe, Ihanda ang kotse at mga baril, kutsilyo, bomba at iba pang deadly weapons. Ihahanda ko ang gas para sa atin. For extra. Tara na." Habang sinasbi ko yun eh sumi-seryoso na ang mukha ni Gem. Alam kong seryoso na siya sa mga ganitong usapan. Alam niya na rin ang gagawin niya pero..






XEIN WHERE THE HELL ARE YOU?


--------------------------

GEM POV

Shit! Kahit seryoso na ako eh kinakabahan na ako sa mga mangyayari. Ibang-iba 'to, hindi kasi 'to Gawain ni Xein at alam kong may dahilan siya.

"Gem are you ready?!" Sigaw sa akin ni Jade habang pababa siya ng Hagdan at ako naman ay nasa kwarto lang and guess what? Nakasuot lang naman ako ng Black fitted pants, Black high-cut shoes na Vans, White sando at black leather Jacket.

Agad ko naming kinuha ang tatlo kong handguns (baril). Ang isa nasa paa ko, at ang isa ay nakalagay sa jacket ko in case. Bumaba na ako at dumiritso sa garahe. Kinuha ko ang susi para mabuksan ko ang drawer, nang mabuksan ko na ito ay Kinuha ko ang mga baril katulad ng DSR 50 Sniper riffle, Thompson M1921 Sub-machine gun, at iba pang handguns. Sinama ko rin ang iba't-ibang sword, mga bomba at iba pa. Marami-rami din ito. Nakita ko naman na pumasok na dito sa garahe si Jade dala ang 5 gallon ng Gas at inilagay sa loob ng koste.

"Ready?" Tanong ni Jade sa akin.

"Yes I am. Tawagan na kaya natin ang Dark Aster?" Sabi ko.

"No. Hayaan natin si Xein na siya ang gumawa nun. Tara na, Mahaba-habang biyahe 'to." Jade

"Teka naka-lock na ba ang buong bahay?"

'Malamang, hahayaan ko bang bukas?" Aba! Binara pa ako ni Jade ts.

Hindi ko na lang pinansin iyon at pumasok na kami ni Jade sa kotse. Umupo siya sa driver seat at ako naman ay umupo sa shotgun seat. Habang nagda-drive siya eh kinuha ko ang Laptop at binuksan 'to. Nagbabakasakaling bukas na ang tracking device ni Xein. Pero wala pa rin. Naghanap ako sa iba pang paraan, sa mga ganitong bagay kasi eh ako ang mapagkakatiwalaan nila, magaling ako sa mga ganitong bagay. Lalo na sa pagha-hack ng maraming bagay, marami din akong connections. Basta sa technology ako ang maasahan nila.

"May nahanap ka na?" Tanong ni Jade habang nagda-drive.

"Ts. Wala pa, Matutulog muna ako ditto tapos gisingin mo ako kapag malapit na. Para ma-check ko ulit yung file niya."

"At if ever na wala na siya sa resort hanapin natin siya sa lugar na palagi niyang pinupuntahan." Tumango na lamang ako at habang unti-unti kong ipinipikit ang mga mata ko, Iisa lang ang nasa isip ko..



Nasaan ka ba Xein?

--------------

Hi readers!

Pasensya po sa mga mentions kong baril diyan, Actually nag-research pa ako niyan kasi wala akong alam sa mga baril. Hehe. hope you to understand! Thank you and God bless <3

- Author

A PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon