ACCORDING TO GREEK MYTHOLOGY: The first humans were created with 4 arms, legs, and eyes, and noses and mouths. Afraid of their powers, zeus split them in half, leaving them to find the other half of themselves. This people are called our SOULMATE!
Soulmate na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita. Kahit siguro libutin ko ang mundo hindi ko pa rin makikita. minsan nga iniisip ko tatanda nalang kaya akong dalaga. Hay.
Powers powers? Ano yan power ranger? Ganon ba kalakas ang powers non at natatakot sila, makakagunaw ba yon ng mundo? Kung ganon din hindi ko nalang hahanapin ang soulmate ko.
"Hoyyyyyy"
"ARAYYYY! Ang sadista mo."
"Kasalanan ko? Bat ka ba nang gugulat?" Natatawang sabi ko. Natatawa ako kay mishtie habang hinahaplos haplos ang pumupulang pisngi niya. Siya kasi yong nanggulat sa akin kanina kaya ayon nasampal ko siya ng pagka lakas lakas.
"Ang sakit ah, ano ba kasi yang binabasa mo at nakatulala ka diyan." Sinisilip silip naman niya yong magazine na binabasa ko.
"Itong magazine nakita ko kanina diyan. About sa soulmate soulmate thingy... Good morning sir...." May bago kasing costumer, kaya todo smile ang peg ko ngayon. Bawal sumimangot malas daw yon.
May freeeomdil caffe kasi kami dito. Para siyang both pero mini restaurant siya. University week kasi namin kaya lahat ng org kailangang magtayo ng both kaya ito naisipan ng org namin ang mini restaurant. Ok naman tong both namin para siyang lively kasi may instant music pa at parang mapapasabay ka sa kanta. Marami ngang tumatambay ngayon dito. Medyo malaki din siya at maraming upuan tsaka maaliwalas din dito hindi siya naka ka haggard kahit hindi siya air conditioning. Ang sarap sa mata ng paligid kasi yong color ang fresh at makikita mo puro fresh pati nagsisilbi fresh na fresh ang ganda kaya namin, oh wag nang kumuntra ha.
Nakakainis lang eh yong uniform namin ngayon, alam mo yong parang anime na maid? Yon yong uniform namin. Peste nakakabanas, ang arte arte kasi ng president namin, ang adik sa anime. Kaya ito ako ngayon nagtitiis sa maikling palda at long sleeve na damit with instant apron. Mabuti nga lang eh pwedeng mag leggings dahil kung hindi wala ako dito ngayon.
"Soulmate?" Gulat na sabi niya ng matapos ako sa pag entertain sa bagong dating.
"Soulmate! Oh for table 10." Abot ko sa kanya ng tray.
Pinaikotan niya ako ng mata at umalis ng rumarampa naging dahilan naman ng pagtawa ko. Minsan talaga may sayad din ang utak nitong babaeng to, puno ng hangin. Natigil ako sa pagtawa ng may isang babae na nagmamadali papunta sa counter.
"*hinga* kapag *hinga* may nagha *hinga* *hinga* nap sa akin. Sabihin mo wala ako *hinga* ha? Pleaseee"
Problema ng isang to. Nagtataka naman na bumalik si mishtie na yakap ang tray. "Problema non?!"
Nagkibit balikat lang ako. "Sinong papatay sayo... Arayyyyy!"
Pesteng babaeng to hinampas pa ang paa ko ng tray. Saan naman niya nakuha tong tray na to? Tsaka pinatahimik ako ng universal sign ng tahimik. Sipain ko tong babaeng to eh kung hindi Lang sa bagong na costumer.... Wait.... Naomieeeee And friends?
"Good morning...." I greet them ng pinaka maganda kong smile. "What are you craving now my friends?"
"Si leanne?" Siya sabay linga sa paligid.
Tumingin ako sa babaeng nasa tabi ko na grabe ang pagtatago at pag plead sa akin.. So sila pala yong pinagtataguan.. pero bakit?
"Ah eh, wala eh... Umalis..." Hindi sigurado kong sagot.
"Umalis?" Panira talaga tong si mishtie. Sarap sipain papuntang mars, sumimple ko namang tiningnan si leanne at kinakabahan na parang natatae na nagtitimpi din. Hula ko gusto din nitong sapukin si mishtie.
BINABASA MO ANG
Soulmate
FanfictionACCORDING TO GREEK MYTHOLOGY: The first humans were created with 4 arms, legs, and eyes, and noses and mouths. Afraid of their powers, zeus split them in half, leaving them to find the other half of themselves. This people are called our SOULMATE! S...